Lunes na naman kaya may pasok na naman sa trabaho. Busy si Infernu at hindi ko alam kung ano ginagawa niya ngayon. Nakakapanibago ang ipinapakita niyang kabaitan sa akin. Pero alam ko, alam ko sa loob-loob ko na hindi iyon magtatagal. Mabait siya dahil iba ang sitwasiyon. Kailangan kong mag-ingat sa sasabihin at gagawin ko. Alam ko nasa paligid lang siya. He’s still the same Infernu I’ve known before. He’s Infernu and the literal Infernu. Alam ko hindi ko mababago ang taong tulad niya. I saw him the other day. May bakas ng dugo ang suot niyang damit. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kaniya. I just can’t accept the fact that the man I am bound to marry is a very dangerous man. Sana lang ay hindi ko pagsisisihan ang magiging desisyon ko. Suot ang aking uniform ay lumabas na ako ng a

