Nandito kami ngayon sa shooting range. Lagi akong tini-train ni Infernu. Okay lang sa akin. Para lang maisalba ako kumuha siya ng secretary na gagawing proxy ko sa trabaho. Hinanda ko na ang resignation letter ko para makaalis. Nag-usap na kaming dalawa. Tumawag na rin ako kina Mama at okay na ang palayan. Stable na, salamat kay Infernu. Kailangan kong makinig sa kaniya dahil ngayon ay unti-unti ko ng nalalaman ang lahat. Kailangan ko siyang suportahan at samahan. Napagisip-isip kong kailangan niya ako para hindi siya mawala sa landas niya ngayon. Mahal ko siya at ipinangako ko sa sarili kong sasamahan ko siya sa bawat laban niya sa buhay. Hindi ako puwedeng maghihintay na lang kung kalian matatapos ang laban niya. Alam ko habang-buhay na niya itong haharapin at gusto kong sa mga panahong

