Bandang hapon ay tapos na ang klase ko. Pababa na ako ng second floor at nakita sa hindi kalayuan si Sir Manuel. Mukhang hinihintay nga niya ang pagtapos ng last subject ko. Nilapitan ko naman siya at naupo sa bench na kinauupuan niya. Nakaharap iyon sa football field. “Hi,” bati niya. Nginitian ko naman siya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Napatingin ako sa aking paligid at wala naman. May mangilan-ngilan pang estudyante pero ang iba ay nasa rooms pa nila. “Hello,” sagot ko. Nakaupo lang kami at walang nagsasalita. Hinihintay ko na siya ang mag-o-open up sa akin. Ayaw ko siyang pangunahan. “About what I wanted to talk to you,” umpisa niya. Tiningnan ko naman siya. “Bakit?” tanong ko. “Sarissa, I will be straight forward to you. I like you, I really do,” aniya. Kitan

