ANO BANG SASABIHIN NYA, OO NA SAGAD ? TAHIMIK lang sya nakaupo sa passenger seat ng Land Rover na minamaneho ni Frank. Nagpumilit pa rin kasi sya kanina na umuwi kaya heto sila ngayon, pabalik na sa condo. Walang kibuan ang byahe nila, nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Frank. "Nagugutom ka pa rin ba?" kapagkuwan tanong ni Frank. Napalabi sya. Nagtatanong ba 'to kung gutom pa sya dahil 'di sya nag comment sa confession nito? Busog na sya pero wala pa rin sya masabi o maisagot sa sinabi nito. "N-Nagugutom pa rin ako," tugon nya. Syempre, magpapakipot pa sya muna. Hindi naman kumibo si Frank, nakatutok lang ang tingin nito sa daan hanggang sa huminto sila sa isang convenience store na LAWSON ang pangalan. "Anong gusto mo, may bibilhin ako sa loob?" tanong nito h

