Kabanata 19 - Miguel POV

1271 Words
"Boss, may bisita ka." bungad sa akin ng jail guard. Sumunod po kayo sa akin sa visiting area. "Attorney, salamat naman naisipan mo akong dalawin" " Magandang umaga Sir Miguel" bati niya sa akin. "May gaganda ba sa balitang dala mo attorney?, sagot ko sa kanya. "Hindi mo yata ginagawa trabaho mo eh, dalawang taon na ako dito sa loob ah. Di ko alam kung may buhay pa ako sa labas."insulto ko sa abogado ko. Mula noong araw na nahuli kami ng mga sundalo, hindi na nila ako pinakawalan. Pati mga illegal na negosyo ni Papa binintang nila lahat sa akin. Dahil sa mga pangyayaring ito marami akong nalaman sa pagkatao ko na hindi ko pa alam. Ang kinikilalang kong ina ay hindi ko pala kadugo. Anak ako ni Marites Alcantara. Dahil nagalit sa akin ang kinilala kung ina binulgar niya ang pagkatao ko. Noong mahuli ako ng sundalo, nakadetane ako sa kanilang kampo ng dalawin ako ni Mama. Sinisisi niya ako kung hindi daw sa akin hindi napahamak si Papa. "Mama, namiss ko po kayo." akma ko siyang halikan sa pisngi pero pinigil niya ako. "Simula ngayon huwag mo na akong tawaging "Mama", dahil ang totoo hindi talaga kita anak." nang-uuyam na sagot nito sa akin. "Hindi rin si Alejandro ang tatay mo dahil anak ka ng dati naming katulong." "Buntis na siya noong mamasukan siya sa amin. Tatlong taon na kaming kasal noon pero di pa ako nabubuntis kaya sinabihan ko si Marites na ampunin kita kapalit ng singkwenta mil hindi na siya nagpakita noon pa." paliwanag niya sa akin. " Kaya ba noong ipinanganak si Melchor ay iba na pakikitungo ninyo sa akin? " tanong ko sa kanya. "Kaya pala lagi ninyong sinasabi na sayang lahat ng gastos ninyo sa akin. Kayo na ang nakita kong nanay mula ng dumilat ang mata ko. Amoy ninyo ang una kung hininga, hindi ako makapaniwala na basta ninyo ako itapon dahil nakagawa ako ng masama sa mga mata ninyo." nakita ko siyang naiiyak pero lalo ko siyang sinumbatan. "Kung wala akong kwentang anak sana di na kayo nag-abala na pumunta dito. Mahal ko kayo kahit ano pa man. Kayo ang humubog sa pagkatao ko kaya hindi ninyo pwedeng sabihin na sa akin na basta ko bitiwan ang pagiging anak ko sa inyo. Huwag kayong mag-alala hindi na ako magpapakita sa inyo kung makalabas ako dito." dahil sa mga sinabi ko nagtatakbo siya lumabas na umiiyak. Iniyakan ko ng ilang araw ang pagtakwil niya sa akin pero kailangan kong harapin ang buhay ko. "Sir Miguel, hoy. Tulala ka dyan." niyugyog ni Attorney Castro ang balikat ko. "Ano nga ang sinabi mo attorney? May bigla kasi akong naalala eh." sagot ko sa kanya. "Pinabibigay ito ng iyong Mama, yan daw ang mana mo." inabot sa akin ni Atty. and cheke na may nakasulat na halagang 10 million pesos. "Magsimula ka raw ng buhay paglabas mo dito na malayo sa kanila. Naayos ko na ang release paper mo. Dahil walang sapat na ebidensya , pinayagan ka nilang lumaya pero hindi ka pwedeng lumabas ng ibang bansa." paliwanag niya sa akin. Pagkalabas ko sa kulungan, dumiretso ako sa lugar na kung saan naninirahan daw ang tunay kung ina. Sumakay ako ng barko para makarating sa Isla ng Negros. Nagtanong - tanong ako kung saan nakatira si Marites Alcantara. Madali ko naman nahanap ang bahay nila. "Magandang araw po! Tao po!" may batang babae na lumabas sa isang barong barong. "Kuya sino po hinahanap ninyo? tanong niya sa akin. "Dito ba nakatira si Marites Alcantara?" tanong ko sa kanya. " Opo kuya, pero pasok ka muna kasi nasa tubuhan pa si Nanay. Nag-aani siya ng tubo." yaya niya sa akin sa loob ng bahay nila. "Upo ka muna at ikuha kita ng tubig." tumango lang ako at tumalikod siya at kumuha ng tubig sa isang parang banga. Makaluma pa rin ang paraan ng kanilang pamumuhay. Iniabot niya ang tubig sa akin at agad ko itong nilagok dahil sa sobrang init. "Kuya, ano nga pala pangalan mo? Ako po si Nani, anak ako ni Marites. Dalawa na lang kami ni Nanay nakatira dito kasi naaksidente si Tatay sa tubuhan. Hindi siya nakaligtas ng madaganan siya ng mga tubo na nahulog sa truck." salaysay niya sa akin. "Sorry ha" "Nani ilang taon ka na? tanong ko sa kanya. " 15 year old po kuya, grade 9 pa lang po ako". sagot niya sa akin. "Ano gusto mong pag-aralan sa college?" tanong ko ulit sa kanya. "Gusto ko sana magturo kuya eh, pero wala kaming pera kaya baka malabo po iyon". Lumungkot ang kanyang mukha pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko. Maya-maya, may babaeng tumatawag kay Nani, magkahawig silang dalawa. Kinabahan ako ng makita ko siya. "Nani, pakikuha mo nga anak ang dala ko. Mabigat eh. "Opo Nay, bakit kasi nagpasan ka naman kayo ng kahoy. Kinuha ni Nani sa kanya ang kahoy at niyaya ito papasok ng kubo. "Nay, may bisita tayo. Kanina pa siya dito. Tumayo ako para batiin siya. "Nay ito po si Kuya Miguel." "Kuya siya po Marites Alcantara, siya po ang Nanay ko".pakilala niya sa aming dalawa. "Nani nagluto ka na ba? Gutom na kasi ako eh" reklamo ni Aling Marites. "Nay, nakalimutan ko kasing sabihin sa iyo na wala na tayong bigas eh". "Ni, bumili ka muna ng bigas at samahan mo na ng malulutong ulam." inabutan ko siya ng isang libo. "Nakakahiya naman sa iyo kuya pero tatanggapin ko iyan kahit magalit si Nanay." sagot niya sa akin sabay kuha ng pera at lumabas ng bahay. " Mag-uusap lang kami ng Nanay mo, ingat ka kasi padilim na."bilin ko sa kanya. Pagkaalis ni Nani nag-usap kami ng aking ina. "Bakit ka nandito?Iniwan na kita sa mga magulang mo, bakit ka nagpakita ngayon. "Tinakwil na po ako nila Mama. Mula noong may nangyari kay Papa tatlong taon na ang nakalipas" bungad ko sa kanya. "Kailan ko lang nalaman na hindi sila ang tunay kung mga magulang. Pero hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila dahil sila ang nakagisnan ko na mga magulang at binigyan nila ako ng magandang buhay. May itatanong lang po ako sa inyo. "Mula ba ng makita mo ako, kilala mo na po ako?Kasi di ka manlang nagtaka kung sino ako." tanong ko sa kanya. "Mula noong iwan kita sa kanila, sinubaybayan ko ang iyong paglaki, hanggang nakatapos ka ng kolehiyo kaya alam ko kung gaano ka kaguapo habang lumalaki. Hindi na ako nagtaka dahil meztizo ang tunay mong ama." salaysay niya sa akin. "Sino po ang tunay kung ama? tanong ko sa kanya. "Hindi mo na kailangang malaman dahil binaon ko na siya sa limot", naiiyak na sagot niya sa akin. "Nay, pwede ba kitang yakapin? lambing ko sa kanya. Nakita kami ni Nani na magkayakap pagdating niya at narinig pala niya ang usapan namin ni Nanay kaya niyakap din niya kami pareho. "Kuya, kuya pala talaga kita. Kaya pala pareho kayo ni Nanay ng tainga." maliit ang tainga namin ni Nanay napansin ko rin. Tuwang - tuwa kaming tatlo hanggang nagsabi si nanay na siya na ang magluto ng biniling ulam ni Nani. "Kuya, sukli mo nga pala." inaabot ni Nani ang sukli sa akin pero sabi kanya nalang at ipunin niya pasa college niya. Sa unang pagkakataon ,naramdaman ko na may napuno sa pagkatao ko. "Pero ako magpapaaral sa iyo kaya wala ka ng problema. Segurado na maging titser ka". sabi ko sa kanya. "Salamat kuya", sabay yakap niya ulit sa akin. Napakasaya ko ng araw na ito, salamat naman kahit tinakwil ako ng kinilala kong pamilya , may pamilya pa rin pala akong masasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD