Mula ng makilala ko si Angela, kakaibang damdamin ang naramdaman ko para sa kanya. Napakagaan ng loob ko sa kanya. Palagi ko siyang dinadalaw sa kanyang silid sa ospital di lamang alamin ang kanyang health condition kundi makita na rin siya. Unti - unting lumalakas ang kanyang katawan at napakabibo niya. Minsan nagrounds ako, nagising siyang walang kasama." Lola,Lola Loring " "Lola, where are you? huhuhu" " Why are you crying baby girl? tanong ko sa kanya. "Doktor, have you seen my Nanny, Lola Loring", tanong niya sa akin. " I think , I saw her just come out of your room", sabi ko sa kanya. "What do you want? Do need something to eat? ", tanong ko sa kanya. "Milk please, I want milk please" "Sure baby, wait I am going to shake you milk". Ang sweet niyang bata. "Ito na ang milk mo", abot ko sa kanya. "Thank you Dok". "Just call me Tito Tony, I am a friend of you Mom"., sabi ko sa kanya. "Talaga po, friend kayo ng Mommy ko? I have no father , pwede ikaw na lang maging Papa ko?", sunod - sunod na tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Sakto naman pagbukas ng pinto at pumasok si Manang Loring. "Hi baby Angela, sorry ha. Hindi ko alam na gigising ka ng maaga.Bumili kasi ako ng milk mo"sabi ni Manang kay Angela. "Dok, salamat sa pagbabantay mo sa alaga ko po", sabi nito sa akin. "Okay lang Manang, masaya siyang kasama. Ang bait niyang bata Manang.", sabi ko sa kanya. "Sige Manang, balikan ko kayo mamaya marami pa akong pasyente na titingnan". "Bye, baby Angela" paalam ko sa kanila. Lumabas na ako ng silid ni Angela. Gusto ko sanang tanungin si Manang kung kamusta na si Analyn pero nag-aalangan ako. Sa loob ng tatlong araw nila dito sa ospital wala akong nakitang lalaki na dumadalaw maliban kay Don Amancio. Posible kayang , wala talagang asawa si Ann? Kaya ba sabi ni baby Angela na wala siyang Papa?
Kinabukasan pumunta ulit ako sa room ni Angela. Kumatok ako at ng walang sumasagot pumasok nalang ako. Wala nga tao, pero naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Nilapitan ko si Angela. Mahimbing pa rin ni Angela. Nagulat si Analyn ng makita ako. "Hi, I just check Angela's vitals."sabi ko sa kanya. "Kamusta ang anak ko Dr. Sanson?" tanong niya sa akin. " Ann naman ,masyado kang formal. Actually pwede na siyang umuwi at sa bahay na lang tuluyang magpagaling." medyo nga lang nasaktan ang dibdib ko ng sinabi ko na pwede na siyang umuwi. Pakiramdam ko di ko kakayanin na di siya makita ulit.
"Ann, nasaan ang Papa ni Angela?, sabi niya kasi sa akin wala daw siyang Papa."tanong ko kay Analyn. Hindi siya kumibo at nakatingin lang siya sa akin. Hoping na sagutin niya ako ng gusto kung malaman.
"Well , anyway okay lang ayaw mo akong sagutin.Pero pwede ko ba siyang dalawin sa bahay ninyo? " tanong ko sa kanya. "Sure, ikaw naman ang doktor niya para macheck up mo din siya" sagot niya sa akin. Laki ng pasalamat ko at pumayag siya. May parti ng sarili ko na ayaw kung humiwalay sa kanilang dalawa.
Kinabukasan nakahanda na silang umuwi sa kanilang mansyon. "Baby Angela, take good care of yourself,okay", lambing ko sa bata. Iwan ko ba sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Marami din akong batang pasyente pero iba siya. Ngayon palang na paalis na sila parang pinipiga ang puso ko. "Opo, Tito Tony. Promise dalawin mo ako ha." sagot niya sa akin. "Syempre naman , ako yata ang pinakapogi mong doktor" ngiti ko sa kanya. "High five tayo" "Yes , yes". Nakangiti lang si Ann ng makita kami pagbalik niya galing sa billing station. Ayaw ko na sanang pabayaran sa kanya pero she insist kaya sabi ko huwag mo na lang bayaran ang doctor's fee. Regalo ko na lang sa anak mo. Tumango naman siya sa akin.
"Ann, ready na kayo?" tanong ko sa kanya. " Yes , Dok.Tinawagan ko na rin Si Manong Carding na sunduin kami." sagot niya sa akin. "Baby , have you said goodbye to Tito Dok? tanong niya sa kanyang anak. "Yes Mama, I want Tito Tony to be my Papa." "Mama , please". Nakita ko ang kislap sa mata ni Analyn pero di ko na pinansin. "Anak, dadalaw si Tito Tony sa iyo para i check ka sa bahay. Pwede naman kayo maglaro pagnan doon siya pero you promise to ask Lolo first ha." "You knew that Mama is busy, right". "Yes , Mama". Natutuwa ako sa paraan ng pakikipag-usap ni Ann sa anak niya para na itong malaking bata kapag sumagot.
Maya - maya dumating na si Mang Carding. Hinatid ko sila sa kanilang sasakyan , tulak ko sa wheel chair si Angela."Bye,baby girl". "Bye, Tito. Remember your promise to visit me po ha." sabi niya sa akin. "Yeah sure, tomorrow I am going to check on your bandage. Off course I will visit you." sagot ko sa kanya. "Do you want pasalubong? I can bring all you want." sabi ko ulit sa kanya. "Naku Tony, huwag mong isploid lang anak ko at baka masanay yan." sabi sa akin ni Analyn. "Paano alis na kami. Salamat sa mabuting pag-asikaso sa anak ko ha." "Dr. Sanson, you are welcome sa bahay namin." sabi sa akin ni Don Amancio di ko na pansin na nasa kotse pala siya. "Papa, maraming trabaho yan si Dr. Sanson. " saway sa kanya ni Analyn. "Ann, mas gusto ko yon Ann para pag-usapan na rin namin ang mga pagkukulang ng family namin sa inyo. "Later, maybe Anthony, isama mo ang mga magulang mo." sabi niya sa akin.Natuwa ako sa sinabi niya. "Sige po Tito, sabihan ko po sila Mama at Papa.", sagot ko naman sa kanya. "Ingat po kayo pauwi." sabay kaway ko sa kanila. Kumaway din sila sa akin.
Tuwang - tuwa ako ng malaman mula mismo kay Don Amancio na gusto niyang makausap ang mga magulang ko. Seguro naman panahon na para itigil ang matagal ng hidwaan sa pagitan ng aming mga pamilya. Nakangiti akong bumalik sa aking clinic para asikasuhin ang iba pang bata na nag-aantay sa akin. Dasal ko na sana maging maayos na ang lahat at nais kung ligawan ulit si Analyn.