Chapter 32

1170 Words

Bumaba na ako ng kotse ni Infernu. Masakit ang balakang ko. Tinitiis ko lang. “Kita na lang tayo sa susunod na araw,” wika ko. Tumango naman siya at nginitian ako. Kumaway na ako at tinalikuran na siya. Nag-usap na kasi kaming pumunta sa bahay para makasama namin si Gideon. Nang makapasok sa lift ay nakita ko si Jane. Ang laki ng ngisi niya sa akin. “Sarissa,” aniya. Nginitian ko naman siya pabalik at pasimpleng napahilot sa balakang ko. Sumasakit na naman eh. Gusto ko na lang umupo o humiga buong araw. “Good morning,” bati ko. Bumati rin naman siya pabalik. “Kaano-ano mo pala iyong pogi kagabi?” tanong niya. Natigilan naman ako at kaagad din namang nakabawi. “Ah! Iyon ba? Kaibigan ko lang,” sagot ko. Tumango naman siya kahit alam kong hindi siya naniniwala. Magsasalita pa sana s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD