Kabanata 16 - Ang pagtatagpo ng mag-ama

1163 Words
Anthony POV Mabagal na lumipas ang panahon. Hanggang ngayon di pa rin kami nagkikita ni Analyn dahil sa iba't ibang dahilan. "Paging , Dr.Sanson. To the emergency room please", narinig kong announcement mula sa nurse station. Natigil ang pagmuni-muni dahil narinig ang pangalan ko. Dito na ako nagtatrabaho sa ospital namin. Pinatayo ito ni Papa noong magtapos ako sa medisina at pediatric ang naging specialist ko. "Nurse, ano ang nangyari? tanong ko sa nurse on duty. "Dok, mayroon tayong pasyente. 3 years old girl po. Ang sabi ng guardian na nagdala dito nahulog daw po sa hagdan.Parang kinabahan ako bigla na di ko mawari. Dali - dali akong pumunta sa emergency room at nakita ko sa labas nito ang isang babae may edad na familiar sa akin. "Manang Loring, may payente po kayo dito?tanong ko sa kanya. "Dok Anthony, gamutin nyo po ang alaga ko. Huhuhu." umiiyak si Manang nakikiusapa sa akin. "Manang , huwag po kayong mag-alala dahil trabaho ko po ang gumamot ng maysakit."alo ko sa kanya. "Dok siya po yong batang nahulog sa hagdan.", sabi niya sa akin. "Sige po, tingnan ko siya , sumunod ka po sa akin.", sabi ko sa kanya. "Kamusta na itong bata , nurse? " Okay naman ang vitals niya Dok" sabi ng nars sa akin. "Please prepare the x - ray room and the CT - scan for this girl, mabuti na yong segurado tayo. "Manang Loring,kanino pong anak ito?" tanong ko kay Manang. "Dok, kilala mo po ang Mama niya. Parating na po iyon,tinawagan ko na po siya." paliwanag ni Manang Loring. May hinala na ako kung sino siya pero nais ko pa rin makaseguro.Maya - maya dumating si Analyn. Analyn POV Sobrang dami ng pending kong trabaho sa opisina kaya halos di ko na naalagaan ang anak ko. Pagdating ko sa bahay, gabi na at halos di ko na nakikita ang anak ko dahil tulog na siya. Kinabukasan ,aalis na ako tulog pa din siya. Kaya naawa talaga ako sa kanya.Narinig ko nagring ang phone ko pero di ko pinansin,akala ko wala lang. Nang magring ulit sinilip ko na ang caller ID, si Manang Loring pala ang tumatawag."Hello, Senorita. Hu hu hu hu.". "Señorita si baby Angela po,dinala namin dito sa hospital",umiiyak na sabi ni Manang."Ano po nangyari?" tanong ko sa kanya. "Di ko po kasi namalayan na nagising na siya. Bumaba lang ako saglit para kumuha ng tubig. Nagising po siya at hinahanap kayo. Hindi po niya napansin na tatlong baitang pa bago sa makababa.",paliwanag ni Manang. Parang naupos akong kandila. Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko. Dali - dali kung sinabihan ang secretary ko na icancel ang mga meetings ko sa hapon."Mam,bakit po? Saan po kayo pupunta?" mausisa din tong sekretarya ko eh. " Puntahan ko sa hospital ang anak ko",sabi ko sa kanya. "May anak na po kayo,bakit di ko yata alam". "Huwag ka nang magtanong,sundin mo nalang ang mga sinabi ko", sabay talikod pababa ng ground floor kung saan ang kotse ko. Pagdating ko sa hospital,bumaba agad ako pagkatapos ko na ipark ang kotse ko. Tumakbo na ako papuntang nars station. "Nars,asan na po yong batang dinala dito?" tanong ko sa Nars . "Ma'am nasa emergency room po siya.", sagot niya sa akin. "Salamat nars." sabi ko sa kanya. Tumakbo naman agad ako sa emergency room. Pagdating ko sa emergency room nakita ko si Manang Loring na umiiyak sa isang tabi." Manang,saan na po si Angela"? tanong ko sa kanya. " Señorita,pasensya na po hindi ko nabantayan si Angela ng maayos."sabi ni Manang sa akin. "Huwag na po kayong umiyak,alam kung hindi mo yon sinasadya."sabi ko sa kanya. "Kamusta na ang anak ko Manang?" "Dinala po siya ni Dok Anthony sa x-ray room" sabi niya sa akin. " Alam na ba niya Manang?tanong ko sa kanya. "Wala po akong sinabi sa kanya Señorita.", sagot niya sa akin. Anthony and Analyn POV Nasa labas pa rin ng emergency room sina Analyn at .Manang Loring ng bumalik si Anthony dala - dala niya si Angela na tulak ng isang nars sa wheel chair."Dok Anthony, kamusta na ang anak ko?" tanong ko sa kanya."Halika, doon tayo sa opisina ko mag-usap. Inabot ni Anthony kay Analyn ang resulta ng x-ray ni Angela. "Your child needs a minor operation due to fracture in her left arm." sabi ni Anthony kay Analyn. Nakahinga ng maluwag sa dibdib si Analyn ng marinig niya ang salitang "minor" ibig sabihin kaya ng anak niya ang gagawin sa kanya."Halika,ipahanda ko na ang operating room para sa anak mo." sabi ni Anthony kay Analyn. Parang may paghihinayang sa mukha ni Anthony dahil akala niya nag-asawa si Analyn ng iba. Tumango lamang si Analyn at sumang ayon sa lahat ng sinabi ni Anthony."Maghintay na lang kayo dito sa labas, mabilis lang ito.Makikita mo na rin ang anak mo mamaya." " Sige Dok Anthony,dito lang kami. Salamat po." sabi ni Mang Loring kay Anthony. Habang naghihintay sina Manang at Analyn sa labas ng operating room, dumating naman si Don Amancio. "Anak, kamusta na ang apo ko? tanong ni Don Amancio kay Analyn."Papa, kasalukuyang siyang nag-undergo ng minor surgery dahil sa fracture sa kanyang braso." sabi ni Analyn sa kanyang ama. "Nag-uusap na ba kayo ni Anthony?", tanong niya sa akin. "Hindi po Papa, bahala na po", sagot ko sa kanya. Naghintay pa kami ng ng isang oras bago pa lumabas ang isang doktor sa operating room. "Ms. Villareal, success po ang operation ng anak ninyo. Sabi nga po pala ni Dr. Sanson babalikan na lang daw po niya ang pasyente mamaya dahil may bagong pasyente po na dumating." sabi ng assistant ni Anthony kina Analyn. "Salamat Dok" sabi ko sa kanya. "Ma'am , pwede na po kayo pumunta sa Nurse station for confinement po ng anak ninyo",sabi pa nito kay Analyn. Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya. Analyn POV Pagkatapos ng tatlong oras nailipat na si Angela sa isang pribadong silid. Naawa ako sa kalagayan ng aking anak. Ang liit ng braso niya pero mas ang laki ng bandage niya. "Anak, pagaling ka ha. Pasensiya ka na kasi kailangan ni Mama magtrabaho para sa iyo". "Pagmagaling ka na, isama kita lagi sa office para di mo ako namimiss ha. I love you baby". "Apo, pagaling ka ha", sabi ni Papa sa kanya. Magkahawak kami ng kamay ni Papa habang tinitingnan namin ang anak ko. "Anak, Analyn. Alam kung kailangan ng anak mo ang kanyang ama. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon." sabi ng Papa ko sa akin. Di ako makapaniwala sa kanya na gustong - gusto na niya malaman ni Anthony. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kasi di ako dapat ang magreach out sa kanya. Matagal na niyang alam na umuwi na kami kaya imposibleng hindi pa niya alam iyon. Sandyang mahiwaga ang plano ng Diyos para sa tao na kanyang nilikha. Minsan ginagamit niya ang ating mahal sa buhay upang makita natin ang kahalagan ng isang pamilya na siyang foundation ng isang lipunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD