MALAKAS NA TAHOL ...
PAGMULAT niya ng mga mata, mukha ni Poochie ang nabungaran niya. Panay ang tahol nito sa mukha niya, para bang sinasadyang gisingin siya.
"Wag mo ko sigawan, Poochie. Baka kinakalimutan mo na, Nanay mo ako," naasar na bulong niya sa anak nya.
Umangil na ito sa kaniya.
Aba't lumalaking matigas ang ulo ?!
Muling tumahol ito. Napabalikwas na siya ng bangon sabay kamot sa ulo. Sabado ngayon, dapat masulit niya ang tulog nya pero may cute na asungót !
"Gutom ka ba? Ano ba gusto mo? Pork steak?" tanong nya sa anak nyang nakatunghay sa kanya. "Tsk ! Mag cornbeef ka na lang muna, dukha pa ang Nanay mo. Wala pang ambag sa lipunan kun'di ganda lang, pasensya ka na anak," pang aalo nya kay Poochie saka binuhat ito at niyakap.
Feeling naman niya naunawaan nito ang sinabi niya kaya nanahimik. Baka nga gutom na talaga ito, kaya bumaba na siya upang alamin kung ano ang makain sa baba.
"Ma ! Anong ulam?" pasigaw na tanong niya habang pababa sa hagdan.
"Wala !"
Sumimangot siya. Nabungaran niya agad si Mama sa kusina. Naghihiwa ng ampalaya.
"Gulay, ulam Ma?"
Poker face na hinarap siya ni Mama saka tinaas ang ampalaya na hawak.
"Hindi, hotdog."
Umismid siya. Ang aga-aga pabalang sumagot si Mama. Tsk ! Alam na alam na niya saan niya minana ang magandang ugali nya.
"Pahingi na lang ako 65 pesos, Ma. Pambili ng 1/4 na dog food," aniya sabay lahad ng kamay.
"Mamaya pa ang sahod ko, Rainzelle."
"Paano ang anak ko, Ma? Baka mamatay to sa gutom pag mamaya pa," nakangusong reklamo niya, yakap yakap pa rin nya si Poochie.
Nagpameywang si Mama saka dinuro siya.
"Tigil-tigilan mo ako, Rainzelle. Turuan mong kumain ng gulay ang anak mo! Hindi tayo mayaman," pasigaw na sermon ni Mama.
Napailing siya sabay kamot sa buhok. Kainis naman ! Kawawa naman ang Poochie nya.
Hinimas niya ang malambot na balahibo nito. "Pasensya ka na kay Lola, Anak. Mainit ang ulo, menopause na kasi–"
Akmang aambahan siya ni Mama ng hampas nang may kumatok sa nakabukas nilang pintuan.
Sabay pa silang napalingon ni Mama sa may gawi ng pinto. Naroon nakatayo si Frank, may hawak na malaking bowl.
"Pinabibigay po na ulam ni Mommy. Tinola manok po," magalang na wika ni Frank.
Mabilis na ngumiti naman si Mama.
"Pasok ka, Frank–"
Pumasok naman si Frank, dumiretso agad sa kusina slâsh dining area ng bahay namin. Binaba nito sa lamesa ang dalang tinolang manok.
"Salamat kamo sa Mommy mo," sambit ni Mama.
Buti na lang may dalang ulam ito, ligtas siya ngayon sa gulay na ampalaya. Subalit, napaisip siya, kakain din ng Tinola si Poochie? Tsk! Kulang ang ulam !
Napatingin sa kanya si Frank. Nabighani ba to sa 'Woke up like this' nyang itsura sa umaga? Well, 'di nya masisi to ang fresh talaga niya kada umaga na lang.
"May tuyong laway ka pa–" kapagkuwa'y wika ni Frank.
Napangiwi siya sabay kapa sa pisngi niya. Inabot nya agad kay Frank si Poochie saka sya tumakbo papunta banyo, para maghilamos.
Ano ba yan!? May tuyong laway nga talaga sya. Piste ! Puro kahihiyan na lang ang nakikita ni Frank sa kanya, lagi na lang.
Pagkalabas ng banyo, bagong hilamos at toothbrush na rin siya. Naabutan niya si Frank na nasa sofa nakaupo, hinaharot ang anak nya. So, close agad sila?
Nakikipaglaro naman si Poochie kay Frank. Ang cute ! Parehas cutie !
Hmmm, bakit nga ba hindi na lang si Frank ang hingian niya?
Ngumisi siya.
"BABE–" malakas na tawag nya kay Frank.
Gusto niyang matawa nang makita ang gulat sa mukha nito. Nanigas yata ito sa kinauupuan, habang si Mama, nabitawan ang kutsilyong hawak.
Lumapit siya kay Frank.
"Sakto ang punta mo rito. Wala ng makain ang anak natin, penge ako pambili ng dog food ni Poochie," seryosong saad nya.
Napatanga si Frank, nabitawan nito si Poochie sa sofa. Si Mama naman, naiinis na binato sya ng isang maliit na hiwa ng gulay.
"Hoy, Rainzelle–! Wag mo ngang isama si Frank sa kalokohan mong bata ka."
Kumunot ang noo niya.
"Anong kalokohan, Ma? Look– magkamukha sila ni Poochie. Base on my scientific observation, si Frank ang Ama ni–"
Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin nang batuhin siya ni Mama ng basahan. Tumama 'yon sa balikat niya.
"Ma !" bulalas niya.
Matalim siyang tinignan ni Mama. Umuusok na ang butas ng ilong nito.
"Puro ka kalokohan, Rainzelle."
Suprisingly, malakas na natawa si Frank saka muling binuhat si Poochie. Lumingon ito kay Mama.
"Okay lang po, Tita. I'll take full responsibility po kay Poochie," matamis itong ngumiti kay Mama.
Napaka-pleasant naman ng ngiti ng abnóy na to, parang totoo.
Napapailing na lang si Mama.
"Ay, tinamaan ang magaling, tsk tsk–"
Humarap naman sa kaniya si Frank.
"Sa kanto sa may bigasan may bilihan ng dog food don," sambit nito.
Pilyang ngumiti siya. See? May instant Tatay na si Poochie.
"Bibili ka? kahit mga 1/4 lang–"
Hinawakan ni Frank ang braso niya at iginiya siya palabas ng bahay.
"Ano ako lang? Anak ko lang ba to?Samahan mo ako." Nakataas ang kilay na sambit nito.
Tumango tango siya. Right !
"Fine," lumingon siya kay Mama na nag-gigisa na ng gulay. "Ma, bibili kami dog food ni Poochie."
"Ayan ba 'yon puppy love nyo?" patay malisyang tugon ni Mama na ikinakunot noo niya.
Sumimangot siya. "Baduy ng joke mo, Ma."
Si Mama naman ang bumunghalit ng tawa. Tumaas ang kilay niya.
"Tuwang tuwa ka, Ma. Pag ikaw niregaluhan kita ng Apo–"
Bigla itong tumigil sa pagtawa. Tumalim ang tingin at dinuro siya.
"Subukan mo lang, Rainzelle."
Ngumuso siya sabay kaway kay Mama at umalis na sila ni Frank. Tahimik lang si Frank sa tabi niya, buhat buhat pa rin si Poochie.
Parang nakakahalata na siya sa anak nya, parang enjoy na enjoy itong yakap-yakap ito ni Frank. Tsk ibang klaseng rin !
"T-Thank you..." out of the blue, banggit niya. Sumulyap sa kanya si Frank.
"Para saan?"
"Wala akong pera pambili ng dog food ni Poochie," aniya na nakanguso, kunwari nakaramdam siya ng hiya.
Matiim siyang tinignan ni Frank saka marahan hinaplos si Poochie, saka inamoy ang ilong nito.
"Sanay na akong wala kang pera, pero di ako sanay na nag-te-thank you ka," nakangising sagot ni Frank sa pinong kinurot ang ilong niya. "Mag-chat ka lang pag need ni Poochie ng dog food or anything, hmm," malambing na sabi pa nito.
Bakit ba parang kumabog bigla ang dibdib niya habang nakatunghay sa binata?