LAGNAT MALALA...
ANG inabot niya dahil ba 'to sa lakas ng ulan, dahil sa kahihiyan nangyari sa kaniya kahapon nang mahulog siya sa kanal o dahil kay Frank?
Napabahing pa siya nang malakas. Nanghihina ang kaluluwa niya, sumasakit ang mga kasukasuan niya, namimigat ang talukap ng mga mata niya, wala siyang boses dahil masakit din ang lalamunan niya, nanginginig siya sa lamig kaya todo talukbong siya ng kumot.
"Uminom ka na muna ng gamot tapos matulog ka uli," wika ni Mama at inabutan siya ng biogesic.
Pagkainom ng gamot nakatulog siya muli.
Hindi niya namalayan ang oras, nang magmulat siya ng mga mata. Napansin niyang may nakatayo sa gilid ng kama niya.
Masyadong blurred ang paningin niya kaya hindi niya masabi kung sino iyon, wala rin siya boses para makapagtanong.
Si Mama ba? Si Papa? Imposibleng si Papa, hindi umaakyat 'yon sa kwarto nila ni Kuya Patrick. Nakauwi na kaya si Kuya?
Dahil mabigat pa ang talukap ng mga mata niya nakatulog siya uli. Mahimbing ang naging tulog niya, pakiramdam niya hinehele siya. Naramdaman din niya ang mainit na bagay na humahawak sa isang kamay niya, gayon rin ang malambot na bagay na dumampi sa mga labi niya.
Napangiti siya. Bakit ang ganda ganda ng panaginip niya? Para siyang si sleeping beauty na hinalikan ng mayaman prinsipe saka siya biglang gagaling sa sakit niya.
****
TIRIK na ang araw ng magising siya. Magaan na ang pakiramdam niya. Nag init pa siya ng mga braso. Wala na rin ang bigat ng ulo niya. Sarap ng gising niya !
"Lord, thank you dahil binigyan mo pa ako ng second chance para ma-enjoy ang pagiging magandang tao ko. Thank you talaga, amen."
Pagkatayo niya sa kama, nabaling ang atensiyon niya sa isang bilog na bagay na bumubuga ng mabangong usok. Humidifier?
Ba't meron ganito sa kwarto niya?
Kaya pala ang bango bango ng buong kwarto niya. Kaagad siya lumabas ng kwarto at bumaba. Nasa salas sina Mama at Papa, nagkakape habang kumakain ng suman.
"Oh, magaling na ang pinakamagandang anak ko?" tanong ni Papa.
"Ako lang ang anak mong babae, Pa. Natural ako lang dapat ang pinaka maganda," nakangusong sagot niya saka naupo sa single sofa nila.
Natawa naman si Papa habang si Mama napapailing na lang.
"Okay na ba pakiramdam mo?" si Mama naman ang nagtatanong.
"Opo, Ma." Nagkuha siya ng suman at nagbalat rin. "Nga pala, Ma. Sino po nagbili ng humidifier sa kwarto ko?" aniya sabay kagat sa suman.
Nakakalokong ngumiti si Mama.
"Nabanggit ko kasi kay Tita Fely mo na may sakit ka, ayon bumili ng humidifier. Si Frank pa nga ang nagdala at naglagay sa kwarto mo."
Umarko ang kilay niya. So, pumasok si Frank sa kwarto niya? Tsk ! Talipandàs !
"Bakit niyo naman hinayaan may pumasok na lalaki sa kwarto ko? Paano kung napicturan niya ako ng naka nganga ang bibig o tumutulo ang laway? Nakakahiya !" naiinis na sikmat niya kay Mama at Papa.
Padabog na umakyat siya uli sa kwarto niya at pabagsak na humiga sa kama. Hindi siya makapaniwala, alam niyang kilalang kilala na nila Mama at Papa si Frank at may tiwala ang mga ito sa binata, pero ang hayaan itong pumasok sa kwarto niya ay ibang usapan na.
Babae pa rin siya at lalaki ito. Nakakahiya ang– Teka! Napabalikwas siya ng bangon sabay tuptop ng bigbig. Ang kiss na panaginip niya hindi kaya?! Argh ! Hindi maaari !
Nope, hindi totoo ang naiisip niya. Tumawa siya nang malakas habang naiiling. Malabo. Sobrang labo.
HAPON na nang maisipan niya lumabas ng bahay. Wala si Mama, nasa karinderya na siguro at si Papa naman, nasa kanto nakikipag inuman.
Naisipan niya magpunta ng Alfamart para bumili ng meryenda niya. Magaling na siya, nakakaramdam na siya uli ng gutom kaya kailangan niya bumawi sa sarili niya.
Pagdating sa loob ng Alfamart, napansin niya agad si Frank na may binibiling mga detergent soap at fabric conditioner. Malamang inutusan ito ni Tita Fely, hindi niya ito pinansin kumuha siya ng Lays Potato Chips, malaking Tostillas Nacho at ice cream na nasa cone.
"Binat ang aabutin mo sa ganyang ayos mo."
Dagli siyang napalingon sa nagsalita sa likuran niya. Maliit lang naman ang Alfamart, kaya 'di malabong di siya mapansin ni Frank.
Ngumuso siya.
"Ayos ko?" tinignan niya ang suot. Nakasando siya pero may suot siyang itim na jacket at nakamaong siya na short. "Wala akong makitang mali sa ayos ko, lahat ng suotin ko bagay sakin. At... wala kang pakialam kung mabinat man ako o ubuhin sa utak," nakataas ang kilay niya na sikmat niya sa binata.
Bumuga ng hininga si Frank sabay iling. Hindi na ito nagsalita pa at hinayaan na siya. Inismiran naman niya ito saka dumiretso na sa cashier.
"109 po lahat," sabi ng baklang cashier.
Kinapa niya ang bulsa ng jacket niya. Wala siyang makapa. Kinapa niya ang bulsa sa short niya pero wala rin. Shít ! Wala ang coin purse niya. Takte na yan! Naiwan niya yata sa bahay.
Napangiwi siya sabay kamot sa ulo.
"Pwede sa e-wallet magbayad–" dugtong pa ng kaherang bakla na parang na ge-gets na nito ang nangyayari sa kaniya.
Wala naman laman ang e-wallet niya. Wala rin siya data. Inay ko po! Nakagat niya ang pang ibabang labi saka dahan-dahan lumingon sa likod niya. Nagdadarasal na makakita ng anghel.
Si Frank ang nasa likuran niya.
Matamis siyang ngumiti kay Frank. Tumaas naman ang kilay nito.
"Hi, Frank... wala akong dalang pera," nakangusong sumbong niya.
"Wala akong pakialam," masungit nito tugon.
Napalunok siya ng laway. Patáy na ! Kinagat niya ang pang ibabang labi.
"Miss, magbabayad ka ba o hindi?" mataray na tanong ng baklang kahera.
"Mahaba na ang pila oh," mariin pang sabi.
Napatingin siya sa ibang mga nakapila. Medyo mahaba na nga ang pila. Nakakahiya naman ! Ba't ba lagi siyang pinapahiya ni Lord? Dahil walang hiya siya?!
No choice na talaga siya...
Hinuli niya ang isang kamay ni Frank, pero pilit nito inaagaw ang kamay. Hindi siya papayag, nahawakan niya ang pinky finger nito.
"F-Frank ... pautang ... please..." nag paawa effect face pa siya.
Hindi ito kumibo. Nakatitig lang ito sa kaniya.
Nag-puppy eyes pa siya. "P-Please? Babayaran ko mamaya sa bahay, hmm? naiwan ko ang coin purse ko, pautang naman na please.. maawa ka sa'kin," pagmamakaawa niya. Nagpa-cute pa siya baka lang tumalab rito.
Napabuntong hininga naman ito. Pinitik nito ang noo niya.
"Ang hirap mong tiisin bruha ka," pabulong nito sabi pero dahil matalas ang pandinig niya narinig niya iyon.
Abot tenga ang ngiti niya. "Hala, thank you... utang ko sa'yo ang buhay ko ngayon araw."
Napapailing na lamang ito.
"Bayad po oh," nag abot ng 500 pesos si Frank sa kahera, ipinatong na rin nito sa counter ang pinamili nito. "Pati rin po ito, isabay na.."
Umingos ang baklang kahera saka kinuha ang abot.
Nang makalabas na sila sa Alfamart, sabay na sila ni Frank na naglalakad pauwi habang kinakain na niya ang ice cream na binili niya.
"Thank you talaga, Frank. Lagi mo na lang ako sinasagip sa kahihiyan. Paano na lang kung wala ka sa Alfamart? Baka lumubog na ako sa sobrang hiya, tapos napaka íntrimitida pa 'yon baklang kahera na 'yon," banggit niya habang patuloy pa rin sila naglalakad.
Walang imik si Frank sa tabi niya.
"Tsk ! Buti na lang nando'n ka. Isa kang anghel na binató sa lupa para sa'kin at–" dugtong niya pero huminto bigla si Frank sa paglakad kaya napahinto rin siya pati ang sinasabi niya.
Matiim itong tumingin sa kaniya.
"Daldál mo. Magbayad ka ng utang mo ha, pera ni Mommy 'yon."
Tumulîs ang nguso niya.
"Oo, alam ko! Anong akala mo sa'kin manggagantsó 'di marunong magbayad?!"
Tumaas lang ang kilay nito.
Hinila nito ang laylayan ng jacket niya.
"Bilisan mo maglakad, bagal bagal mo–"
"Teka naman– hindi tayo magkasing haba ng biyás no !"
Puro sila singhalan sa daan hanggang sa makauwi na sila. Nang nasa tapat na siya ng bahay, mabilis siya pumasok sa loob para hanapin ang coin purse niya. Nakita niya iyon sa lababo, patakbo siyang lumabas dahil ang sabi niya kay Frank ay mag antay ito saglit subalit wala na ito sa labas.
"Piste talaga ang lalaking 'yon!" palatak niya.