Inikot ko na ang buong bahay pero hindi ko pa rin makita si Kendrick. Nagtanong na ako sa mga taong nandito kung nakita ba nila si Kendrick pero hindi raw nila nakita.
"Anne! Nakita mo ba si Kendrick?" tanong ko kay Anne na papunta sa kabilang direksyon.
"Hindi po Ate Skye!" masayang sambit ni Anne.
Ang daming pasilyo dito kaya nalilito na ako kung saan na ba ang napuntahan ko at kung saan ang hindi ko pa napupuntahan. Nasaan na ba siya?
"Kendrick, nasaan ka ba?" bulong ko sa sarili ko. Lumiko ako sa isang pasilyo na hindi pamilyar sa akin. Mukhang hindi pa ako nakakpunta rito kahit na ang tagal ko nang nakaita rito.
Nasa pinakataas ako ng palapag kaya hindi ko ito napupuntahan. Madami ring pasilyo pero ang iba ay walang pinto o kwarto tulad ng pasilyong ito pero mayroon siyang bintana kung saan pumapasok ang malamig na hangin. Sumasayaw ang kurtina dahil sa lakas ng hangin.
"P-por qué estás aquí?" (W-why are you here?) I heard a voice from behind. Is this Spanish? I don't know how to speak Spanish...
I slowly turn back and faced him but I can't see clearly. My hair is blocking my sight because it is very windy up here. Inayos ko ang buhok ko at unti-unti ko siya nakita mula sa dulo ng pasilyo.
"Who are you? I haven't seen you since I lived here," I said as I walked towards him. When he noticed that I am walking towards him, he stepped back, "Oh, no. I'm not going to hurt you."
He's like the same age as us but he's a bit taller than Kendrick. He looks normal to me but his actions and expressions are different. His hands are shaking, his hair is messy and he has a lot of bruises on her neck and face. I guess there's a lot more behind his long sleeves.
"Are you okay? Who hurt you?" tanong ko sa kaniya.
"P-pensé..." (I t-thought...) he mumbled. I noticed that he's always stuttering. Hindi ko narinig ang sunod niyang sinabi dahil ang layo namin sa isa't isa at ang hina ng boses niya. Ayoko naman lumapit sa kaniya dahil matakot ulit siya.
Hindi ko alam kung gagalaw ba ako mula sa kinatatayuan ko o hindi.
"Axel?" narinig kong tawag ni Tita Meng mula sa ikalawang palapag. Nasa pangatlong palapag kami kung saan ang pinakahuling palapag dito sa bahay.
Pumunta siya sa ibang direksyon kaya umalis na rin ako at naghanap ako ng silid na pwedeng pagtaguan sa ngayon. Mabilis na sinara ko ang pinto nang makaakyat na si Tita Meng.
"¡Hola! ¿Cuál es tu nombre?" (Hi! What is your name?) masayang sambit ng isang bata sa gilid. Gulat na napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang boses niya.
"Why do you need my number? I don't have a phone," wala sarili kong sambit. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam na mayroon ibang tao sa taas kaya pala ang onti lang namin. Pero bakit hindi sila bumababa?
"She asks what your name is," napatingin naman ako sa taong nagsabi niyon.
"Kendrick?!" sigaw ko. Tinakan ko ang bibig ko dahil naalala ko na pumunta pala rito si Tita, baka hindi pa siya nakakababa, "Anong ginagawa mo rito?" mahinang sambit ko sa kaniya.
Napansin ko na may mga sugat at pasa rin yung bata. Ang dami kong gusto itanong kay Kendrick pero hindi ko alam kung anong uunahin ko.
"Why are you here? Who are they? Ilan sila? Bakit hindi ko alam?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Okay, chill," umupo siya sa kama kung saan nagbabasa ang isang bata. Umupo rin ako doon para magkaintindihan kami ni Kendrick.
"These are our other siblings. Tita Meng saved them because she said that she wants to help other kids who are physically abused outside. She said that she wants to do this because she wants to make her older sister proud of her," he said as he brushes the smooth brown hair of the kid, "They're underage and they must not experience this."
"Sister? She has a sister. What's her name?" I asked.
"Diana Fernsby," he simply said.
Fernsby? So Dominic and Deux's mother is Tita Meng's older sister. That's why she knows Dominic and Deux...
"What's Tita Meng's full name then?" I asked him again. Tumayo siya at pumunta sa bintana kung saan hinahangin ang kurtina dahil sa lakas ng hangin.
"Demi Santiago."
I haven't heard about that surname yet.
"So, why are you here? Bakit hindi ko ito alam?"
"Sabi ni Tita Meng na ako lang dapat ang makaalam tungkol dito dahil mas mahirap ang situasyo kapag nalaman ng ibang tao ang tungkol dito. Oo, medyo tayo sa siyudad pero mas mabuting nang ligtas at sigurado," sabi niya matapos ayusin ang kurtina.
May narinig akong hakbang mula sa labas at parang papunta iyon dito. Sa pagkakatanda ko, wala nang ibang silid sa pasilyong ito kaya alam kong dito siya patungo.
"Kendrick! Tara na, kumain ka na muna ng tanghalian," rinig kong sabi ni Tita Meng.
Alam kong hindi kami dapat magkasabay ni Kendrick lumabas dahil hindi dapat ako makita ni Tita rito sa loob ng silid.
Sinulyapan lang ako ni Kendrick at ningitian kaya tumango ako at ningitian ko rin siya. Sa tingin ko ang nais niyang iparating ay mauuna na raw muna siya at susunod akong pupunta.
"Nawawala na naman si Skye. Hindi ko alam kung saan nagpunta pero kanina, napansin ko na hinahanap ka niya," tanong ni Tita Meng kay Kendrick.
Tumalas ang pandinig ko dahil narinig ko ang pangalan ko, "Tita, huwag po kayong mag-alala. Baka lumabas lang po ulit sandali," sabi naman ni Kendrick.
Ang galing niya talagang magsinungaling.
Pagtapos ng limang minuto, binuksan ko na ang pinto at handa na akong bumaba dahil baka magtaka na si Tita Meng na hindi pa ako bumababa.
"¿A dónde vas? No salga porque afuera es peligroso. Me golpearon a mí y a mis hermanos, así que no salgan," sabi ng bata.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero nakikita ko sa mga mata niya ang iba't ibang emosyon. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nalulungkot siya. Ningitian ko na lang siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at hindi niya rin naman maiintindihan ang mga sasabihin ko.
##########