Chapter 14

1126 Words
PARANG KAMI PERO HINDI KAMI ... Never assume unless otherwise stated. Napabuntong hininga siya saka bumaling kay Kristine. "Ba't hindi mo siya tanungin?" Napakagat labi siya. "Paano kung ako lang ang seryoso?" "Paano mo malalaman kung di ka magtatanong?" pabalang na banat ni Kristine. Ngumuso sya saka umiling. "Ayoko magtanong. Dapat siya unang magsabi, siya ang lalaki !" himutok niya. Tumaas naman ang kilay ng pinsan nya na may ngisi sa mga labi. "Bahala ka. Saan ngayon napunta ang 'I don't like him like that' mo? Magiging inlababó ka rin pala kay Frankie my bebe." Tinaasan nya rin ito ng kilay. Sinabi ba nya 'yon? Umingos siya. In love? Hindi niya masabi if gano'n level na. Gusto lang niya ng clarification about sa kung anong meron 'sila'? Sila ba o trip trip lang to? Bumuga siya ng hangin. Tinapik naman siya sa pisngi ni Kristine. "Sayang ang ganda, couzzin. Tara, nasaan ba 'yan si Frankiee my bebe para makausap mo sya–" pang aaya nito. "Nasa bahay, kainuman nila Kuya." Tumayo si Kristine sabay hatak sa kanya. "Go ! Punta tayo sainyo, boring dito sa bahay, dun tayo sainyo." Nagpaubaya naman siya ng hinatak na siya ni Kristine palabas. Napalingon siya sa mga nakatirik na kandila. "P-Paano 'yon mga kandila nyo?" Huminto naman si Kristine saka isa-isang hinipan ang mga nakasinding kandila. "Ayan ! Mamaya ko na uli 'yan sisindihan. Tara muna sainyo–" yakag na nito sa kanya at nakangisi. Timang talaga ang pinsan nya. Hays. Nasa kanto na sila ni Kristine ng street nila, naglalakad papunta sa bahay nang mapansin nila si Frank at KC nakatayo 'di kalayuan sa bahay nila. Nakatayo ang mga ito sa tabi ng nakasaradong tindahan, tila may pinag uusapan. Natuptop ni Kristine ang bibig. "OMG ! Magkasama sila ni KC–" Bahagya silang huminto at nagtago sa isang nakaparadang SUV para hindi sila makita at masipat nila si Frank at KC. Bakit parang sumakit bigla ang dibdib niya? Bumulong si Kristine sa kanya. "Hala– umiiyak si KC. Gosh ! Umiiyak nga talaga," hinawakan siya ng pinsan sa braso. "Tang ína ! Niyakap na ang walang hiya." Nakita niyang niyakap ni Frank si KC habang hinahaplos ang likod ng babae. Ngumuso sya. May kirot syang naramdaman habang nakatingin sa dalawang magkayakap. "Di kaya nagkabalikan silang dalawa?" pabulong na tanong ni Kristine sa kanya. Hindi siya kumibo. Siguro? Bumuntong hininga sya. Baka kaya walang sinasabing kahit ano sa kanya si Frank dahil di naman ito seryoso sa kanya o baka trip trip lang. Mukhang si KC naman talaga yata ang gusto nito. Kunsabagay, hindi naman magkakatampuhan o hiwalayan ang dalawa kung hindi lang dahil sa kalokohan niya sa jeep. Panira siya ng love story ng dalawa. Siniko siya ni Kristine. "Pasakay na sila ng tricycle. Saan kaya sila pupunta? Hindi mo hahabulin?" sabay lingon sa kanya ang pinsan. Nalukot ang mukha niya. "Ba't ko naman sila hahabulin? Gold ba sila? Bahala sila kung saan sila magpunta, wala na akong paki," pataray na sighal nya pero nakasimangot siya. Nang tuluyan ng nakasakay ng tricycle at nakalayo sina Frank at KC, saka lamang sila lumabas sa pinagtataguan. Naglakad na sila papunta sa bahay. "Anong balak mo nyan, couzzin?" Sambakol ang mukha nya. Hindi siya nagsalita. Ayaw niyang magsalita baka may lumabas na apoy bigla sa bibig niya. "May balak ka pa bang kausapin si Frankie my bebe?" Matalim na sinulyapan nya si Kristine. "Mukha bang may balak pa ko tanungin ang animál na yon? Obvious naman na ang sagot !" singhal nya at nagmadaling tinungo ang bahay nila. Naabutan pa nya nagkakantahan sina Kuya Patrick at ang mga tropa nito. "Uy– bunso ! Akala namin saan ka na nagpunta, pinasuyo pa naman kita kay Frank para hanapin ka–" sabi ni Kuya Patrick nang dumating siya kasama si Kristine. Tumabi siya agad kay Kuya, habang si Kristine naman walang pag aatubiling naupo sa gitna nina Timber at Randall. "Nahanap mo na ba ang dream girl mo?" kapagkuwa'y pa-cute na tanong ni Kristine kay Timber. May pa-beautiful eyes pa ang gagá. Halatang nabigla si Timber pero ngumiti rin. "Hindi pa e'. Saan ba makikita 'yon?" pasakay ni Timber sa sinasabi ng pinsan nyang maharôt. Pumalatak si Kristine abot tenga ang ngiti. "Eto– oh, sa harap mo na." Bumunghalit ng tawa ang lahat maliban sa kanya. Parang nagkaroon ng instant komedyante sa inuman ng dumating ang pinsan nya, habang siya nahihirapan ngumiti man lang. Binuksan niya ang kanina pang naka-off na cellphone niya. Twenty messages na ang natanggap niya mula kay Frank, panay tanong kung nasaan sya. May misscall pa ito pero sineen lang niya. Umingos siya. Alalang-alala ang peg? Pero may kayakapan kanina sa labas? Tsk ! Lumipas ang ilan minuto, mahigit kumulang thirty minutes, bumalik sa bahay nila si Frank. Sa kanya agad nakatutok ang mga mata nito, umismid siya. "Oh, Frankie boy tagal mo! Nagkasalisi kayo ni Rainzelle," ani ni Apreng sa bagong dating. "Nakasalubong ko si KC sa labas kanina," sagot nito. Naupo naman agad si Frank pero imbes sa pwesto nito kanina naupo, nagulat siya ng tumabi ito sa kanya. Hindi siya makapaniwala na tatabihan talaga siya nito. Kinuha nito ang cellphone niya na para bang normal na rito tignan ang cellphone niya. Napatanga siya at pakiramdam niya pati sina Kuya Patrick ... lahat sila napatanga. "Kanina pa ako, chat ng chat sayo. Seen lang? Anong problema, babe? Kanina pa ako hanap ng hanap sayo," galit na sabi ni Frank at madilim ang mukha na nakatingin sa cellphone niya sabay sulyap sa kaniya. Napakurap-kurap siya. Tinawag siyang BABE ni Frank sa harapan ng lahat.... sa harapan mismo ni Kuya Patrick. Napalunok siya ng laway saka marahang lumingon kay Kuya. Tama ang kutob nya. Nagtatagis ang bagang ni Kuya Patrick. Marahas na tumayo ito at kinuwelyuhan si Frank. Napatayo ang lahat pati na rin siya at si Kristine. "Lot – ! Kapatid ko pa talaga ?" galit na galit na angil ni Kuya Patrick kay Frank. Hawak hawak pa rin nito sa kuwelyo si Frank. Kalmado lang si Frank. Natuptop niya ang bibig. Samantalang, nilapitan naman agad nila Apreng, Timber at Randall si Kuya. "Kayo na ba, bunso?!" pasigaw na tanong ni Kuya sa kanya. Shít ! Paano ba nya sasagutin si Kuya sa tanong nito? Tumingin sa kanya si Kuya at Frank. Halatang nag aabang sa sagot niya. Bakit ba hindi man lang kumikibo si Frank?! Kainis. Naiipit sya tuloy ! "Bunso! Tinatanong kita?!" sigaw uli ni Kuya na namumula na ang mukha. Hindi niya malaman if dahil sa kalasingan o dahil sa galit ito? Napalunok siya ng laway. "Ah.... hmmm. H-Hindi kami, Kuya," paanas na sagot niya. Totoo naman di ba? Pero bakit may lungkot siyang nakita sa mga mata ni Frank?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD