Chapter 34

1360 Words

Balik na naman ako sa trabaho. Mabuti na lang at hindi na ako hinatid ni Leon dahil busy ito kasama si Infernu. Simula nu’ng mangyari ang paglusob sa mansion niya ay naging busy na siya. Naiintindihan ko naman. Alam kong mas nagiging mahigpit na siya ngayon. Hindi na rin akong umaasa na ako lang mag-isa dahil alam ko may nakabantay na naman sa akin. Pumasok na ako sa loob ng building at sumakay sa lift. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating naman ako kaagad. Kumunot ang noo ko at may bago ng opisina sa gilid. Katabi kay Sir Axl at kaharap sa opisina ni Sir Neo. Dumeritso na ako sa table ko at late na naman si Sir Axl o baka may appointment lang kaso nasa akin ang set of schedules niya. Wala naman siyang importanteng gagawin ngayon. Nagkibit balikat na lang ako at nagsimulang magtrabaho.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD