Kabanata 20 - Ang tunay na ama ni Miguel San Jose

1025 Words
Pagkatapos ng isang linggo isinama ni Miguel ang nanay at kapatid niya sa Iloilo upang doon na sila manirahan. Dahil may sarili na siyang bahay hindi na siya nag-isip kung ano ang nararapat. Pero hindi pa rin sinasagot ng Nanay niya kung sino ang tunay niyang ama. Ang perang minana niya kay Don Alejandro ay pinatayo niya ng isang maliit na talyer. Hindi iyon problema sa kanya dahil nagtapos siya ng Mechanical Engineering dahil mas interesado siya sa mga sasakyan. Miguel POV "Nay, aalis na po ako. Huwag ka po magpagod maigi sa mga trabahong bahay ha." bilin ni Miguel sa kanyang ina. "Ayaw mo bang mag-almusal muna. Nakaluto na ako ng itlog at bacon." yaya sa akin ni Nanay. " Sige Nay,sabay tayo kumain. Si Nani Nay,gising na ba? " hanap ko ang kapatid ko. " Pumasok na siya anak. Salamat nga pala sa mga tulong mo sa kapatid mo ha." pasasalamat ng nanay ko sa akin. " Wala yon Nay,magkapamilya tayo di ba." lambing ko sa nanay ko. Niyakap ako ng nanay ko. Saya sa puso."Aalis ako mamaya anak ha. Magkikita lang kami ng kaibigan ko." paalam ng nanay ko sa akin. "Sige po Nay, ingat po kayo." tugon ko sa kanya. Inabutan ko siya ng pera. "Ito Nay oh, bumili kayo ng gusto ninyo tapos ilibre mo pagkain kaibigan mo. Mauna na po ako ha". "Ingat anak". Marites Alcantara at Manang Loring Samantalang sa isang mall nagkita sina Manang Loring at Aling Marites. "Marites, kamusta ka na? Mabuti at nakaluwas ka dito sa siyudad." bati ni Manang Loring kay Aling Marites. "Amiga, mabuti naman. Dito na kami nakatira sa city ngayon.", sinundo kami ng anak ko sa Negros. "Teka nga, nag-asawa ka ba pagkatapos mo umalis sa mansyon noon?" tanong ni Manang Loring sa kaibigan niya. Sabay silang namasukan noon sa pamilya Villareal. Bagong kasal lang noon sina Donya Cecilia at Don Amancio. Mababait ang mag-asawa. Pareho silang 20 years old noon. Si Manang Loring ang taga-luto at si Aling Marites naman ang katulong sa loob ng bahay. "Halika Loring hanap muna tayo ng makainan. Total matagal tayong hindi nagkita kaya sulitin natin ang araw na ito." yaya ni Aling Marites kay Manang Loring. "Marites, bakit ka nga pala biglang umalis noon. Hindi manlang tayo nag-usap kung ano ang problema mo. Pagkagising ko wala ka na pati mga damit mo sa lagayan natin." may himig tampo ang boses ni Manang. " Loring , kwan kasi.. "nauutal si Aling Marites , di niya alam kung paano simulan ang kwento."Loring, may sasabihin ako sa iyo. Sana huwag mo akong husgahan pagkatapos nito. Noong gabing iyon, umuwi si Don Amancio ng lasing, tulog ka na noon dahil marami tayong ginawa sa kusina. Pinasok niya ako sa silid ko,ginahasa niya ako. Pagkatapos noon , di ako mapakali, naghalo ang kaba, galit at takot na nararamdaman ko.Umiiyak ako na nagligpit ng mga gamit ko at dahan-dahang bumaba. Sa likod ako dumaan dahil alam kong may bantay sa harap. Paglabas ko ng gate, pumara ako ng tricycle papunta sa terminal. Nagulat ang Itay noon dahil umuwi ako na di nagsasabi sa kanila sana daw sinundo niya ako sa terminal." kwento ni Aling Marites kay Manang Loring. "Teka, di ko alam na iyon ang dahilan. Akala ko umalis ka lang basta-basta. Hinahanap ka noon ni Donya Cecilia dahil nagtaka din kami na sa kuarto mo galing si Don Amancio. Kung ganoon sa iyo pala ang dugo na nakita ko sa kubre kama." pagtatakang sagot ni Manang Loring. "Loring, para akong mabuang noon. Di ko din sinabi kay Itay ang nangyari kasi ako pa ang sisihin noon, sasabihan akong malandi. Alam mo naman ang ugali noon." paglalahad pa ni Aling Marites kay Manang Loring. Pagkatapos ng tatlong araw sumama ako sa pinsang kong si Jamie sa kabilang bayan. Namamsukan siya sa hacienda ni Don Alejandro. Namasukan din akong katulong doon. Doon ko nalaman na buntis ako.Nalaman yon ng asawa ni Don Alejandro. Wala pa silang anak noon kaya inalok niya ako na ampunin niya ang bata pagkapanganak ko. Ganoon nga nangyari at binigyan niya ako ng malaking halaga kaya umalis ako sa hacienda nila." patuloy na salaysay ni Aling Marites kay Manang Loring. "Loring di ko akalain na ibalik niya sa akin ang anak ko pagkatapos ng mahabang panahon." patuloy niya sa kanyang kuwento. "Ibig sabihin, malaki na ang anak mo? tanong ni Manang Loring kay Aling Marites. "Binatang - binata na siya Loring. Siya si Miguel San Jose." napabagsak ng kamay si Manang Loring sa mesa sa pagbanggit ni Marites ng pangalan nito. "Segurado ka Marites?" "Segurado ako Loring, sinubaybayan ko kong paano siya pinalaki ng mag-asawa. Pero noong nakapag-asawa ako, sumama ako sa kanya sa Negros kaya wala na akong balita sa anak ko. Kailan lang nagulat ako ng dumating siya sa bahay namin. Habang pinagmamasdan ko siya, ang kilay niya at ilong pareho kay Don Amancio." Natutop ni Manang Loring ang kanyang bibig. "Marites, di ko akaling totoo ang hinala ko noon. Dati ko ng napansin na magkahawig sila ni Don Amancio." sagot sa kanya ni Manang. "Loring ibig sabihin nakita mo na siya.?" nagtatakang tanong ni Marites kay Loring. "Oo, ilang beses na siyang pumunta sa mansyon dahil pinagkasundo sila ipakasal ni Senorita Analyn. Ilang buwan lang mula ng umalis ka, nalaman namin na buntis si Donya Cecilia at si Analyn iyon."pagpapatuloy ng kwentuhan nila. "Naku Marites, kailangan ko na makabalik sa mansyon baka hinahanap na ako ng alaga ko. Tatawagan na lang kita ha." paalam nito kay Marites. " Ay sige, Loring uwi na rin ako baka umuwi na rin ang anak kung babae. At dadaan pa pala ako sa grocery." tumayo na sila pareho at lumabas sa fast food chain na iyon. Habang papalapit si Manang Loring sa terminal ng tricycle naisip niya, maliit talaga ang mundo. Yong tipong di mo akalain ay nagiging totoo. Dapat malaman ito ni Don Amancio, pero paano ko naman sabihin sa kanya. "Hays, buhay talaga napakamahiwaga."sambit niya sa sarili. Sadyang mahiwaga ang buhay, may mga pagkakataon na ang di natin akalain ay ang siyang nangyayari. Pero ano pa man ang dahilan tanging ang Poong lumikha lamang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD