Chapter 8

1503 Words
ANG BILIS NG ARAW ... ILAN buwan na lang graduation na. This is it ! Sabik na siya tumuntong sa isang University. Hmm, ano kayang madaling course? "Ma, gusto ko ng bagong phone," kapagkuwa'y singgit niya habang kumakain sila ng hapunan sa salas at nanunuod na naman ng teleserye. Syempre, deserve niya makatanggap ng regalo as graduation gift...and yes! magde-demand siya sa magulang niya. "Ayaw mo ng Cherry Mobile?" nang aasar na banat ni Kuya Patrick. "Baho ng bibig mo, Kuya. Anong toothpaste mo, taé?" sarkastikong banat niya rin. Tinaas nito ang gitnang daliri. Inismiran niya ito. Epal ! "Sira na ba ang cellphone mo?" sabi naman ni Papa. Matino ito ngayon dahil hindi lasing. Umiling siya. Okay pa naman ang phone niya. Kaso... gusto niya iPhone. Pang malakasang iPhone ! "Okay pa naman po ang cellphone kaso–" "Tignan ko, Rainzelle. Basta ba aayusin mo ang grades mo para naman pag nag enroll ka sa college, maganda-ganda naman ang makita," sabi ni Mama. Ngumiti siya sabay tango. "Sana iPhone ma," nag beautiful eyes pa siya kay Mama. Bumunghalit naman ng tawa si Kuya Patrick. "Wow, iPhone ! Ang kapal–" "Libag mo ang makapal !" singhal niya kay Kuya. "Kwento mo sa pagong," nakakalokong ngumisi pa ito. "Ah talaga? pagdadarasal ko talaga na iwan ka na ni Ate Tony, hunyango ka e," banta niya. "Tama na ang asaran nyo." Palatak ni Papa. Parehas silang natahimik. Malalaki na sila subalit di pa rin nila maiwasan, matakot kay Papa pag ito ang sumasaway sa kanila ni Kuya Patrick. "Hindi ako mangangako, Nak. Mahal masyado ang iPhone, dalawa na kayo ni Kuya mo ang nasa college kaya kung ano lang ang makayanan ng budget ha," malambing na paliwanag ni Mama. Tumango naman siya at ngumiti. Ayos lang din naman, nauunawaan naman niya. "Ano pala ang balak mong kunin na kurso?" tanong ni Mama sa kaniya. Napaisip siya. Si Kuya Patrick kasi ang kurso nito ay Bachelor of Science in Marine Transportation o BSMT. Sa katunayan, wala pa talaga siyang naiisip. Kumbaga, wala pang final decision ang utak niya. "Nag iisip pa ako, Ma." Nakangiting sagot niya. "Basta kung ano ang gusto mo at ano ang kaya mo, pati kung saan ka mag aaral, pag isipan mo na habang maaga aga pa," dugtong pa ni Mama. Tumango na lamang siya. Mukhang kailangan na niya pag isipan mabuti ang kukunin niya kurso. Nakasalalay ang kinabukasan niya rito. Kung nursing kaya? para makapag abroad siya? Ekis ang Education na kurso, wala siyang awa at pasensya baka makasakál lang siya ng estudyante niya. Tsk ! **** KINABUKASAN, palabas na siya ng school nang mapansin si Frank na nakatayo malapit sa gate tila ba may inaantay. Kumunot ang noo niya, hindi pa pala nakauwi ito. At sino na naman kaya inaantay nito? Siya ba? Ngumisi siya sabay flipped ng buhok niya. Lalapit na sana siya kay Frank ng biglang may lumapit na babae rito. Napaawang ang labi niya. Pamilyar sa kaniya ang babae. Ah, tama ! ito 'yon nag abot ng pink band aid kay Frank non nakaraan. Matalim ang mga mata niya habang nakatitig sa dalawang nilalang na nakangiti sa isa't isa. Bakit parang nanggagalaiti siya? Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa lumakad siya sa harapan ng dalawa. Dire-diretso lang siya, patay malisya lang. Kinakaskas niya ang mga ngipin niya habang naglalakad pauwi. Nakakagigil talaga. Hindi niya mawari ang nararamdaman niya. "Mukha kang may sumpong–" Napaigtad pa siya dahil sa gulat ng may bumulong sa likuran niya. Nagtaasan ang balahibo niya sa batok at braso, ang maaligasgas nito boses ang may sala ! Dagli siyang napalingon kay Frank. Ba't nandito ito sa tabi niya? Luminga siya sa paligid. Nasaan na ang babaeng kasama nito? "Bakit ganyan ka makatingin? Kanina pa kita inaantay tapos nilagpasan mo lang ako. Panay tawag ko sa'yo, bingi mo–" nakangising sabi nito sa kaniya. "N-Nasaan na 'yon babaeng kasama mo?" Nagpamulsa si Frank. Mabilis nito kinuha ang bag niya at isinukbit sa balikat nito. "Babae?" Tumango siya. "M-May kausap ka kanina–" "Ah, kinukuha niya lang ang number ko." Balewalang sambit ni Frank. "Bilis lakad na," utos nito sa kaniya. Nagpatuloy sila sa paglalakad. "Binigay mo?" Tumaas ang sulok ng labi ni Frank. "Gusto mo ba?" Huh? Ano bang trip nitong ungas na 'to? Umiwas siya ng tingin. Na-tense siya bigla sa tanong nito. Binilisan niya pag lakad, pero nakakahabol si Frank sa paglakad niya. "Parang ayaw mo kaya 'di ko binigay." Hindi niya masabi kung bakit natuwa siya sa kaalamang hindi ito nakipagpalitan ng number sa babae. "A-Anong sabi mo sa babaeng 'yon?" Curious siya, okay ?! Nagkabit balikat ito. "Wala naman. Sabi ko magagalit pinsan ko." Nilingon niya si Frank. Kitang kita niya ang nakakalokong ngisi nito. Kumunot ang noo niya. Hinampas niya ito sa braso sabay bawi sa bag niya. "Animál ka ! Hindi mo 'ko pinsan !" bulalas niya. Natawa naman ito. "Ayaw mo maging magpinsan tayo? Ano gusto mo, boyfriend gusto mo?" panunukso nito sa kaniya saka muling kinuha ang bag niya. "Huh, boyfriend?" "Ako na mag-a-adjust sa standard ko, ibababa ko na para naman 'di ako masyado lugi sa'yo–" Malakas na hinampas niya ito. "Gagó ka?! Anong akala mo sa'kin panget na malabong magka-boyfriend ?" Natatawa ito. "Ikaw nagsabi niyan." Inismiran niya ito. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Feeling naman nito, easy to get siya? "Ayaw mo talaga?" "Bakit mo pala ako inaantay?" kapagkuwa'y iniwasan niya ang tanong nito. "Naniningil ako." Ah, oo nga. May utang nga pala siya. Hinablot niya ang bag niya na hawak nito. "Babayaran kita–" Kinuha niya ang coin purse niya pero nang makitang 39 pesos na lang pala ang pera niya. Napangiwi siya. Tsk, kumain nga pala siya ng footlong kanina sa canteen. "Ayoko ng installment payment. Pinautang kita ng buo kaya bayaran mo ako ng buo." Matalim niyang tinignan si Frank. Hudás talaga. "Bukas na ! Babayaran kita bukas na bukas !" singhal niya. "Sige, maaga kang gumising sabay tayo pumasok bukas. Kukunin ko ang bayad. Maliwanag? Bawal kang ma-late ng gising." Sakto naman na nasa tapat na pala sila ng bahay nila. Kunot ang noo niya. Bakit parang inuutusan siya nito? "Punta ka pala mamaya sa bahay, birthday ni Papa, marami pagkain sa bahay." Ngumisi pa ito sabay kindat saka iniwan na siya. Naglakad na ito patungo sa bahay nito. "Bye, Pinsan!" Anong akala nito mukha siyang pagkain? Patay gutom? Pinsan, my áss ! **** NAGLULUTO si mama ng biko pagkababa niya. Nakapag siesta na siya, siguro naman tatangkad na siya. Pagkauwi kasi galing school, nakatulog siya agad. "Anong meron, Ma? Bakit ka po nagluluto ng biko?" "Si Tito Matt mo. Birthday niya. Nakakahiya naman ng walang maiabot. Papa mo nga kanina pa nandoon, nakikipag inuman na, hindi na talaga nahiya," sabi ni Mama habang naghahalo sa niluluto biko. Wala na silang magagawa pa kay Papa. Basta kung saan may alak, number one agad ito. Unang una sa pila kumbaga. Napabuntong hininga na lang siya. "Tulungan na po kita, Ma–" kinuha niya ang sinaing na sticky rice saka unti-unti nilalagay iyon sa malaking kawali habang hinahalo pa rin ni Mama. Nang maluto na ang biko, nagtulong pa rin siya na ilagay iyon sa katamtaman laki ng bilao. "Mauna ka na magpunta doon, Rainzelle. Dalhin mo 'yan. Maliligo muna ako," utos ni Mama sa kaniya. Tumango lang siya. Naka-sweatpants na gray at crop top na gray din ang suot niya. Paglabas ng bahay. Dinig na dinig na niya ang malakas na karaoke na nanggagaling kina Frank. When you looked over your shoulder For a minute, I forget that I'm older... Ah, si Tito Matt ang kumakanta. Alam na alam ng buong street nila kung gaano ito kagaling kumanta, kaya hindi na rin kataka-taka na namana iyon ni Frank. I wanna dance with you right now Oh, and you look as beautiful as ever And I swear that everyday you'll get better You make me feel this way somehow.... Nakita niyang kinakantahan ni Tito Matt si Tita Fely. Hindi niya napigilan mapangiti. Ang sweet talaga ng mga magulang ni Frank. Meron mahaba lamesa sa labas ng bahay ng mga ito, may mga pulutan at alak na rin nakalagay. Nakaupo na roon ang ilan kapitbahay din nila at kasama na si Papa. Pumasok siya sa loob ng bahay nila Frank. Pinatong niya ang dalang biko sa lamesa. Doon niya napansin pababa na ng hagdan si Frank na obvious na bagong paligo. Napatingin ito sa kaniya. Ngumuso siya sabay taas ng kilay. Pinagmasdan niya ang suot nito. Naka-gray na jogger pants ito at gray din na tshirt. Hindi naman sila nag usap pero para silang naka-couple outfit. Nang makalapit ito sa kaniya. Ngumiti ito. Iyon klase ng ngiti nito na nakakatunaw ng small intestine at large intestine "Gutom ka na?" Wala sa sariling umiling siya. Out of nowhere biglang kumulo ang tiyan niya. Hindi nakikisama ang digestive system niya. Argh ! Lalong napangiti si Frank sa marahan kinurot ang ilong niya. "Cute mo talaga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD