Prologue
Skye's Point of View
"Ate Gwyneth, why do we need to study?" I asked her, "Eh we're all going to die naman soon," that's what I'm always thinking about while answering these hard questions.
"Alam mo, kung kanina mo pa iyan sinagutan, tapos ka na sana ngayon," sabi ni Ate Gwyneth sa akin habang nagso-solve ng math problems.
Ewan ko ba kung bakit ang sungit sa akin ni Ate Gwyneth. Lagi niya na lang ako tinatarayan.
I decided to get up and leave this mess on my table. Wala akong pakialam kung mababa ulit ang marka ko rito.
"Huy, saan ka pupunta, Skye?" tanong ni Kendrick sa kabilang table.
"I'm going to watch the sunset. Sasama ka?"
"Ni isang letra, wala ka pang nasasagot diyan. Naisipan mo pang umalis?"
Hindi ko na siya sinagot dahil wala namang patutunguhan yung usapan namin. I secretly walk down the aisle while Tita Meng is washing dishes.
It's already 8pm but I'm still outside, watching the moon. Every time na matapos akong kumain ng merienda, nasanayan ko nang lumabas at titigan ang buwan at araw.
"Are you done? I thought you're just going to watch the sunset."
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Kendrick. Paano niya ako nahanap? Ang layo kaya ng tinakbo ko mula sa bahay.
"Ikaw? Tapos ka na ba sa mga pinapasagutan?" I asked.
"Hindi ba obvious?"
"Bakit ba ang sungit niyo lahat sa akin? Kaya ako lumalabas ng bahay kasi lagi niyo na-"
"Do you want to know a secret?" he snapped.
Napatingin muna ako sa kaniya bago ako nagsalita. "Go on," I wonder why he asked that to me out of a blue.
"Someone told me that each soul is said to have 13 physical lives, you die and reincarnate your essence, but without remembering anything of your past lives," he started
"Past lives? What do you mean?" umayos ako ng upo dahil sa tingin ko, mamaya-maya pa kami matatapos nito.
"That is why people experience things like Deja vu. It's like a feeling of having already experienced the present situation," he said while staring at the moon.
"Deja vu, I haven't heard about that." I mumbled.
"It's because you're not listening. That's our topic earlier, buddy."
Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Actually, totoo naman na hindi ako nakikinig tuwing discussion dahil nakakatamad.
"It is also said that in these 13 lives you can not repeat the mistakes of your past lives, it is a condemnation that your soul lives to be able to reach the final ascension in certain cases they are born with marks of violent past deaths," he explained.
I touched my left temple where my birthmark is located. Totoo kaya 'to?
"I don't know lang kung totoo 'to ah pero try to add all the numbers of your date of birth omitting zero, if the result is greater than 13, add each of the digits. If it returns more than 13, add the numbers again."
"Huh? Hindi ko gets," Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi ni Kendrick.
"Kailan ba pinanganak?" he asked.
"March 9"
"Do you know that sa ibang mundo raw, may apat na numero na nilalagay sa dulo ng bawat date? It's called the year. Because of the positions of the planets, I think today is year 2035."
Ang dami niyang alam ah. Sa totoo lang, ang saya rin palang makinig at matuto. Parang nai-inspire tuloy akong mag-aral.
"By the way, how old are you now?" tanong niya sa akin.
"I'm 203 months old. Next month, magiging 204 months old na ako next month." I answered while throwing the stones and plucking the grass.
"Oh so pinanganak ka noong March 9, 2018."
Napansin kong napahinto siya sa pag-iisip nang may makitang kakaiba sa bandang kaliwa ko kaya napatingin ako roon pero wala naman akong nakita, siguro namamalikmata lang siya. Nang mapansin niya rin na napatingin ako sa direksyon na iyon, tinuloy na niya ang sasabihin niya sa akin.
"March is the third month. So 3 plus 9 is equals to 12." Sinulat niya iyon sa lupa na walang d**o gamit ang maliit na kahoy na nakita niya sa tabi-tabi.
"Then, 12 plus 2 plus 1 plus 8 is equal to 23. Since it's greater than 13, let's add each of the digits. 2 plus 3 is equal to 5. So you are in your 5th life now."
Hindi ko masyado naintindihan yung ibang sinasabi niya. Basta ang naintindihan ko lang ay nasa ika-limang buhay na ako ngayon. Wow...
"Yeah, Do you also know na-" magsasalita pa sana siya pero hindi ko na pinatuloy dahil ang dami na niyang nasabi.
"Okay, tara na. Umuwi na tayo," Putol ko sinabi niya
"Yeah, I guess we should," tumayo na siya at nagsimula nang maglakad. "Did you see him?"
Tumayo na rin ako at pinantayan ang bilis ng lakad niya. "See who?" napatingin ako sa likod para alamin kung sino ang tinutukoy niya.
"Nothing."
____________________
"Saan kayo pumunta? Gabi na ah," hinahanda na ni Tita Meng ang mga pagkain sa hapag para makakain na. "Sinasabi ko sa inyo, 'wag kayong labas nang labas 'pag gabi na.
Tinulungan ko na si Tita maghanda ng pagkain habang sinesermonan kami.
"Si Skye po kasi, Tita," pag-aasar ni Kendrick.
"Ano? Ako na naman? Ikaw kaya mismo lumabas."
"Oh, sige mag-aaway pa iyan."
Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy na sa pagtulong sa paghahanda.
Pagkatapos kumain, hinugasan ko na ang mga pinggan na pinaggamitan dahil ako ang naka-schedule na maghugas ngayon. Naisipan kong magbasa ng libro pagtapos maghugas.
"Wow, Skye ikaw ba iyan?" Ate Gwyneth asked me in a teasing tone.
I don't mind answering her. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa librong binabasa ko ngayon which is the "Human History". Nagkaroon ako ng interes sa pagbabasa ng librong ito dahil sa sinabi sa akin kanina ni Kendrick. I am starting to love reading books because I like the smell of every page of it.
"So you know how to read?" Kendrick teased me.
"Hindi ba obvious?"
Ang dami ko ang nabasang topic sa librong ito. Natandaan ko na hindi pa pala ako tapos sa mga pinapagawa kanina.
"Historically, an orphanage is a residential institution, or group home, devoted to the care of orphans and other children who were separated from their biological families," I whispered.
I knew it, this is an orphanage pero bakit ang onti namin? Bakit kaya sampu lang kami? I saw sa picture na ang daming bata sa isang orphanage house.
"What topic are you now?" he asked.
"About the orphans," I simply answered, "So we're orphans?"
"Seriously? Ngayon mo lang nalaman iyan?" he looked bizarre because of my question.
I frowned because I thought he also didn't know about that. He's a little confident in himself, huh. I decided to sleep after I read about that topic.
____________________
I wake up every time the sun is not yet awake because I want to watch the sunrise by myself through the window. It feels good whenever it rises up but sometimes I feel sad whenever it sets.
"Good morning," ani Kendrick.
New day, new assignments to asnwer. Pinipiga talaga nila utak nila. Why not answer it para hindi na sila mahirapan. Pinapahirapan lang naman nila sarili nila.
Naglalakad ako ngayon sa pasilyo papunta sa baba nang nakasimangot. Mukhang napansin ata iyon ni Tita.
"Skye, I know what you're thinking. Let's go. Start your day with a smile!" Tita Meng said. I think napansin niyang nakasimangot na naman ako dahil ni-isang sagot, wala akong naisulat.
Tumayo na ako at naisipang tumulong sa pagluluto. Naligo na ako pagtapos namin kumain para makapaghanda na. Dumating na rin yung teacher namin upang magturo.
As usual, tulala ako buong maghapon dahil wala naman akong interes sa mga sinasabi ng teacher namin. Nakakatamad makinig kapag siya ang nagsasalita pero kaya si Kendrick ang nagpapaliwanag, parang interesado ako sa topic.
"SKYE VERMONT! Wala ka na naman bang gawa? Eh anong ilalagay ko rito na marka?" sermon niya sa akin.
Yumuko na lang ako at hindi na sumagot dahil wala naman akong maidadahilan. This life is so boring, wala na bang bago o kakaibang mangyayri? Nakakasawa na.
"Skye, mag-usap tayo," pagtapos ng sermon at discussion ng teacher namin. Tinawag ako ni Tita Meng para mag-usap.
Sinundan ko lang siya papunta sa kwarto niya. Medyo may kahabaan ang hallway na dinaanan namin kaya matagal bago pa kami makaunta sa kwarto ni Tita Meng.
Bakit kaya gusto akong kausapin ni Tita Meng? May ginawa ba akong mali?
Nang makapasok na kami sa kwarto niya. Umupo siya sa harap ng mesa niya kaya umupo rin ako sa kabila. "Bakit wala ka na nama bang ginawa? May problema ba?"
"I'm sorry, Tita Meng. I don't know, I feel like I don't want to do these things. Nakakatamad na mabuhay. I am not suicidal pero parang hindi ko alam yung rason kung bakit ako pinanganak."
Umayos siya ng upo at parang may kinuha siyang mga papel. Sa tingin ko, hinahanap niya ang pangalan ko dahil nakikita ko ang pangalan nila doon.
Anong meron? Bakit gusto niyang ipakita sa akin ang mga ito?
"This is you and this is your grade when you're still in elementary and pre-elementary. You are born with gifted skills and ability. Ang taas ng grado mo noon kaya alam kong matalino ka."
"I know, Tita. That's not me now... But can I ask a question?"
"You already did," she said, "I'm just joking. What is it?"
Should I ask her about it? Or no? Nevermind.
"What happened to my biological parents?" I faced and asked her seriously.
"Bakit naman bigla mo iyan natanong?" she asked while putting the papers back in her desk.
"I'm just curious, Tita,"
May bago na naman siyang kinuhang tumpok ng mga papel. I think this is where my parent's story is written.
She started reading the first part. "Unfortunately, we don't know who's your biological mother or father but they didn't abandon you."
"What do you mean? Hindi niyo nga po sila kilala eh."
"Ang hirap ipaliwanag, Skye. Maiintindihan mo rin iyan sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, you just need to do your best because grades does matter. Ayokong magsisi ka sa huli. Naiintindihan mo ba ako, Skye?"
I gave her a smile before I got up and left. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at nagsimula nang maglakad pababa.
Actually, I really don't care about my grades pero interesado akong matuto lalo na if it's all about the current situation.
"Ate Gwyneth! Let's play!" I heard Anne shouted, the youngest in the house.
She's running towards me. Napatingin ako sa kaniya at napatingin din ako sa likod ko pero wala naman si Ate Gwyneth.
"Anne? Where's Ate Gwyneth?" I curiously asked her.
Napahinto siya sa pagtakbo nang magpagtanto na hindi ako si Ate Gwyneth.
"Oh, I thought you're Ate Gwyneth. Magkaparehas po kasi kayo ng buhok at magkasing-tangkad din po kayo eh," she answered.
She's cheerful and ang daldal niya kahit na 4 years old pa lang siya.
Binuhat ko siya at nagsimula nang maglakad. Hinanap namin si Ate Gwyneth at natagpuan namin siyang nag-aaral, as usual.
"Ate Gwyneth, let's play. Teach me how to ride a bike, please," lumapit si Anne papunta kay sa kaniya pero parang hindi ata siya interesado.
"Anne, as you can see, I'm still busy and I have a lot of work to do since I am the eldest. Kayo na lang ni Skye maglaro, wala naman siyang ginagawa eh."
Sinamaan ko na lang ng tingin si Ate Gwyneth. Medyo sanay na rin naman akong sinusungitan ako lagi nito.
"Tara! Maglakad-lakad na lang tayo doon. Hindi ako rin ako marunong magbike eh," nahihiya kong sabi kay Anne.
I am 203 months old and I'm turning 204 next month but I still don't know how to ride a bike. I think it's because my body can't cooperate and I can't balance.
Anne and I went outside to have a walk. We also went beside the pond to admire the beauty of it. Nagagandahan ako sa tubig na kumikinang dahil sa araw.
"Ate Skye, what if kung hindi talaga ito totoo? What if it's just man-made?" Anne curiously asked out of a sudden.
"Bakit naman bigla mo iyan natanong?"
That is weird.
"I read about it. They said that natures can all be man-made and it's possible," she answered.
"Yeah, actually, it is."
"They said that when you throw a stone into a pond, you may be the last person to hold that rock," I said to her. Mukhang nagulat din siya nang mapagtanto ang ibig kong sabihin sa kaniya.
"Oo nga!" then she started throwing as many stones as she could.
Everything that happened in my life these past few weeks seems so right and simple. Sana wala nang magbago.
##########