Chapter 13

1243 Words
BILIS NG PANAHON ... NOVEMBER NA.. Habang tumatagal mas lalo siyang nasasabik sa nalalapit na graduation. Gosh ! College life here I come ! Maaga siyang nagising, mga 1PM, gano'n. Wala naman kasing pasok dahil holiday vacation ng isang linggo. Wala rin sila Mama at Papa ngayon dahil kailangan nila umuwi ng probinsya sa may Pangasinan upang dalawin ang namatay na Lola't Lola niya sa side ni Papa. Kaya naman sila lang ni Kuya Patrick ang naiwan sa bahay. Pagbaba niya, nakita niyang nagluluto si Kuya Patrick ng tokwa. "Para saan ang tokwa, Kuya?" kunot ang noo na tanong niya. Nakangising humarap ito sa kanya habang nagpi-prito ng tokwa. Marami itong nilulutong tokwa, halatang pang pulutan. "Mag-shot kami dito mamaya, bunso," nakakalokong ngumisi ito sa kanya. Sabi na e ! Nagkibit balikat lamang siya. Hindi naman siya kontra, at wala rin siya balak magsumbong kina Mama at Papa. Kasangga niya sa lahat ng bagay si Kuya kaya naman game siya sa lahat ng trip nito. "Anong luto gagawin mo sa tokwa?" kapagkuwa'y tanong niya saka sinilip ang mga binili nitong ingredients sa lamesa. "Sisig tokwa at tofu square," may halong pagmamayabang na sabi nito. Tumango-tango siya. May alam naman konti sa pagluluto si Kuya Patrick kaya hindi siya nababahala na mapariwara ang pagkain. Naligo muna siya bago dumating ang mga bisita ni Kuya Patrick. Wala naman may birthday, sanay na talaga siya na may inuman tuwing araw ng patay. Ilan sandali pa ay dumating na ang mga tropa ni Kuya Patrick, sina Randall, Timber, Apreng at si Frank. "H-Hey, Sugar baby–" nakangising bati ni Apreng nang makita siya nakaupo sa pang isahang sofa. "Shot ka rin?" Umiling siya. "Hindi." Sa mga nakalipas na araw, naging asaran na nila ni Apreng na tawagin siyang Sugar Baby at Sugar Daddy naman tawag niya rito, nauutangan niya ito na wala ng bayad bayad pa. May dala-dala na itong malaking Alfonso Light na brandy. Binati rin naman siya nina Timber at Randall habang sumulyap lang sa kanya si Frank, saka tumango lang. Tumahol tahol naman si Poochie at mabilis na lumapit kay Frank. Pagak na natawa si Timber sabay tingin kay Frank. "Ayan ba 'yon pinaako sa'yo?" Tumaas ang kilay niya. "Hoy– hindi ko pinaako 'yan. Si Frank talaga ang Tatay ni Poochie," pataray na singgit niya. Bumunghalit naman ng tawa sina Randall, Apreng at Timber. Si Kuya Patrick naman, mahinang kinaltukan siya sa ulo. Nangingiti lang si Frank habang nasa kandungan nito si Poochie at marahang hinihimas ang malambot na balahibo. "Ginugulangan mo lang si Frank, bunso," komento ni Kuya Patrick at naupo sa tabi niya. Napaharap siya kay Kuya Patrick. "Excuse me? Never akong nanggulang ng kapwa ko–" Malakas na natawa si Apreng sa sinabi niya, saka tumango tango. "Right. Wala sa hilatsa ng mukha mo manggulang, Sugar Baby," sarkasmong sabi ni Apreng. Sinimangutan niya si Apreng sabay taas ng gitnang daliri saka humalukipkip sa gilid ni Kuya Patrick. Hmmp! Kailan siya nanggulang? Wala siyang matandaan? Nagpatugtog na sila at sinimulan na ang inuman session ng mga ito. Panay basketball ang topic ng mga ito, boring, kaso mas boring naman kung magkukulong lang siya sa kwarto niya. Inabala na lamang niya ang sarili sa pag scroll sa social media hanggang sa makatanggap siya ng private chat kay Frank. [ Babe, palitan mo ang suot mong short, maiksi.] Umingos siya at sumulyap sa gawi ni Frank. Seryosong nakatingin lang ito sa kanya habang hawak ang cellphone nito at nasa kandungan pa rin nito si Poochie. Itong mga nakalipas na buwan, para silang may something pero walang clarification. Eversince na naging Tatay ito ni Poochie, para na silang mag jowa pero not official ang atake. Paano niya nasabi? Nagtatawagan sila ng BABE, madalas na silang magka-chat 'til midnight with videocall pa nga. Sabay na silang pumapasok sa school or madalas siyang inaantay ni Frank para magsabay sila papasok. Sweet sila sa isa't isa pag sila lang dalawa. Lumalabas sila kasama si Poochie sa Mall o kumakain lang sa kung saan-saan pag sabado at linggo. Pero walang 'label', wala pa silang pinag uusapan about sa situation nila. Kung ano nga ba sila? Wala rin namang 'iloveyous' kaya hindi niya mawari ang sitwasyon nilang dalawa. They act like a couple but they're not... Ayaw rin naman niyang mangunang magtanong dahil natatakot siyang mag-assume o mag-demand ng kahit ano. Gusto niyang ito ang mauna mag-open up, mahirap nang umasa baka siya lang pala ang umaasang may something sila. Hindi siya nag-reply sa chat ni Frank bagkus umakyat siya sa kwarto at nagpalit ng jogging pants. Pagkababa niya, dire-diretso siyang lumabas. Hindi naman siya iinom, what's the point para tumambay ng bahay? [ Saan ka pupunta, babe? ] Binasa lang niya ang isa pang chat ni Frank, hindi siya nag abalang sumagot. Naisipan na lang niyang puntahan ang pinsan niya si Kristine. Naabutan pa niya ito nagtitirik ng sampo kandila sa labas ng pintuan ng mga ito. "Bakit sampong kandila?" tanong niya sa pinsan ng makalapit rito. Tumingala si Kristine sa kanya. "Ilan ba dapat?" "Depende, kung ilan ang kamag-anak nyo namatay," sagot niya. Iyon ang pagkakaalam nya. "Kayo ba, ilan tinirik nyo kandila?" Umiling siya. "Di kami nagtirik ng kandila. Alak ang itinirik ni Kuya, nag iinuman sila don sa bahay," tinatamad na tugon niya saka feel at home na pumasok sa bahay ng pinsan. Sumunod naman si Kristine sa kanya. "Ah, kaya pala nandito ka. Tara sainyo maraming pogi sainyo di ba?" pilyang sabi ni pinsan nya. Mariin siyang umiling. "Walang mga pogi don. Mga mukhang hunyangó lang." Malakas na natawa si Kristine saka naupo sa sofa. "Hunyangó pero masarap?" "Di ko sure." Muling natawa ang pinsan na parang kilig na kilig. "Kumusta pala kayo ni Alvin James? Kayo pa rin ba?" pag iiba niya ng usapan, saka curious din kasi siya. Bigla na lang tumili ito at hinila siya sa tabi nito saka bumulong. "Naisuko ko na ang Bataan–" Napasinghap siya sabay tuptop ng bibig dahil sa narinig. Muling tumili si Kristine na may pa pungay-pungay pa ng mga mata. Habang siya, namimilog ang mga mata na nakatitig sa pinsan nyang maharot. "Don't tell me– you did it already?" nakaawang pa rin ang labi niya. Panay tango ito na may kakaibang ngiti sa mga labi. "S-Seryoso ba?" Tinampal siya ni Kristine sa braso. "Oo nga !" "But... how? I mean, paano nyo... sino nauna? Ikaw malamang noh?" dinuro niya ang pinsan, sa taas ng kalandian nito sa balat malamang ito ang pasimuno. Bumunghalit ng tawa si Kristine. "Parehas kaming lasing ... tapos ... ayon nangyari na ang dapat lang mangyari," ngiting ngiting sabi nito. Shookt siya ! "S-Saan nyo ginawa?" "Sa kwarto niya. Dinala nya ako sa bahay nila." Pagmamalaki pa ni Kristine. Pailing-iling siya. Hindi siya makapaniwalang, maagang binaba ng pinsan niya ang Bataan. Malakas na hinampas siya nito sa hita. "Ikaw magsabi ka– kayo na ni Frank noh?" Nabigla siya. How did she know? Did she notice? "Wag ako pinsan. Don't lie to my beautiful face, nakita ko kayo ni Frank last sunday, kumakain kayo ng shawarma don sa may tapat ng simbahan sa bayan." Huling huli na siya. Nonsense kung ide-deny pa nya pero.... hindi pa naman talaga sila? "Yeah, lumalabas kami pero... wala pa kaming label." Pag aamin niya. Nalukot ang mukha ni Kristine. Tumango tango sya. "Parang kami pero hindi kami...." That's true. Di nya masabi, ano nga ba real score sa kanila. Hays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD