HINDI SYA NATATAKOT .... NAPAIGTAD siya sa gulat nang bumukas ang pinto ng kwarto nya. Nasa isang sulok, nakasiksik sya sa gilid ng kama nang may lumapit sa kanya at walang pag aatubiling niyakap sya. "Ssh... it's okay. I'm here now–" Ang maaligasgas nito boses ang nagpabalik ng kondisyon ng utak nya. Napatitig sya sa mukha nito. Si Frank nga. Nandito sya. Naramdaman nya pinunasan nito ang basang pisngi nya saka dinampian sya ng halik sa noo. Kasunod naman nya narinig ang boses ni Apreng at ni Kuya Patrick. "B-Bunso ! –" "Pa-bebe ko–" Kahit papaano kumalma sya dahil alam nyang 'di na sya nag iisa ngayon. Nang akma sya itatayo ni Frank bigla naman dumilim ang paningin nya. Nang magmulat sya, napabalikwas sya kaagad ng bangon. Napalinga sya sa paligid, wala sya sa kwarto nya sa condo

