Maagang nagising si Analyn upang diligan ang kanyang mga tanim na rosas. Mayroon naman silang hardinero pero mas gusto niyang siya mismo ang nag- aalaga ng mga iyon.
"Bulaga" nagulat si Analyn ng may yumakap sa kanyang likod. Si Anthony ito, humarap siya sa lalaki,di niya mawari kung matutuwa siya o matatakot dahil kahit wala ang kanyang mga magulang ay seguradong magsusumbong ang kanilang kasambahay sa kanila.
"Bakit takot. ka bang ipakilala ako sa mga magulang mo" ang sabi ni Anthony sa kanya.
" Hindi naman sa ganoon kaso bata pa kasi tayo maliban doon hindi nila alam na sinuway ko sila, hindi pa ako pwede magkaroon ng nobyo at lalo pa ikaw yon,akala ko ba nagkaliwanagan na tayo sa telephone ,bakit nandito ka ngayon." ang paliwanag ni Analyn.
Medyo nalungkot ang mukha ni Anthony pero may ngiti pa rin sa kanyang labi sapagkat nasilayan niya ang kagandahan ng babaeng nagpapatibok ng kanyang puso sa unang pagkakataon.
"Ako na haharap sa kanila,kausapin ko sila",paliwanang sa ni Anthony kay Analyn.
"Pero ayaw ko pa nga magpaligaw eh at baka kung ano ang gagawin ng Papa ko sa iyo" ,ang sagot ni Analyn kay Anthony."
"Oh,ayaw mo pero umaabot ng tatlong ang pag-uusap natin sa telephone." Natutuwa siya sa reaksiyon ni Analyn,dahil iba ang kilos niya kaysa sa sinasabi.
"Bakit ka nakangiti diyan?" Napasimagot si Analyn dahil sa tinuran ni Anthony.
" Marami pa akong pangarap sa buhay, ayaw ko muna magnobyo". "Kahit na gustong - gusto kita di pwede"
bulong niya sa kanyang sarili.
Nakunwaring nalungkot naman si Anthony sa kanyang tinuran. Ngunit sa likod ng kanyang isipan,ipagpapatuloy niya pa rin ang panliligaw dito kahit anong mangyayari dahil ganoon niya kagusto ang dalaga.
At gagawin niya ang lahat mapasagot lang ito,alam niya na may gusto din ito sa kanya. Lingid sa mga magulang nina Analyn at Anthony ay lihim silang nagkikita at nagdadate na dalawa. Pareho silang sa City I nag-aaral kaya malaya silang nakakapagkitaan. Magkaiba sila ng university na pinapasukan , kumuha si Anthony ng medicine dahil gusto niyang maging doktor si Analyn ay business management dahil gusto niyang tulungan ang ama sa mga negosyo.
Tuwing bakasyong lang sila tumatagal sa kani-kanilang asyenda. Ngayon taon dahil nakabasyon sila hindi nakatiis si Anthony na di makita si Analyn kaya dinalaw niya ito. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anthony, pinasundan siya ng kanyang ina. Pagkaalis niya sa mansyon nina Analyn nagkunwari siyang wala siyang nakikita.
Anthony POV
"Manong Pedring, lumabas ka na sa pinagtataguan mo.Kanina pa kita nakita." tawag ko sa katiwala ni Papa. "Manong hindi mo ako nakita na lumabas doon di ba? "Pero Senorito, ano ang sasabihin ko sa Mama mo?", nag-aalanagn niyang tanong sa akin. Kina Andrew mo ako nakita, di ba? "Opo Senorito", kakamot - kamot siya ng ulo pero wala na rin siyang nagawa.
Sinama ni Anthony si Manong Pedring sa kanilang niyugan. Si Andrew ay anak ni Mang Melchor na katiwala nila dito. "Senorito, nandito ka na pala. Katatawag lang sa akin ng Mama mo eh." Bungad sa akin ni Andrew. "Ah eh, may dinaanan lang kami ni Mang Pedring kaya natagalan kami.", tinitigan ko si Andrew. "Sa isip ko, makuha ka sa tingin." Si Andrew lang ang nakakaalam na nanliligaw ako kay Analyn, kaya alam na niya kahit di ko sabihin.
Analyn POV
Samantalang sa mansiyon ng mga Villareal pagkaalis ni Anthony ay humahangos na tinawag ni Manang Loring si Analyn. "Senorita, Senorita, ang Mama mo po"."Ano nangyari sa Mama ko Manang?tanong ko sa kanya. "Nawalan po siya ng malay", takbo kami ni Manang sa itaas sa kuarto ng mga magulang ko. Nakita ko nasa kama si Mama , walang malay pero tumitibok pa ang kanyang puso."Manang pakisabi kay Mang Poldo, ihanda ang kotse, dadalhin natin si Mama sa ospital. Tumawag ka rin ng mga kasama natin para mabuhat siya."Sunod - sunod kong utos kay Manang. Nataranta naman si Manang at agad tumalima. "Mama, huhuhu"."Mama ano po ba ang nangyari?"
Samantalanang sa ospital sa bayan nila dinala ni Analyn ang kanyang ina. Agad nman itong binigyan ng unang lunas hanggang nagkamalay dito. Mabuti na lang walang traffic sa bayan nila kaya 20 minuto lang narating na nila ang 25 kilometro na daan mula sa asyenda nila. Ngunit ayon sa doktor na sumuri kay Donya Cecilia ay kailangan pa itong obserbahan kaya kailangan niyang icomfine. Tinawagan agad ni Analyn ang kanyang ama na abala sa kanilang mga negosyo. Pagdating ng kanyang ama ay agad itong nakipag-usap sa doktor.
"Dok, ano ba talaga ang sakit ng asawa ko?", tanong ng Don sa doktor. "May suspetsa akong mayroon siyang cancer, pero need natin siya ilipat sa Maynila dahil hindi rin ako segurado sa findings ko. Isa pa kulang ang mga aparato natin dito. Kaya po kung papayag kayo iayos ko agad ang pagtransfer niya sa Maynila, " pakiusap ng doktor kay Don Amancio. "Sige, kung ano ang kailangan, gawin ninyo lahat para sa asawa ko", atas ng Don sa doktor.
Agad namang inayos ng doktor ang transfer ni Donya Cecilia sa Maynila. Doon nakita base sa lahat ng procedures na giniwa sa Donya ay stage 4 na cancer nito sa buto. Hindi makapaniwala ang Don pero naghinala na siya noon pa dahil laging nahihilo at nananakit ang buong katawan nito lagi pero ayaw niya magpatingin sa doktor. Pinuntahan niya ang kanyang asawa sa private room na kinuha niya , maraming aparato ang nakakabit dito. Awang - awa siya sa mukha ng asawa, mukhang tumanda ito ng ilang taon dahil sa sobrang payat na nito.Maya-maya dumating na rin si Analyn at Manang Loring, dahil nag-aaral pa ang dalaga hindi siya pwedeng pumirmi sa ospital. Nakiusap lang siya sa mga professor ng isang linggo para makasama siya sa kanyang mga magulang dito sa Maynila.
"Papa, ano po ang sabi ng doktor? "Kamusta na po si Mama?", sunod - sunod na tanong ni Analyn sa kanyang ama. " Anak, kailangan ng Mama magchemotheraphy dahil stage 4 na ang kanyang bone cancer," pigil ang luha ni Don Amancio pero hindi pa rin niya ito napigilan. Yumakap siya sa kanyang anak para kumuha ng lakas. "Papa, ayaw ko pong mawala si Mama sa atin, " pakiusap ni Analyn sa kanyang ama. "Oo , anak lahat gagawin natin para sa Mama", sagot sa kanya ng kanyang ama.
Samantala , kahit may pera ka kung panahon mo na wala ng makakapigil kay kamatayan. Hindi nakayanan ni Donya Cecilia ang chemotheraphy dahil na rin sa mahina na ang kanyang immune system. Inuwi ng mag-ama ang kanyang bangkay sa kanilang asyenda pagkatapos ng limang araw nitong pamamalagi sa ospital. Parang sinukluban ng langit at lupa ang mundo ng mag-ama ngunit wala silang magawa kundi tanggapin ito.