“Baka ginagawa mo lang akong rebound lintik ka,” wika ko sa kaniya. Ngumiti lamang siya at hinalikan ang noo ko. “Sa tingin mo ba pang-rebound ka lang?” tanong niya. “Aba! Malay ko sa ‘yo, kayong mga lalaki ang hihilig niyo sa iba’t-ibang bbae eh. Makita niyo lang na may mas sexy at mas maganda sa mga girlfriend niyo aariba na kayo agad,” mapait kong saad. “I’m a bad guy pero hindi ko sinabing babaero ako. I know how to love and I am confident that I am faithful as f**k. May mga bagay lang hindi natin kontrolado,” sagot niya. Hindi naman ako makapagsalita. “Bakit mo naman iyon ginawa?” mahina kong tanong. “What?” takang tanong niya. “Ang laki ng 1 billion baka maubos na pera mo,” saad ko. Hindi kasi iyon basta-bastang amount. Ang laki-laki nu’n. Kung ako nga baka mag-asawa na s

