Chapter 15

1061 Words
ITS BEEN TWO WEEKS .... NANG tanungin siya ni Kuya Patrick kung sila nga ba ni Frank, she answered it...No. Well, tama naman ang sinagot niya di ba? Pero, bakit parang siya ang may kasalanan? Siya ang mali? Bakit parang nakokonsensiya sya sa sinabi niya? Iniiwasan kasi siya ni Frank. Obviously ! Hindi ito nag-chat, hindi siya kinausap man lang o tanungin man lang siya kung bakit gano'n ang isinagot niya? Hindi na sila nagsasabay pumasok pati pag uwi. Lagi itong nagmamadali o kung minsan naman nagpapahuli ito dahil maraming ganap sa school. Gayunpaman, nag aabot pa rin ito ng ulam sa kanila pati dog food para kay Poochie bumibili ito. Ang dating kasi... parang dineny niya kung anong meron sila? kaya nagalit ito? Arghhh ! Sinabunutan niya ang buhok dahil sa inis kakaisip. Sabay sipa sa mga unan at kumot niya. Tumahol si Poochie. Tinitigan niya ang anak niyang pa-cute saka binuhat ito. "Bigla kong na miss Tatay mo–" bulong niya kay Poochie. Umungot naman ito na parang sinasabi na miss din nito ang Tatay Frank nito. "Rainzelle, andito si Frank, hanap ka !!" Napabalikwas siya ng bangon sa kama nang marinig ang pag sigaw ni Mama. Shít ! Si Frank?! Halos matisod siya sa kumot nya dahil sa pagmamadali. "W-Wait, Ma–" ganti sigaw nya. Gosh ! Bakit sya hinahanap ni Frank? Mag uusap na ba sila? o baka sisingilin lang sya nito sa lahat ng gastos nito kay Poochie? Arghh ! Pagkabukas niya ng pinto ng kwarto niya. Namilog ang mga mata nya sa gulat dahil naroon na si Frank nakatayo mismo sa labas ng pinto ng kwarto nya. Tang îna ! Hindi pa siya nakapaghilamos. Mabilis na sinarado niya muli ang pinto. Kinuha nya agad ang wet wipes na nasa study table nya, pinunasan nya agad ang buong mukha saka naglagay ng konting baby powder sa pisngi. Nagpalit pa siya ng tshirt dahil nakasando lang siya kanina. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan uli ang pinto. Nakakunot ang noo ni Frank nang mabungaran niya. "Nagpulbos ka pa?" di makapaniwalang tanong nito. Marahas siyang umiling. "H-Hindi. Normal na ganda ko na 'to." Matiim lang itong nakatingin kaya nakaramdam siya ng pagkailang. Napalunok siya ng laway. "B-Bakit ka nga pala nandito?" kabadong tanong niya. "Vaccine ni Poochie ngayon, di ba? May gagawin ka ba? Kung gusto mo ako na lang magdadala sa kanya sa vet," malumanay na sagot ni Frank. Ahh, shít ! Hindi pala siya ang pakay. Ang saklap ! Bago pa siya makasagot, tumahol bigla si Poochie. Lumusot ito mula sa siwang ng pinto saka lumapit at tumahol kay Frank. Kinarga naman agad ito ni Frank. Naningkit ang mga mata niya. Maka-Tatay ka na pala ha, Poochie ! Matapos lahat ng sakrispisyo ko sayo! "Co-furparenting ba tawag sa gano'n?" nakangusong tanong nya sa binata. Tumaas lang ang kilay ni Frank kaya nagkibit balikat na lamang siya saka ngumiti. "Paantay ako, maliligo lang ako." Tumango lang ito at tumalikod na sa kanya para bumababa. Ang weird lang dahil bigla siyang natuwa at nasabik na aalis sila ngayon na magkasama kahit pa hindi naman talaga siya ang sadya. Kahit na basta happy siya ! Nang matapos makapagligo at bihis. Nagpaalam muna siya kay Mama na dadalhin nila sa vet si Poochie. Patay malisya na lang si Mama habang si Papa tulog na tulog sa salas, lasing na naman. Pagkasakay nila ng tricycle, magkatabi sila sa loob. Bigla siyang nailang sa pagkakadikit ng mga braso nila. Ano first time magkadikitan ng braso? Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ni Frank. "I-Ikaw magbabayad?" Kinaklaro lang niya. Wala siyang pera eh. Medyo may pagka-pricey din kasi ang vaccine, nakakahiya naman baka nauubos na ni Poochie ang allowance nito. Lumingon ito sa kanya. "Pinadalhan ako ni Tita ko sa Canada ng allowance, bakit mag aambag ka?" nakataas na naman ang kilay nito na parang inaasar siya. Nagtatanong pa kasi siya kahit sobrang halata naman ng sagot. Tsk ! "Wala, masama bang magtanong?" pabalang na tugon din niya. Hindi na ito kumibo. Tahimik na sila uli, walang imikan. Hawak nito si Poochie hanggang makarating sila sa veterinary clinic. Mabilis naman ang pagpapabakuna kay Poochie, di na sila inabot pa ng isang oras. Pagkalabas ng clinic, inabot sa kaniya ni Frank si Poochie pati na rin ang vaccine card nito. Nagulat siya ng abutan din siya nito ng 100 pesos. Nagtatakang tinignan niya si Frank. "Mauna na kayo umuwi, mag-special na lang kayo ng tricycle–" What? Uuwi na? kami lang ni Poochie? Nang akma na ito aalis, tinawag niya ito. "T-Teka – Ahm, saan ka pupunta, Frank?" Blanko lang ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Pupuntahan ko si KC sa bahay nila." "Ah.." Anong laban ko kay KC kung ito naman talaga ang gusto ni Frank? Tsk ! Masakit pala ma-realized na sya lang pala ang seryoso sa "tayo" na meron sila. Magkasundo sa lahat, maliban sa kung ano "tayo". "May sasabihin ka pa ba, Rainzelle?" malamig ang tono ng boses nito. Kasing lamig sa pag banggit nito sa pangalan nya. Kainis, nasaan na ang BABE ?! na kinasanayan na nya?! May sasabihin pa ba siya? Fine, tutal nandito na rin naman. Might as well, magtanong na siya. Makapal naman ang mukha nya, bahala nang mapahiya. "Ahmm, may itatanong... ako sayo." "Ano?" nagpamulsa pa ito. Napalunok siya ng laway. Nauhaw siya bigla. "D-Do you like me, Frank?" lakas loob niyang tanong, kahit parang tatalon na ang puso niya sa kaba. Pakiwari'y nag-slow motion ang paligid nila. Damang-dama niya ang pagka-adik niya sa teleserye, pag ganito ang eksena ng female lead at male lead. "How 'bout you, do you like me?" balik na tanong ni Frank sa kanya. Na-back-to-you siya ng wala sa oras ah. Taas noo siyang tumingin kay Frank. "Yes, I like you–" Sa wakas nasabi na niya ! Damn !Nanginginig ang buong sistema niya pero at least nasabi niya ang nais niyang sabihin. Tumaas ang kilay ni Frank saka ngumisi ng nakakaloko. "You like me enough to keep me but.... not enough to choose me." Napatanga siya. Hindi siya makapagsalita, namalayan na lamang niya na umalis na si Frank. Wala na ito sa harap niya. Nag init ang sulok ng mga mata niya. Bakit parang ang sakit ng binitiwan nito salita? Tang ína naman oh ! Pero mas lalo siyang naguluhan sa nangyari !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD