MAHAPDI NA MORNING? KAHIT na nasusuya sya sa panay subo ni KC kay Frank ng pagkain, pinilit pa rin nyang maging casual sa harap ng dalawa. Nakakahiya naman sa pagkain kung maghuhurumentado sya. Kaya nabigla sya ng lagyan ni Frank ang plato nya ng omelet at fried rice pa. Sumulyap sya rito, sabay taas ng kilay nya. "Kumain ka, Rainzelle. Ang payat mo na," wika nito at naglagay din sa plato ni KC. "So, true, Rainzelle. Mas cute ka before chubby cheeks ka, now... you're so thin na, ang matured mo na tignan," nakangiting sabi ni KC na may pagkaconyo magsalita. Pagak sya natawa. "Nagda-diet kasi talaga ako, 'yon small na panty ko dati ngayon ...large na." Tumango naman si KC. "Yeah. Pansin ko medyo lumaki ang hips and bútt mo–" Ngumuso sya sabay tango rin. "Kaya nga 'di ba? Nahirapan na

