Chapter 25

1846 Words

Nakatayo lang ako sa labas ng bahay namin. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Paano ko sisimulang magpaliwanag sa kanila? Humigit ako nang malalim na hininga at naglakad na papasok sa bahay. Ang laki ng ipinagbago ng bahay namin. Kumatok na ako at agad din namang binuksan. Bumungad sa akin ang gulat na mukha ng kapatid kong si Karen. “Ate! Ma, Papa nandito si Ate,” aniya. Kaagad na nagsidatingan naman sila sa pintuan. “Papasukin mo naman ang Ate mo,” ani Mama. Napangiti naman ako at pumasok na sa loob. Umupo ako sa bagong upuan namin at napatingin sa loob ng bahay. May kisame na at marami pang bago sa paningin ko. “Anak, hindi ka na naman nagpasabi na uuwi ka,” saad ni Mama. Lumabas naman ng kusina si Papa at ang lapad ng ngiti niya. Nagmano naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD