Kabanata 13 - Ang Anino ni Analyn

1122 Words
Habang binabagtas ng magkasintahan pababa ang bundok, hindi nila napansin ang mga taong naghahanap sa kanila. Ang nasa isip nilang dalawa basta magkasama sila everything will be fine. Lingid sa kanilang kaalaman may mga masasamang tao na nais silang saktan. Miguel POV "Bakit hindi ko nalaman agad na may boyfriend pala si Analyn. Kaya pala nagulat siya ng malaman niyang nakipagkasundo si Don Amancio sa Papa ko. Anuman man ang dahilan ng pagkakilala ko sa kanya, gusto ko na siya kaya kahit anong mangyari kukunin ko siya. Halo -halong emosyon ang pinapakawalan sa isip ni Miguel. Lintik lang ang walang ganti ang nasa isip niya. Matira ang matibay sa amin ng Anthony na iyon. Bulong niya sa sarili niya. Hindi niya napansin na pinag-aaralan ng tao ni Don Amancio ang mga kilos niya. Unknown POV "Senor, kahina - hinala ang kilos ni Sir Miguel baka may mangyari kay Senorita, nakita ko kanina may mga kausap siyang mga tao na mga armado." "Kilala ninyo ba talaga kung sino si Miguel at ang ama niya", gulantang si Don Amancio sa sinabi ng tao niya sa kanya. Si Frank ay dating sundalo at expert sa intelligence. Sa kanya inaatas ni Don Amancio ang pagbabantay kay Analyn. "Senor, hindi ko alam na pinagkasundo ninyo si Senorita na magpakasal kay Miguel kung alam ko kinontra ko na agad kayo noon pa." dugtong niya. Kausap niya si Don Amancio sa celphone. Lihim siyang pinasunod ni Don Amancio kina Miguel at sa ibang tauhan nito dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. "Sabihin mo na Frank , ano ang alam mo tungkol sa mag-ama?", iritabli niyang tanong sa kanyang tao. "Senor, maraming ilegal na negosyo ang mag-ama na yan. Isa - isahin ko sa iyo pagbalik namin. Importante ngayon maunahan ko siyang makuha si Senorita", pagtatapos ni Frank sa usapan nila ni Don Mancio. "Frank, pakiusap ibalik mo sa akin anag anak ko", pakiusap sa akin ni Don Amancio. "Senor, sa totoo lang mas gusto kung kay Dr. Sanson siya mapunta kung di ko siya makuha, kaysa kay sa Miguel na iyon." sagot ko sa kanya. "Kung ano ang makabubuti sa anak ko, ikaw ang bahala, handa ako magpaubaya para sa ikabubuti at kaligayahan ng anak ko." "Senor, huwag kayong mag-alala handa akong isakripisyo ang buhay ko para sa inyo", sagot ko sa kanya. Anak ako ng dating labandera nila Don Amancio, pinag-aralan nila ako ng Criminology at pinagamot ang sakit ng nanay ko sa cancer. Stage 4 na noong malaman namin ang sakit niya pero gumawa pa rin ng paraan sina Don Amancio at Donya Cecilia noon ng paraan para maoperahan siya at ma chemotheraphy. Nadugtungan naman ang buhay ng nanay ko ng isang taon kaya nakaakyat pa siya sa intablado noong graduation ko. Nakapasok ako bilang sundalo after graduation , ngunit di na kinaya ni Nanay ang mga kasunod pa na gamutan kaya bumigay na ang kanyang katawan. Nakiuasap si Don Amancio noon na bantayan ko ang Senorita Analyn. Noon pa man humahanga na ako sa kanya dahil kahit nag-iisa siyang anak, hindi ito matapobre. Sa kagustuhan kong masuklian ang kabutihan ng mag-asawang Villareal sa aming mag-ina pumayag akong maging bantay niya. Inalam ko ang mga schedule niya at lihim ko siyang sinusundan kung saan man siya magpunta. Noong nasa City I siya nag-aaral , alam kung nililigawan siya ni Anthony Sanson. Noong una balak kung guluhin si Anthony at ayaw ko siyang palapitin kay Senorita pero nakita kong malaki ang respito niya dito kaya hinayaan ko lang. Kahit medyo nagseselos ako, tinikis ko ang sarili ko para sa ikaliligaya niya. Kahit noong bata pa ako noon alam ko na magkaaway ang kani-kanilang pamilya , wala akong sinabi kay Don Amancio tungkol sa kanilang dalawa. Anthony POV Takbo - lakad ang ginawa namin ni Analyn, bahala na kung saan kami mapunta.Importanteng makababa kami ng bundok na di kami maabutan ng mga tao ni Papa at Don Amancio. "Senorito Anthony, mabuti nakita ko kayo" hingal na sabi ni Andrew. "Andrew, mabuti ikaw yan" sabi ko sa kababata ko."Nagmadali ako dahil may mga taong naghahanap sa inyo at narinig ko na inutos niya na kunin si Miss Analyn kahit buhay mo ang kapalit." " Ha, sino siya Andrew. " "Si Miguel San Jose", sagot niya sa akin. Biglang nagulat kami ni Analyn. Umiiyak na siya."Ga, ayaw kung sumama kay Miguel", sabi ni Analyn sa akin. "Ga, hinding-hindi kita ibibigay sa kanya". Niyakap ko si Ann upang maging kalmado siya. Maya - maya isang taong lumapit sa amin. "Senorita Analyn, kamusta po? " "Frank, ikaw ba yan?", tanong ni Analyn sa taong iyon. "Oo, Senorita. Pinasunod ako ng Papa mo." Hali kayo samahan ko kayong makalabas dito". "Delikado kung maabutan tayo ng mga tao ni Miguel San Jose". "Dr. Sanson, alalayan mo ang Senorita dito kami sa likod ng kaibigan mo". "Kilala mo ako?,sabi sa kanya ni Andrew. Matagal ko na kayong kilalang dalawa."Ako nga pala si Frank, body guard ako ni Senorita Analyn, pero di niya alam kasi nasa malayo lang ako lagi.Anino na niya ako mula pa ng bata kami. Malaki ang utang na loob ko sa mga magulang niya." Pagpakilala ni Frank sa amin ni Andrew." Sa di kalayuan sa pinagtataguan namin ay mga yapak kaming naririnig. "Dalian nyo at isipat ang inyong mga mata, kailangan makuha natin ang babae." sabi ng isang taong medyo maitim at kulot ang buhok. "Ondoy, balita ko maganda daw yong anak ni Don Amancio, ano kaya kung hindi na natin ibigay ay Boss iyon" sabi ng isang taong matangkad at balbas sarado ang mukha. "Gago ka ba Ensong, gusto mong katayin ka ni Boss ha?" "Parang di mo kilala iyon pagnagalit", wika sa kanya ni Ondoy. Nagkatinginan kaming apat dahil mukhang hindi talaga maganda ang plano ng mga taong ito sa amin. "Andrew, may b***l ka ba? wika ni Frank kay Andrew . "Ikaw Dok?" Wala kaming b***l Frank. "Tatawag ako ng back-up, huwag kayong maingay dito, lalayo ako ng konti para di nila kayo mapansin." Lumayo si Frank at may tinawagan siya sa radyo. "Tinawagan ko ang dati kung kumander sa militar, mga wanted ang mga tao ni Don Alejandro San Jose kaya madali tayong makakuha ng backup", wika ni Frank kaya tumango na lang ako sa kanya. Nakakita kami ng bahay sa di kalayuan at doon kami nagpahinga ng kaunti. Humingi lang kami ng tubig na maiinom dahil nanginging na sa takot si Ann. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Inakay ko na si Ann dahil nanghihina na siya. Sino ang makapagsasabi na ang masaya sana naming date ay ganito ay mangyayari. Hindi ko pinapakita sa kanya na nahihirapan din ako para lumakas din ang loob niya. Nakaalalay pa rin sa amin ang body guard niya at ang kababata kung si Andrew.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD