Kabanata 4 - Sanson Mansion, tahanan ng mga magulang ni Anthony

1070 Words
"Saan ka galing Anthony" dumagondong ang boses ni Don Alejandro sa sala ng kanilang masyon. Lingid sa kaalaman ng binata , may nakasunod sa kanyang tao ni Don Alejandro.Hindi na si Manong Pedring dahil naging maluwag ito sa kanya. Ang pamilya Sanson ay isa sa pinakamayang pamilya sa probinsya nila. Maliban sa kanilang rancho, mayroon itong shipping lines at malaking malls sa iba't-ibang parte ng Western Visayas. Katunggali nila sa kanilang mga negosyo ang mga magulang ni Analyn. Mula pa sa kanilang mga Lolo ang mahigpit na tunggalian ng dalawang pamilya. Hindi na umimik si Anthony ng sigawan siya ng kanyang ama dahil alam niyang lalo lang itong magagalit sa kanya kapag sinagot niya ito. "Maganda gabi ,Papa", ang suyo niya sa kanyang ama. "Nangabayo lang po ako sa rancho", tugon niya ulit. "Bakit hindi ka na ba pumapasok? At bakit ngayon ka lng dumating kanina ka pa umalis sabi ng Mama mo, ang saad ng Don sa anak. Alam niya kung saan ito galing pero gusto niyang aminin ito sa kaniya subalit iba ang dahilan nito. Galit na galit siya pero di niya pinahalata sa anak niya. "Kumain ka na? tanong niya dito . "Opo" ang sagot ni Anthony sa kanyang ama. Sinabihan si Anthony ni Don Alejandro na kung di siya kakain ay magpahinga na siya at may pupuntahan sila ng maaga kinabukasan. Alas Sais (6AM) pa lang ng umaga ng pinagising na ng Don si Anthony sa kanilang mayordoma. "Senorito, Senorito Anthony" , pinababa na po kayo ni Senor upang mag-almusal. " Manang, inaantok pa po ako", sagot niya kay sa kanilang mayordoma na siyang nagpalaki sa kanya. Mula ng bagong kasal palang ang mga magulang niya ay nagsisilbi na ito sa kanila. Parang Nanay na ni Anthony si Manang Melba sapagkat ito talaga ang nag-aalaga sa kanya mula pa ng baby siya. Busy sa kanilang negosyo ang kanyang mga magulang kaya silang dalawa ang madalas magkasama. "Anak, mapapagalitan ako ng Papa at Mama mo kapag bumaba ako na di ka kasama", ang tugon sa kanya ni Manang Melba. Dahil sa sinabi ng kanyang Yaya, napilitan siyang bumangon. Kilala na niya ang kanyang mga magulang, minsang hindi sumunod si Anthony sa kanya dahil pinagbigyan niya ito, dinig na dinig niya kung paano sigawan ng kanyang Mama si Manang Melba. "Masyado mong binibaby ang alaga mo, binata na yan walang alam gawin kundi magbarkada at magwaldas ng pera, baka gusto mo ng umuwi sa pamilya mo Manang, ako na ang bahalang dumiseplina sa kanya." pasigaw ng kanyang Mama kay Manang. "Senyora, huwag naman po. Alam niyo naman ako lang inasahan sa amin." Pagmamakaawa ni Manang kay Senyora Conchita. Maysakit kasi ang kanyang ama at isang buwan ng nakaratay sa banig. Nasa ospital ito at tanging ina niya lang ang nagbabantay. Matanda na rin pareho ang mga magulang ni Manang Melba. Masakit para kay Anthony ang mga salita ng kanyang ina kay Manang Melba. Niyakap ni Anthony ang kanyang Yaya na matandang dalaga, di na ito nakapag-asawa dahil sa kanya. May nanliligaw dito noon ang kanilang hardinero pero ayaw niya kaya ,hindi na rin ito pinansin ni Manang Melba. "Maligo ka na anak, kahapon alam nila kung saan ka galing kaya huwag ka ng magdahilan kung itatanong nila ulit, alam mo bang may sumusunod sa iyo kahit saan ka magpunta?" Nagulat siya sa sinabi ng kanyang Yaya, kaya seguradong alam na nila na nakipagkita siya kay Analyn. "Yaya, wala pa rin akong aaminin kasi nagsinungaling na ako pagdating ko". Naintindihan naman ni Manang ang ibig niyang sabihin. "Alam mo Manang, minsan ayaw ko na umuwi dito sa asyenda. Mabuti pa sa City I malaya kami ni Analyn. Kahit ayaw niya akong kausapin noon, ng mamatay ang Mama niya nakita niya na sinsiro ako sa kanya," paliwanag nito sa kanyang Yaya."Pero anak, ano gagawin kapag nalaman ng mga magulang mo na sinuway mo sila?, tanong ni Manang sa akin." Bahala na po, basta si Analyn ang tinitibok ng puso kaya ipaglalaban ko siya kapag sinagot niya ako", paliwanag ko sa aking Yaya. Pagkatapos ni Anthony maligo ay bumaba na rin sila ni Manang Melba. Nagtatawanan pa silang dalawa kaya nasaway sila ng kanyang ina. " Manang, bumalik ka na sa kusina!, singhal ni Mama kay Manang. "Opo Senora", mapagkumbaba sagot ni Manang. Laging nasa isip ni Anthony na kapag nag-asawa na siya ay isasama niya si Manang Melba sa bahay nito. Pagkakain nila , sinama ni Don Alejandro si Anthony sa opisina nito. "Tony, seguro panahon na para malaman mo ang takbo ng ating negosyo. Kahit medisina ang kinuha mo pwede ka pa rin mamahala dito. Just manage your time." Paliwanag nito sa kanyang anak. Anthony POV Pinagbigyan ko na si Papa na isama ako sa opisina niya at pinakilala ako sa kanyang mga tauhan. Lagi naman akong pumupunta dito pero ngayon lang ako naintroduce sa iba't iabang gawain ng bawat departamento.Nagkunwari akong interesado pero sa totoo lang ayaw ko talaga magnegosyo kaya nga doktor ang kinukuha ko. Matapos akong ipakilala ng ama ko sa mga tauhan niya sa kompanya ay nagpaalam na akong umuwi dahil may duty pa ako kinagabihan. Madali lang naman pag-aralan kapag nandiyan ang anuman negosyo. Kung nga na hindi na ako makibahagi sa mga negosyo ng mga magulang ko pero hindi maari dahil nag-iisa lang nila akong anak. "Hi , Ann kamusta ka na? " "Hi, Tony. Akala ko nakalimutan mo na ako," sagot sa akin Analyn sa kabilang linya. Tinawagan ko siya pagkatapos kung lumabas sa building ng company namin. "Pwede ko bang kalimutan ang babaeng pinakamamahal ko.Where are you? Can we meet tomorrow?" , tanong ko sa kanya. "Ammm, pero tinatapos ko pa ang thesis ko eh, malapit na kasi ang graduation namin," paliwanag ni Analyn. "Please, kahit 1 hour lang, namimiss lang kita eh", pakiusap ko sa kanya. "Punta ka na lang dito sa apartment ko, mga after lunch kasi mapupuyat na naman ako nito. Maraming correction yong prof ko kaya need ko maedit agad", dugtong pa ni Analyn. "I understand, okay see you tomorrow", sagot ko sa kanya at binaba na niya ang telepono. Umuwi muna ako sa mansyon namin at kinuha ko ang mga gamit ko pabalik ng City I. Dahil wala pang masyadong traffic na iyon madaling nakarating si Anthony sa kanyang apartment. Naligo lang siya at nagbihis papunta sa ospital pero hindi maitago sa labi niya ang excitement at dasal na sana sagutin na siya ni Analyn bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD