bc

This Guy Try To Win Your Heart

book_age16+
58
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
CEO
comedy
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
transgender
office/work place
childhood crush
sassy
like
intro-logo
Blurb

Tanggap na ni Alexa na walang magkakagusto sa kanya.

He was a woman trapped in a man's body. And he likes Aki a lot - bestfriend ng kuya niya.

Pero straight ito at hindi pumapatol sa mga katulad niya. Kahit mas maganda pa siya sa tunay na babae.

Mas sexy...

Mas huggable...

Tanggap na niya na nakakabatang kapatid lang ang turing nito sa kanya.

Pero bakit may halik at yakap? Normal lang ba 'yun o dapat siyang umasa?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"S-SAAN NIYO ako d-dadalhin?" mahinang anas niya ng magising sa loob ng sasakyan. Umiikot pa 'rin ang paningin niya mula sa kung anong bagay na pina-amoy sa kanya ng mga hindi kilalang dumukot sa kanya. Huli niyang natatandaan ay papunta dapat siya sa meet & greet event niya nang bigla nalang harangin at tutukan ng baril ang driver niya sa kalsada. Sa sobrang takot niya ay nakiusap nalang siya na kusa siyang sasama basta huwag na nitong idamay ang P.A at driver niya. Sumunod naman ang mga ito at doon siya gumawa ng paraan para makatakas. Kinagat niya sa kamay ang isa sa may hawak sa kanya at sinipa naman niya sa pagitan ng hita ang isa para makatakbo, pero hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niyang may naglagay ng panyo sa bibig niya at pagkatapos niyon ay nagdilim ang paningin niya. Nagising nlang siya sa loob ng hindi pamilyar na sasakyan . "Huwag po kayong mag-alala maam, wala po kaming planong saktan ka," nakangiting sabi ng nagda-drive. Namumulang napatakip siya ng mukha. Why they have to be so cute and handsome. Hindi tuloy siya nakakaramdam ng takot. Pero hindi ito ang tamang oras para kiligin, sa isip-isip niya. "N-nagkakamali kayo pero hindi po Megan ang pangalan ko, I'm Alexa Yu, may event po ako ngayon, kaya please lang... pakawalan niyo na po ako," pakiusap niya sa mga ito. Sigurado sa mga oras na ito ay nagkakagulo na sa venue dahil wala pa siya. First event pa naman din niya tapos hindi siya makakapunta. Dahil eto siya dinukot ng mga hindi niya kilalang lalaki. "Hindi kami pwedeng magkamali miss Megan, kamukha niyo po 'yung nasa picture na binigay ni Boss," sabi ng lalaking sinipa niya sa pagitan ng hita. He's genuinely smile to me kahit nasaktan ko siya. "But again, I'm Alexa Yu hindi po Megan–" "Megan?!" Napalakas ang sigaw niya. Umiling siya. Imposible. Nasa Japan ito ngayon, at matagal na niyang hindi nakikita. Kaya imposible na may kinalaman ito sa pagkakadukot sa kanya. Aminado siya na laging siyang nasasangkot sa problema nito at palagi siyang nadadamay. Tumahimik nalang siya hanggang sa huminto ang sinasakyan nila. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan tumambad sa kanya ang malawak na lupain; sa gitna niyon ay nakatayo ang malawak na mansyon. Para silang nasa malawak na bukirin. "Nasa loob si Boss, dalhin niyo na si miss Megan sa kanya." Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng isa pang lalaki. Hindi ito kasama sa mga dumukot sa kanya. But his face remain expressionless katulad ng mga tauhang nakikita niya na nakatayo sa paligid ng mansiyon. Pero nakakatakot ang mga ito. Kaya sumunod nalang siya sa mga lalaking dumukot sa kanya, nang dalhin siya ng mga ito sa sinasabi nitong Boss. "Pumasok na po kayo maam. " Pagkatapos ay iniwan na siya sa tapat ng nakabukas na pinto. "Sandali!" tawag niya sa mga ito. Pero mabilis na nakalayo na ito. "S-sige na nga..." Pinipilit pa 'rin niyang maging kalmado. Hindi niya alam kung anong kailangan sa kanya ng boss ng mga ito. Pero mali talaga ito ng taong dinukot. Siya si Alexa Yu- pero screen name niya lang 'yon as influencer. Pero 'yun na ang name na ginagamit niya ng magpa-s*x change. Ang dati niyang pangalan ay Alexander Hayashi Ramilez. Half Filipina and half japanese ang mom niya at pure Filipino naman ang dad niya. At kung half sibling niya na si Megan Hayashi Ramilez ang tinutukoy ng mga ito. Napabuntong hininga siya matagal na siyang hindi ginugulo at sinasangkot nito sa problema. Akmang papasok na siya nang basta nalang may humila sa kanya na kung sino mula sa loob. Napasinghap siya ng mamukhaan ito. Hindi siya pwedeng magkamali. "Aki..." para siyang nakakita ng multo. Nanigas ang mga paa niya at hindi siya makagalaw. Nakatingin lang siya sa taong nasa harap niya. Malaki na ang pinagbago nito. Pero hindi niya makakalimutan ang sinabi nito... "From now on, don 't ever show yourself to me..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.7M
bc

Their Cursed

read
1.0M
bc

The Gold Queen (Prequel)

read
1.1M
bc

Wild Love With My Triplet Mates

read
940.6K
bc

A Mother before a Mate

read
805.7K
bc

My Brothers Mate

read
1.5M
bc

Energy of the Omega

read
239.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook