"Hello, Susan saan ka na ngayon? Tingin ko alam ko kung saan sila." "Andrew, saan ba sila? Pakiusap hanapin mo sila." Tinawagan agad ni Andrew si Susan ngunit sinabi niya dito na nasa City pa siya kaya di agad siya makakarating sa Ilong Bukid. Sinabihan niya si Susan na siya na ang bahala. "Sumunod ka pa rin kasi di ko alam kung ano ang ginawa nila sa bundok.", sabi ni Andrew kay Susan. Lingid sa kaalaman ni Andrew, may tao ring nakasunod sa kanya. Inutusan ni Don Alejandro na sundan ito kung saan ito pupunta dahil hindi siya naniniwala na wala itong alam. Alam niyang kahit anong gagawin iyang panakot dito ay loyal ito sa matalik na kaibigan. Para ng magkapatid ang turingan nilang dalawa.
Samantalang sa mansyon ng mga Villareal , may dumating na tao. Isa siya sa mga inutusan ni Don Amancio na bantayan ang anak na dalaga. Dahil ito ang CEO at nag-iisang taga-pagmana ng Villareal Holdings Inc. laging may nakasunod ditong tao na hindi niya kilala. "Senor, kasalanan ko po, di ko na ancipate na aalis ang Senorita. Akala ko sa opisina pa rin ang tungo niya." " Pinuntahan ko po yong lugar na sinabi ni Susan sa inyo kung saan niya nakita ang kotse ng Senorita, hinabilin lang po niya doon sa may-ari ng isang kantina at umalis na po sila."salaysay ng tao ni Don Amancio. "Sino daw ang kasama niya?" tanong ulit ni Don Amancio. "Si Dr. Anthony Sanson daw po", bigkas nito. Nagulat sila ng biglang sinuntok ng Senor ang mesa. "Senor, okay lang po ba kyo? tanong ni Manang Melba sa kanya.
Samantalang ang dalawang magkasintahan ay walang kaalam-alam na hinahanap na sila ng mga taong malapit sa kanila. "Ga , ang ganda naman dito", lambing ni Analyn kay Anthony. Nakasandal siya sa dibdib ni nito. "Ga, matagal na kitang niyaya dito eh ayaw mo naman.",hinahaplos ni Anthony ang pisngi niya. "Alam mo bang binili ko na ang lugar na ito" "Talaga , pangarap kong dito tayo bubuo ng pamilya natin. Gumapang ang kamay ni Anthony sa katawan ng kasintahan. "Ga, I love you so much" bulong nito kay Analyn. "I love you too"sagot ni Analyn. Nakalimutan na ni Analyn ang tunay na dahilan kung bakit siya nakipagdate kay Anthony. Maya - maya nagring ang celphone ni Anthony, si Andrew nasa kabilang linya. "Tony, saan ka ba? Pinapahanap ka na ng Papa mo.Pati si Ann hinahanp na rin kanila." "May dalang tao si Don Alejandro, pinapagalugan niya ang bundok", bilang kinabahan silang dalawa ni Analyn pero buo na ang loob niya.
Miguel POV
Kasama ko ang mga tao ni Don Amancio sa rancho nito. Buo ang loob ko na bawiin si Analyn kung kanino man ito. Matapos malaman ng Don kasama ni Analyn si Anthony ay agad niya akong tinawagn .Halos paliparin ko ang aking kotse makarating lang ng mansyon ng mga Villareal. Agad akong kinausap ni Don Amancio. Nalaman ko ang buong kwento tungkol sa hidwaan ng magkabilang pamilya. Over the years, hindi lang sa simpleng love triangle hanggang tunggalian ng karapatan sa hanapbuhay. Masakit man isipin pero kailanagn kong bawiin ang babaeng nakatakda kong pakasalan hindi lamang sa kasunduan ni Don Amancio at ng Papa kundi dahil mahal ko na ang dalagang ito kaya kahit anuman ang nangyari, lintik lang ang walang ganti."Akin ka lang Analyn, walang makakakuha sa iyo akin ka lang", malademonyo ang anyo ni Miguel. Mukha lang siyang anghel pero may tinatagong siyang lihim na negosyo. "Magkita tayo sa paanan ng bundok ng Ilong Bukid", sabi nya sa kanyang kausap sa celphone. "Magdala ka ng dalawa pang tao natin yong maykargada pero huwag kayong magpahalata kasi kasama ko ang mga tao ni Don Amancio.", wika niya sa kausap. "Areglado Sir", sagot nito sa kanya.
Analyn POV
Natatakot ako para sa amin ni Anthony, ang balak kung hiwalayan siya ng maayos ay hindi ko masabi - sabi sa kanya. Pero nasabi ko na sa kanya noong huli kaming magkita pero hindi natapos ang usapan namin. "Anthony , ano gagawin natin? tanong ko sa kanya." "Ann, mahal na mahal kita alam mo yan.", wika sa akin ni Anthony. "Handa ka bang sumama sa akin anuman ang mangyari?tanong niya sa akin. "Yes, Ga. Sasama ako sa iyo kahit saan."sagot ko sa kanya. "Alam natin sa simula pa lang , ayaw na nilang magkarelasyon di ba?Tango na lang sinasagot ko sa kanya. Ito na panahon na kinakatakutan natin. Handa ka bang ipaglaban ang pag-iibigan natin? "Ga, alam mo naman kahit anong pagbabawal sa akin ng mga magulang ko noon pa, hindi ko sila sinunod. Ayaw kung pakasalan si Miguel Ga" "Ikaw lang ang mahal ko", umiiyak na sabi ko kay Miguel. "Ann, Palangga ko. Tahan na dumaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko bago ka niya makuha sa akin." ang sagot ni Anthony sa akin.
Andrew POV
"Kuya Andrew, saan ang punta mo?" tanong sa akin ng pinsan ko. "Saan ang punta mo kuya? "Narinig ko kanina, pinasusundan ka ni Don Alejandro kay Mang Igme", sabi ni Isko sa akin. "Hindi nila ako nakita kaya , pumunta agad ako sa iyo kasi narinig ko na hinahanap nila si Senorito Anthony." "Isko, hindi mo ako nakita ha. Alis na ako." paalam ko sa kanya. Tinawagan ko na sila kanina kaya alam kung gagawin nila ang dapat.
Anthony POV
Hindi ko pakakawalan si Analyn, ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin. Kinakabahan din ako pero di ko iyon pinahalata sa kanya. Hinawakan ko siya at sinabihan na aalis na kami. "Sumama ka na sa akin, hintayin natin na humupa ang galit ng mga magulang natin sa isa't isa.", alo ko kay Analyn. Alam ko na noon pa na dadating kami sa puntong ito. Baka maari na naming baliktarin ang mga naganap noon.
Andrew POV
Paakyat na ako ng bundok ng may nataaw ako sa malayo. May mga taong armado ng mga b***l. Nagkubli ako sa may masukal na d**o kung kaya di nila ako nakita. Narinig ko ang sinasabi ng pinakalider nila. "Kunin ninyo ang babae at huwag ninyong saktan, kapag lumaban ang lalaki patayin ninyo". "Areglado Boss Miguel". "Lumayo na kayo sa akin baka makahalata ang mga tao ni Don Amancio", sabi ni taong Miguel ang pangalan at siyang pinakalider nila. "Teka, siya ba si Miguel San Jose". Ang alam ni Andrew , ang mga San Jose ang may-ari ng plantasyon ng m*******a sa kabilang bayan. Malakas ang kapit sa pamahalaan kaya hindi sila magalaw - galaw ninuman maliban pa sa mga armadong nagbabantayan doon. Kailangan maunahan ko silang makita ang dalawa.
"Oh ,pag-ibig na makapangyarihan kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat makuha ka lamang."