YEARS LATER... Nakatingin lamang ako sa malaking bahay. Pinapunta na ako ni Lola rito dahil graduate na ako ng Senior High. Ang lola ko ay isang mayordoma sa pamilyang Rasgild. Mayaman sila at sabi ni lola ay mababait. Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho sa kanila. Ang sabi ni lola ay pag-aaralin ako ng amo niya. “Sino ho kayo?” tanong ng matandang lalaki sa akin. Mukhang hardinero siya. “Hello po, dito po ba nagtatrabaho si, Estrella Lamitan? Apo po niya ako,” sagot ko at ngumiti. “Aba! Ikaw pala ang apo niya. Halika pasok at kanina ka pa niya hinihintay. Nag-aalala nga siya at tanghali na ngayon. Baka kako’y naligaw ka na sa daan,” aniya. Ngumiti naman ako. “Hindi po natagalan lang sa biyahe dahil traffic pala papunta rito,” wika ko. “Oo hija lalo na at rush hour na,” saad n

