Maaga akong nagising at tumulong kay Lola sa mga gawain niya. Mayordoma siya ng pamilyang Rasgild at kita kong ginagalang siya at minamahal ng mga kasama niya. Kasalukuyan akong nagdidilig ng halaman nang marinig ko ang pagsitsit sa akin. “Psst!” Napalingon ako at kumunot ang aking noo. Lumabas sa pintuan si Bela at nilapitan ako. “Magandang umaga po,” bati ko sa kaniya. Seryosong tinitigan niya lamang ako at hindi nagsalita. Napakaganda niya talaga. Bagay sa kaniya ang natural niyang blonding buhok. “Bakit po? May iuutos po ba kayo sa akin?” tanong ko. “You don’t look like a Filipina,” saad niya. Hindi ko naman mawari ang nais niyang iparating. “Ang sabi ni, Mommy ay matalino ka raw. Matalino ka ba sa, Math?” tanong niya. Napalunok naman ako dahil ang tapang ng boses niya. Para

