Kabanata 18 - Analyn POV

1106 Words
Sa loob ng isang linggong pananatili ng anak ko sa ospital, nakita ko ang pagiging malapit sa isa't isa ng mag-ama ko. Unang araw palang ni Angela doon gustong - gusto ko ng sabihin kay Anthony na anak niya ito pero pinigilan ko ang sarili ko. Gustong - gusto din siya Angela at nakita ko kung gaano kasaya ang anak ko sa piling ng kanyang ama. "Mama, can ask I you favor. Can I call Tito Tony, Daddy?, lambing niya sa akin. "Anak, hindi ko naman asawa si Tito Tony mo kaya hindi pwede na tawagin mo siyang Daddy." paliwanag ko sa anak ko. "But Mama." "No buts", sagot ko sa kanya. "What if Tito Tony will court you? He told me he is still single." makulit din itong anak ko. Nakangiti lang ako sa kanya. Kung alam mo lang anak na siya talaga ang ama , segurado lalo kang maging masaya. Pagkapos nga isang linggo medyo magaling na ang anak ko. Sinabi ni Anthony na pwede na siya umuwi at sa bahay na lang tuluyang magpagaling.Nakita ko na medyo lumungkot ang mukha ni Anthony. "Ann, pwede ko ba madalaw si baby Angela sa bahay ninyo? I mean need ko kasi macheck ang bandage niya at mapalitan every other day." sabi ni Anthony sa akin. " Oo naman, ikaw naman ang doktor niya eh." sagot ko sa kanya. Napansin ko na ang malamlam niyang mukha ay biglang sumigla. "Salamat , Ann ha." Sinabi niya sa akin na pwede na akong magbayad ng mga bills pero huwag na daw ang doktor's pay regalo na daw niya sa anak ko. Pagbalik ko nagpaalam muna siya na puntahan ang iba niyang pasyente kaya niligpit ko na ang mga gamit ng anak ko at tinawagan si Papa na lalabas na kami. "Anak, kamusta na kayo ni Anthony? Di pa rin ba kayo nag-uusap?" tanong niya sa akin. "Papa,hindi naman pwede na ako magkusa di ba? Ipamigay mo na ba talaga ako? lambing ko sa kanya. " Ipamigay kita para sa apo ko,ayaw kung lumaki siyang bastarda",pag-uudyok niya sa akin. "Pero Pa, gusto ligawan muna niya ulit ako.", sabi ko kay Papa. "Bahala ka, basta kapag di kayo mag-usap kusa ipapatawag ko mga magulang niya. "Opo". Itong tatay ko talaga mula ng lumabas ang apo niya kinalimutan na ang galit sa pamilya ni Anthony. Ano pa kasi ang masabi ko, yong pinakamamahal niyang apo carbon copy ng kanyang ama. Kinabukasan, dumalaw nga si Anthony para sa check up ni Angela. Nakita ko pinapasok na pala ito ni Manang Loring sa sala at kausap na siya ni Papa. "Anthony,kamusta na nga pala ang mga magulang mo? tanong ni Papa sa kanya. "Okay naman po sila Tito", sagot niya sa aking ama. Si Papa mukhang sinisimulan ng maging maayos ang kanyang relasyon sa partido ni Anthony. Tumikhim ako para makuha ko atensyon nilang dalawa. "Tony, mag-almusal ka muna kasi pinapaliguan pa ni Yaya si Angela. "Halika, sabay ka na sa amin Anthony." yaya ni Papa sa kanya. Habang kumakain kami saka naman pagbaba ni Angela kasama ang kanyang yaya. "Tito Tony, karga po" , bati niya at sabay taas ng dalawang kamay. "Aba, baby kaya mo ng itaas ng braso mo ah", lambing niya sa anak ko. Kinarga naman agad ito ni Anthony. "Apo, tampo na si Lolo, si Dok lang kasi binati mo eh." himig tampo din itong tatay. ko. "Kiss Lolo,kiss Mama". Nilapit naman siya ni Tony sa amin kasi naka pout na ang nguso niya. Pinaupo ito ni Tony, sa tabi niya at binigyan ng pagkain. "Tony, ako na mag-asikaso sa kanya. "Baby, kain ka mabuti ha", sabi ko sa anak ko. "Tanggalin na raw ni Tito Dok ang cast mo para makagalaw ka na ng maayos", lambing ko sa anak ko. "Yehey! play din tayo after, pwede po Tito Tony."pakiusap ni Angela kay Anthony. "Syempre, matatanggihan ko ba ang maliit na prinsesa". "Tony, may girl friend ka na ba? tanong kay Anthony ng Papa ko. "Wala po eh, kasi Tito hinihintay ko kasi yong anak mo.", diretso niyang sagot sa tatay ko. "Bukas ang bahay ko kung gusto mo siyang ligawan ulit.", sagot sa kanya ni Papa. Kung mag-usap sila parang wala ako sa harap nila. "Tito please, gusto kitang maging Daddy. Ligawan mo na Mama ko.", isa pa itong anak ko. "Aba, tila yata benibenta ninyo akong dalawa ah." reklamo ko sa kanila. Tawa ng tawa sina Papa at Anthony, pati si Angela. " Ann, pwede ba maging tayo ulit?tanong ni Anthony sa akin. "Eh di maghirap ka muna." sagot ko sa kanya. " Aba, teka muna di naman tayo naghiwalay dati ah. "Tito Tony that means Mama was really your girl friend? tanong ni Angela sa kanya. "Yes, baby and that was 3 years ago/" sagot ni Anthony sa anak ko. "Baby, how old are you? tanong pa rin niya kay Angela. Naku po, huwag sana siyang magkwenta. Tinaas ni Angela ang dalawang daliri niya niya. "Analyn, mayroon ka bang dapat sabihin sa akin? nanlaki ang butas ng ilong niya sa pagtanong niya sa akin. "Wala ah, ano naman ang sasabihin ko sa iyo? maang - maangang sagot ko sa kanya. Bigla na lang tumayo si Papa. " Iha, Anthony mauna na ako sa inyo at bisitahin ko ang mga kabayo ko sa rancho." paalam ni Papa. " Anthony, ipaalala ko lang sa iyo. Pag-usapan ninyo ng mabuti yang problema ninyo ha. "Opo, Tito", salamat po. Pagkatapos ko pong tanggalin ang cast ni Angela babalik na po ako sa ospital, marami pa kasing bata ang naghihintay sa akin doon. Pero babalik po ako mamayang gabi at kausapin ko ng masinsinan itong anak po ninyo. Tumango na si Papa sa kanya at tumalikod paalis. "Lolo, kiss ko po." habol ni Angela sa kanya. "Naku , sorry apo nakalimutan kita. Bye apo. " sabay halik ni Papa sa pisngi ni Angela. "Analyn , iha. Nag-usap na tayo, di ba? Tumango na lang ako, sabay sabing "Opo". Pagkatapos matanggal ni Anthony ang cast ng braso ni Angela ay nagpaalam na ito sa amin na aalis na. Ako naman ay nag-paalam na rin kay Manang at hinabilin si Angela sa kanya. "Anak, huwag ka muna magtatakbo ha. Magsabi ka kay Lola Loring kung mayroon kang gustong kainin ha." " Opo, mama. kailan mo po ako isama sa office mo po? tanong niya sa akin. "Kapag , sobrang magaling ka na syempre.", sagot ko sa kanya sabay halik sa noo niya. "Bye , bye Mama ko. Take care po" "Bye bye baby. I love you." "Nagpahatid na ako sa driver ni Papa kasi mataas na ang araw, ibig sabihin tanghali na pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD