Dalawang linggo pagkatapos dumalaw nina Don Tiburcio at ng kanyang binatang anak.
"Good morning Pa," bati ko sa aking ama. "Good morning too ,iha . Halika kain na tayo ng almusal" "Opo"
Habang kumakain kami, kinausap ako ni Papa.
"Iha, alam kung naguluhan ka sa sinabi ko sa iyo noon, pero sana pakinggan mo muna ako." "Noong panahon na iyon, hindi ko na naasekaso ang negosyo natin, binigyan ko si Jack ng power of attorney para maprocess ang mga pending na deliveries at orders. Noong una hanggang pangalawang buwan updated ang report niya, walang problema. Unti - unti pumapalya noong magika-apat na buwan na. Katwiran niya hindi pa raw tapos ng sekretarya ko ang mga report nila. Sinabihan ko siyang unahin niya yong mga lumang report para mabalanse ng auditor. Ngunit umabot na ng limang buwan walang report na umaabot sa akin. Lihim akong kinausap ng ating internal auditor, sinabi niyang may mga discrepancies siyang nakikita sa mga report ni Jack. Sinabihan ko siya na subaybayan niya ng lihim ang mga ginagawa ng sekretrya ko at ni Jack. Doon ko na nga nalaman na ninanakaw na nila ang pera natin. " paglalahad ni Papa sa akin.
Sabi pa niya, nakilala niya si Don Tiburcio sa isang casino, dahil daw sobrang depression niya naisipan niyang maglibang di niya akalain na lalo siyang naging depressed dahil doon. "Anak , naikwento ko sa kanya ang nangyari sa mga negosyo natin. Inalok niya ako ng cooperation, basta ipakasal kita sa kaisa - isa niyang anak na si Miguel." , sabi pa ng ang ama ko sa akin.
"Papa, paano may boyfriend na po ako.", kinakabahan ako pero nasabi ko na rin sa kanya ang inaalala ko kagabi pa. "Sino ang boyfriend mo? "Bakit di ko siya nakikitang dumadalaw dito?" sunod - sunod an tanong ng Papa ko. "Si Anthony Sanson po Papa" , biglng sambit ko. "Ano?,Sino? , pasigaw na sabi ni Papa. Pulang -pula ang mestisuhin niyang mukha sa galit. "Analyn, bakit siya pa?" "Papa, mahal ko po siya" , napahagulhol na ako ng iyak at natatakot ako para sa Papa ko.
"Punyeta, alam mong kaaway natin ang pamilya niya." sigaw ulit ng Papa ko. Napasugod sa hapagkainan ang mga kasambahay namin. Mayroon na din kasi siyang sakit sa puso kaya , natatakot kaming baka masubrahan siya ng emosyon. Niyakap ko siya para kahit papaano ay kumalma siya. "Hiwalayan mo siya, ayaw kung magkaroon ng ugnayan sa pamilya niya"."Alam mo na mula ng bata ka pa , laging bukang bibig ng Lolo mo ang dahilan." "Sabihan ko si Don Tiburcio na ihanda agad ang kasal ninyo ni Miguel, huwag ka ng kumontra kung ayaw mong lalo akong magalit sa iyo".
Hindi na ako sumagot sa ama ko sa takot na hindi ko siya mapakalma. Ito na nga ba ang inaalala ko eh, kaya hindi ko masabi sa kanya ang tungkol kay Anthony. Inakyat ko muna si Papa sa kuarto niya para magpahinga. Sinabihan ko na din si Manang Loring na tawagan ang family doctor namin upang suriin si Papa. Pagkatapos ng isang oras dumating na rin ito.
"Magandang umaga doktor", bati ko kay Dr. Delos Santos. "Magandang umaga di iha, chekapin ko muna ang Papa mo ha", sabi niya sa akin. "Sige po, samahan ko po kayo sa room niya.", Pinuntahan namin si Papa sa room niya. Umupo naman ito ng makita si Dr. Delos Santos. "Good morning, pare. Ano nangyari? ", tanong ni Dok kay Papa pero di siya sumagot. Tumingin naman si Dr. Delos sa akin. "Sige Dok, labas muna ako. Usap na lang po tayo pagkatapos mo macheck si Papa. "Sige iha", tugon niya sa akin.
Paglabas ko hindi ako agad ako umalis sa may pinto. "Pare, di mo pa ba sinabi sa anak mo ang tunay mong kalagayan?" tanong ni Dr. Delos Santos kay Papa. Naisip ano kaya iyo. Patuloy akong nakinig sa kanila." Pare, ayaw kung mag-alala sa akin ang anak ko."sagot ni Papa kay Dok. "Ano ba nangyari at muntik ka na namang inatake? , tanong ulit ni Dok kay Papa. "Nalaman kung may boyfriend na pala siya pero ang masakit anak pa ng kaaway ng pamilya namin. "Alam ko kung sino ang tinutukoy mo, alam ko mag-isa lang ang anak nila kaya mukhang kilala ko na kung sino siya. Pare, bakit ang mga bata kailangan magkaaway din. Mula pa ng bata tayo, bukang - bibig mo na ang tungkol sa kanila , hindi pa talaga kayo magkakabati. Ilang dekada na ang alitan ng pamilya ninyo.", Nakikinig lang ako sa labas pero, di ko na pansin na tumutulo na pala ang luha ko.
Di ko na kinaya ang makinig sa usapan nila kaya pumasok na ako sa room ko. Masakit pala sa pakiramdam ang marinig ko na ang mga magulang namin mismo ang magiging hadlang sa pag-iibigan namin ni Anthony. Hindi ko na tuloy nalaman ang totoong sakit ni Papa dahil nakatulog ako kakaiyak. Hindi na rin ako nakapsok sa opisina. Pagkagising ko, 20 missed calls ang nakalagay notification ng phone ko. Una kung tinawagan ang sekretarya ko. "Agnes, bakit ka tumawag? tanong ko sa sekretarya ko. "Ma'am, may bisita po kasi kayo dito. Mga isang na po siyang naghihintay sa office mo, sabi niya siya daw po ang bagong vice - president.", nagulat ako sa sinabi ni Agnes. "Sino daw Ag?, tanong ko ulit sa kanya. "Ma'am, Miguel San Jose daw po ang name niya" , muntik ko ng mabitawan ang celphone ko dahil sa gulat. Hindi ko alam na pinapasok na pala siya ni Papa sa company namin. Kung sabagay may karapatan sila sa 40 porsyento ang hawak nilang shares sa company. "Ag, bahala ka na muna dyan ha.Maliligo lang ako kagigising ko lang kasi nakatulog ako ulit after ng breakfast". "Sige po Ma'am,ingat po kayo sa pagmamaneho."
Pagkatapos namin mag-usap ni Agnes, agad akong naligo at nagbihis. Kinausap ko muna si Manang bago ako umalis. "Manang Loring, may alam ka ba sa totoong sakit ni Papa? "Senorita, kabilin-bilinan sa akin ng Papa mo na wala daw po ako o kung sino man sa kasambahay natin ang magsasalita sa inyo", sagot sa akin ni Manang Loring. Kahit anong pilit ko sa kanya , ayaw talaga niyang magsalita. Binilinan ko na lang na bantayan niya si Papa at kung may problema ay tumawag agad sa akin.