Chapter 6

1562 Words
SPEAKING OF INOM... Dahil nag announce na walang pasok all levels sa Quezon City dahil sa nagbabadyang bagyo na kalaunan tumirik ang haring araw. Oh 'di ba? May bagyo pero nakisama ang araw. Sumilip siya! Nagdidiwang sa kagalakan ang puso niya, sumakto rin kasi na birthday ng 'real cousin' niya na si Kristine. Maghahanda kasi ito at may alak na included sa menu. Yes! Matino siyang nagpaalam kay Mama at Papa na matiwasay na pumayag naman ito. Samantala, si Kuya Patrick, medyo tuliro pa rin sa love life nito, kaya 'di na siya nagpaalam rito. Anyways, 2PM pa lang nandoon na siya sa bahay nila Kristine. Mayroon spagethi na ang sahog ay cornbeef at mushroom, may pancit bihon na hahanapin mo nga lang yon mga sahog na kikiam at chicken balls na may kaunting karots at repolyo. 'Di rin papatalo ang shanghai na isang kagat wrapper agad. Ang tanging masasabi niya lang na pasado sa kaniyang matinik na panlasa ay ang maja at buko salad. Not so good, not so bad. Maarte siya. She get that a lot ! Deadma sa basher ! "Hoy ! Halos makalahati mo na 'yon maja," sita ni Kristine sa kaniya. Naglalagay siya ng maja sa lagayan ng selecta ice cream. "Iuuwi ko 'to. Pang midnight snack ko later." "Pancit magdala ka rin." Umasim ang mukha niya sabay iling. "Ayaw ni Poochie 'yan." "Gaga ka talaga! Kina Tita at Tito ba–" Mariin siyang umiling. "Nope. Busog na sila mamaya pag uwi ko. Okay na 'to maja." Wala naman nagawa si Kristine sa trip niya. Sanay na ito. Mayamaya pa ay dumating na ang ibang bisita ng pinsàn niya. Mga classmates siguro nito. Nagbilihan na ang mga ito ng juice pang chaser at Empi light para sa alak habang siya... tanduay ice na blue ang iniinom niya. Nagtataka man ang mga ito bakit hindi siya nakikisali sa mga ito, just because ayaw niya lang. Tamang inom lang siya sa gilid malapit sa TV habang hawak ang microphone. Magka-karaoke siya. Singerist 'yan? Pero habang kumakanta siya ng Jaya song, bigla na lamang kumulog at kumidlat na parang na aalibadbaran. Aba't ! Panira naman! Umungot ang mga bisita ng pinsan niya dahil sa malakas na ulan. Natawa naman ang pinsan niya na si Kristine. "Nagalit si Lórd sa'yo, Rain–" kantiyaw ni Kristine sa kaniya. Umingos siya. "Bakit magagalit, close ba kami?" Tumingala siya sa kisame. "Masama bang kumanta, Lord? Kumakanta po ako, hindi ako nagliligalíg !" Bumunghalit naman ng tawa ang mga bisita ng pinsan niya. Ngumuso lang siya at tinigil ang pagkanta. Fine ! Wala siyang talent sa pagkanta. Gano'n talaga, hindi binibigay ni Lord lahat. Sapat na 'yon maganda siya. Okay na 'yon. Lumipas ang ilan oras, alas sais na ng gabi. Hindi niya aakalain tatamaan siya sa walong bote ng tanduay ice na blue. Tumayo kasi siya upang magtungo sa banyo subalit nabuwal siya sa pagkakatayo. "Okay ka lang?" tanong ni Kristine. "Hindi na ako okay. Uuwi na ako. Magbanyo muna ako," wika niya. Inalalayan naman siya nito papunta sa banyo pero hindi nito maiwasan asarin siya. "Grabe ha, tanduay ice pa lang 'yan nalasing ka na. Ano pa kaya pag nasubukan mo mag GIN BILOG," natatawang biro nito. Tumaas ang kilay niya. "Wow ha. Hayaan mo sa sunod, pag aaralan ko lahat ng alak para mapantayan ko ang husay mo, Jerica Kristine !" sarkastikong sikmat niya. Tawang tawa naman ang pinsan niya. Matapos makapagbanyo. Naghilamos na rin siya pero ramdam pa rin niya ang hilo niya. "Paano ka uuwi sobrang lakas ng ulan?" Humahataw ang ulan may kasama pang malalakas na hangin. Napabuntong hininga siya. May bagyo nga na delayed lang. Napailing siya. "Subukan ko ichat si Kuya o si Papa–" Bumalik siya sa kinauupuan niya. Sinusubukan niyang tawagan si Papa ngunit out of coverage area. Tsk ! Lowbat na naman ito malamang. Napakatamad kasi mag-charge o 'di kaya lasing na naman ito at naiwan nakapatay ang cellphone. Tinawagan niya si Kuya Patrick. Sumagot ito. "Kuya–" "Wala ako sa bahay bunso. Umalis ako. Nandito ako kina Tonyang." Laglag ang balikat niya. "Paano ako uuwi, Kuya?" parang batang iiyak na. Sino ang susundo sa kaniya? Nasanay siyang palagi ang Kuya Patrick niya ang laging nandiyan para sumaklolo sa kaniya. "Ipapasuyo na lang kita ha–" "Okay." Malungkot na tugon niya. Binaba naman agad ni Kuya ang tawag. Napabuga na lamang siya ng hininga. "Naku, baha na sa may labasan–" bulalas ng isa sa mga bisita ng pinsan niya. Napasilip naman sila lahat sa pinto, siya sa bintana. OMG. Baha nga. Super itim ng baha. Pakiramdam niya stranded siya at hindi niya alam ang gagawin. "Ayoko ng baha !" palatak niya. "Dito ka na lang matulog kaya. Tabi tayo sa kwarto ko," wika ni Kristine. Umiling siya. "Nag aantay sa'kin si Poochie. Hindi ko kayang pabayaan mag isa ang anak ko, nagugutom na 'yon." She's a fur parent ! Of course, hindi niya pwede bayaan ang anak na magutom. Kailangan makauwi siya no matter happen ! "E 'di sige. Lumusong ka na sa baha–" "Ayoko!" "Paano ka nga uuwi kung 'di ka lulusong sa baha? Lilipad ka?" "Wala kayong boots?" "Wala." Humalukipkip siya sa gilid ng upuan habang nakabusangot ang mukha. Argh ! "Oy may pogi–" Sigaw ng babaeng bisita ng pinsan. Napaling naman ang atensiyon ng mga ito sa bagong dating. Sino 'yon? Tumili si Kristine. "Hala– Si Frank !" Kumunot ang noo niya. Si Frank? Seryoso ba? Napatayo siya at naglakad patungo sa pinto. Nakasuot ito ng kapote at bota habang may hawak na payong. "H-Happy birthday, Kristine. Sunduin ko lang si Rainzelle," nakangiting ani nito kay Kristine. Natameme siya habang inaalog alog ni Kristine ang balikat niya at tumitili sa kilig. Kumurap-kurap pa siya. Susunduin siya? "Tumawag si Pat Dam sa'kin. Sunduin daw kita–" nakatingin na sa kaniya si Frank. Inabot nito sa kaniya ang spare na kapote at bota. Masyadong malaki ang kapote at bota pero hindi na siya nagreklamo. Nang maisuot na niya ang kapote at bota, nagsimula nang maglakad si Frank at lumusong sa baha. "W-Wait, lulusong ako?" Ang weird ng tanong niya pero nagtanong pa rin siya. Kunot noo humarap sa kaniya ang binata. 'Yon tingin nito na OBVIOUS BA. Napalunok siya ng laway. "S-Sabi ko nga–" Nauna na muli maglakad si Frank. Dahan dahan siya humakbang. Nakakatakot. Kahit may suot siyang bota, pakiramdam niya tatangayin siya ng baha, idagdag pa na malakas ang hangin. Gosh ! "Bilisan mo maglakad, Rain–" reklamo ni Frank ng lingunin siya. "Baha kaya!" "Ang babaw lang ng baha, di nga umabot sa tuhod." "Hindi ka gentleman, bwiset ka ! Alalayan mo ako–" "Ano ka pilay? Bilisan mo na." Tinalikuran na naman siya nito. Naningkit ang mga mata niya habang nagtatagis ang mga ngipin. "Never akong mahuhulog sa'yo..." pabulong na sambit niya. Hindi niya akalain matalas ang pandinig nito. "Kahit mahulog ka, 'di kita sasaluhin." "As if, magpapasalo ako sa'yo–" Subalit sadyang sinusubukan siya ni Lord ngayon. Nahihilo pa kasi siya. Paghakbang niya, gano'n na lamang ang gulat niya ng biglang lumubog ang isang hita niya. Tumili siya ng malakas. Nahulog siya sa kanal ! "H-Help me, Frank !!" Nagulat din ang binata sa pagkahulog niya kaya to the rescue naman kaagad ito. Mabilis na binuhat siya nito. Napaiyak siya. Natanggal ang isang bota niya at ang legs niya ang dirty na. Pumalahaw siya ng iyak. Nandidiri siya at the same, napahiya siya. May mga nakatingin pa naman. Walang sabi-sabi na pinasan siya ni Frank sa likod nito habang tumutulo pa rin ang luha niya. Hiyang hiya siya. Automatic na nawala ang hilo niya. Tang'ína talaga ! Kapit na kapit siya sa leeg ni Frank, habang ang dalawang braso nito nakapulupot sa mga hita niya upang 'di siya mahulog sa pagkakapasan rito. Pasan-pasan siya nito habang naglalakad pauwi hanggang sa makarating sila sa bahay nila. Nasa tapat na sila ng pinto ng bahay nila, dinig na niya ang pagkahol ni Poochie. Si Frank ang nagkusang maghubad ng kapote at bota na suot niya. "Maligo ka na. Mag-warm bath ka para mawala ang lasing mo." Madiin nito utos sa kaniya. "Wala kaming heater sa banyo–" Parang naaasar na ewan ang itsura nito. Naghubad na rin ito ng kapote at bota. Binuksan nito ang pinto, at walang pakundangan pumasok saka dumiretso sa kusina nila. Nagpakulo ito ng mainit na tubig sa takure. Nakatayo pa rin siya sa may pinto, kunot na kunot ang noo niya. Promise. Mayamaya nilapitan siya nito at binuhat na parang disney princess. Sa pintuan ng banyo siya nito binaba. "Aantayin ko lang kumulo ang tubig saka ako uuwi samin." Hindi naman siya nagtatanong pero nagpaliwanag ito. Ilan minuto pa ang inantay saka kumulo ang tubig. Nilagay ni Frank ang mainit na tubig sa timba sa loob ng banyo, naglagay ng katamtaman malamig na tubig para maging warm. "Maligo ka na." "Hindi ako mag-te-thank you sayo." Nakasimangot na sabi niya. "Kasalanan mo ba't ako nahulog–" Umarko ang kilay nito pero seryoso ang mukha. "Tsk. Okay sana kung sa'kin ka nahulog kaso sa kanal. So, sa'yo na ang thank you mo. Tigas ng ulo mo." Umalis na ito at sinarado ang pinto nila. Natameme siya. Ina-absorb pa ng utak niya ang sinabi ni Frank. Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD