YOU LIKE ME ENOUGH TO KEEP ME BUT... NOT ENOUGH TO CHOOSE ME.
PAULIT-ulit nagre-replay sa utak niya ang mga salitang binitawan ni Frank sa kanya last week. Hindi na siya uli kinausap ni Frank after nang bakuna ni Poochie.
Napabuntong hininga sya sabay tutok ang mga mata sa pinapanuod na movie. Kasalukuyang nanunuod sila sa salas habang kumakain ng hapunan. Si Mama at Papa nakaupo sa mahabang sofa, si Kuya Patrick nasa pang isahang sofa habang siya nakasalampak sa sahig at nasa kandungan nya si Poochie.
"Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong sana ako pa rin ... Ako na lang. Ako na lang ulit."
Linya ni Basha sa pelikula na One more chance.
Naiiyak siya sa eksena ni Bea Alonzo. Bakit damang dama niya ang sakit? AKO NA LANG..AKO NA LANG ULIT? Piste !!
Kahit naluluha siya nakaramdam siya ng matinding inis kay Frank. Nagtanong sya di ba? Subalit, hindi nito sinagot ang tanong niya. Binalik lang nito ang tanong niya tapos nang magsabi siya, bigla naman siyang nilayasan nito.
Napapadyak sya sa inis sabay tayo. Nope. She won't sit and wait anymore! She needs to know what his answer para sa ikakatahimik ng puso't kaluluwa nya.
Akma siyang lalabas ng tawagin siya ni Papa.
"Zelle – saan ka punta?"
"Kina Frank po," walang lingon-lingon na sagot nya saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Do or dîe na to ! Bahala na !
Ilang hakbang lang nasa tapat na sya ng bahay nila Frank. Kumatok siya at pinagbuksan naman siya ni Tita Fely.
Ngumiti si Tita Fely sa kanya.
"Oh, Rainzelle – pasok ka."
Sa sobrang at home sya kina Tita Fely, makapal ang mukhang tumuloy siya sa loob. Nag-bless naman sya kina Tita Fely at Tito Matt na nanunuod din ng pelikula. Movie marathon ba ngayon gabi?
"S-Si Frank po?" kapagkuwan na tanong niya.
Si Tito Matt naman ang sumagot at may kakaibang ngiti sa labi.
"Nasa taas, Rainzelle. Akyatin mo na lang."
"Ah, okay po."
Umakyat na sya agad. Medyo binagalan pa nya ang paghakbang, first time niyang aakyat sa kwarto ni Frank kaya slightly kabado siya.
Nasa pintuan na siya ng kwarto ni Frank. Nagbilang muna siya ng 1 to 20 bago naglakas loob na kumatok. Mahinang katok lang. Wala siyang naririnig na kahit ano, kaya kumatok siya uli. Katamtamang katok subalit wala pa rin nagbubukas.
Umikot na ang dila niya sa mga ngipin niya dahil mukhang ayaw nito magbukas ng pinto. Nilakasan niya ang katok, yun katok na kalabog talaga. Ewan na lang kung hindi pa ito magbukas ng pinto. Malapit na kasi siyang mapikon e.
Kakatok pa sana siya uli nang biglang bumukas ang pintuan. Tumambad sa kanya ang walang suot na pang-itaas na si Frank. Naka-jogging pants ito na itim at may headphone ito suot.
Ah kaya pala hindi nito agad narinig ang katok nya.
"Problema mo?" kunot ang noo tanong nito.
Ano nga uli problema nya? Tang îna naman ! Nakahubad kasi ito kaya lumutang sa solar system ang utak nya. Argh !
Pumitik ito sa harap nya. Kumurap-kurap sya sabay napaubo. Tinapik niya ang dibdib nya.
"T-Teka, pasensya naman natameme ako sa katawan mo. Bihis ka muna, baka hikain ako rito–" nauutal na sabi niya kay Frank.
Tinaasan lang siya nito ng kilay. Pinagkrus nito ang mga braso sa matipunong dibdib nito. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya.
"Ano nga? Ba't nandito ka?" masungit na tanong ni Frank sa kanya.
Kinakapos siya ng hangin pero pinilit pa rin niyang ayusin ang paghinga.
Lumunok siya ng laway. Tinaas din niya ang kilay niya, syempre hindi siya papatalo sa kasungitan nito.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko sayo."
"Which is?"
"K-Kung gusto mo ba ako o hindi."
Sumandal ito sa hamba ng pinto. Nakasiklop pa rin ang mga braso sa dibdib nito at matiim na nakatingin sa kanya.
"Does it matter if I tell you that I like you?"
Of course it does ! Adík lang?
"Oo naman ! May matter 'yon Frank Mattrex Dela ! So, gusto mo nga ako?" pataray na sikmat nya kahit abot langit ang kaba nya.
Nagkibit balikat ito.
"Yeah. Gusto kita. Ikaw, sure ka bang gusto mo ako?"
Aba't ! Siya pa talaga ang tinanong, mukha ba siyang hindi sure sa buhay?
"Oo, sure ako. I like you–" matapang niyang sagot.
"Define..Like."
Napangiwi siya. Define like?
Nag ekis yata ang kilay niya.
"Ide-define ko pa? Tsk !" pumalatak siya.
"Alam mo naman pasang awa ako lagi sa english, ipapa-define mo pa sakin meaning ng Like? Basta gusto kita, 'yon na 'yon ! Kaya pasensya kana kung naguluhan ako, wala ka kasing label na sinasabi e, kaya malay ko ba !"
Huminga siya ng malalim.
"Pasensya ka na rin kung nagulo ko kung anong meron kayo ni KC. Sorry ka, 'di ko man ginusto pero nagustuhan na kita. Hindi naman siguro masama kung mag-feeling na ako na boyfriend na kita, tama?" nakataas pa rin ang isang kilay.
Pigil ni Frank ang mapangiti.
"So, na miss mo ako?" pilyong tanong nito na may kislap sa mga mata.
Ngumuso sya. Bakit parang lumambot bigla ang puso nya? Parang natutunaw na ewan.
Bahagya siyang tumango.
"Miss kita. Lagi."
Ngumisi si Frank saka akmang yayakapin siya nang mapaatras siya.
Naningkit ang mga mata niya at dinuro ito. "Nope. Hindi mo ako maaakit, Frank– magpapayakap ako sayo pero pag disente ka nang tignan," sikmat niya.
Mahinang natawa ito.
"Yayakapin lang kita–"
Mariin siyang umiling.
"Hindi, Frank. Hindi uubra 'yang pang aakit mo sakin. Kailangan ko munang mag-debut bago ko mahawakan ang hubad mong katawan, gets?!"
Bumunghalit na ng tawa si Frank at pinaling ang ulo. Wala naman itong nagawa kun'di kumuha ng damit at nagsuot ng plain white tshirt.
"Baka pwede na kahit 1minute hug lang?"
At dahil disente na itong tignan, hindi na siya nag inarte pa. Yumakap sya beywang nito. Napapikit siya. Amoy safeguard na amoy downy blue ! Ang bango bango naman !
"I miss you, babe–" pabulong na sambit ni Frank, naramdaman nya ang pagsamyo nito sa buhok nya.
Tumingala siya.
"So, tayo na? As in seryoso?"
Tumango tango at nangingiti.
"Paano si KC ? Nun isang gabi nakita ko kayo magkayakap? tapos sabi mo nagpunta ka pa sa kanila?"
"She's just a friend. May problema lang sya nun isang gabi, hinatid ko lang sya hanggang bayan. Tapos, last week.. nagpunta ako sa kanila para isauli 'yon USB na pinahiram nya sakin," paliwanag ni Frank sa kanya.
Okay. Ang mahalaga malinaw na.
"You're my girlfriend now. Wala nang bawiian." Mahigpit siyang niyakap ni Frank. "Kung alam mo lang kung gaano kita namimiss."
Abot tenga siyang napangiti dahil sa kilig na nararamdaman. Sana lagi na lang ganito, masaya, nakakakilig, masarap sa pakiramdam.