Chapter XII – Sa Isang Maliit na Silid

1476 Words
[TPP] October 23, 2021 4:22 pm Pagkababa nila ng fx ay agad na hinanap ng kanilang mga mata ang entrance ng mall. "Oh, pwede na ba kitang kausapin?" Nang-aasar na tanong ni Seb habang sila ay naglalakad. Bahagyang kumunot ang noo ni Asha ngunit ang mga labi ay halatang nagpipigil ng pagngiti. "Depende kung anong gusto mong sabihin." "Oh, mabuti naman sumagot ka na. Iisipin ko na sanang ibang tao ka." Panunukso pa ni Seb. "Ibang tao naman talaga ako ngayon." "Dahil ba gutom ka na?" "Nope. Ba't ikaw ba, gutom ka na?" "Hindi pa rin naman.. May gusto ka bang puntahan? Gusto mo manood ng sine?" Nanliliit ang mga mata ni Asha habang nakatingin kay Seb, halatang may gustong malaman mula sa binata. "Sa cinema mo ba laging dinadala ang mga nakaka-date mo?" "Nakakabigla naman yata 'yang tanong mo, miss." Natatawang iling ni Seb. Patay malisyang sumagot si Asha. "Honest question, curious lang naman ako." "Ganyan ba talaga umandar 'yang curiosity mo?" "Answer me kaya muna no, bago ka magtanong." Napabungisngis si Seb. "Okay. Eto na nga po, sasagot na.. iilan na rin." "Oh? Edi pass ako sa cinema." "Okay.. karaoke, gusto mo?" "May naka-date ka na ba do'n?" "Kailangan mo pa ba malaman ang mga ganyang detalye?" Binilisan ni Asha ang paglalakad, nang bahagya na siyang nauuna ay tsaka siya humarap kay Seb, mapaglaro siyang ngumiti at sumagot. "Gusto ko lang maging special and unique ‘tong date natin, I’m just doing you a favor." Sabay lalong pagbilis nang paglalakad. Si Seb naman ay saglit na napatigil at napangiti sa kanyang kinatatayuan. Ngunit agad niya ring hinabol si Asha nang mapansin niyang may kalayuan na ito. . . . . Nang makarating na sila sa karaoke hub ay agad din silang nagtanong kung may bakante ba para sa dalawa. "Dalawa lang po kayo no? Makapaghihintay po ba kayo ng 10 mins?" Tumango naman ang dalawa at tsaka umupo muna para maghintay. Pagkaupo nga ay bigla silang kinabahan ulit. Bigla kasing pumasok sa kanilang mga isipan na silang dalawa ay makukulong sa isang maliit na kwarto. Ang malikot na isip nga ni Sebastian ay nabahiran na ng malisya. Kung ibang babae nga ang kanyang kasama ngayon ay tila alam niya na ang mga susunod na mangyayari. Natural na kasi sa kanya iyon. Sisimulan niya sa pagsandal ng katawan, tapos mahinhin na aakbay, hahawakan ang kamay, tititigan, bago niya halikan. Hindi pa naman niya naranasang masampal, kung hindi mahihiyang tatanggi ang babae ay may mga pagkakataon na mismo ang babae pa ang nagbibigay ng motibo o pagpapahiwatig na gusto nito ituloy sa mas pribadong lugar ang kanyang sinimulan. Sa kanyang isip ay hindi naman ito pagmamayabang. Ito lang talaga ang katotohanan. Isang malisyosong katotohanan na malikot na naglalaro ngayon sa kanyang isipan. Napaisip siya, ganoon rin ba ang kahihinatnan nila mamaya? Tss, malabo. Nangingibabaw sa kanyang isip ang posibilidad na hindi dahil— ...Una, si Asha ay wala pang karanasan sa mga ganitong bagay. Baka lubha itong mabigla sa kung ano mang gawin niya. Hindi niya talaga matantsa ang magiging reaksyon nito kahit na tangkain niya pa lang na hawakan ito sa kamay. Pangalawa ay dahil iba si Asha. Iba sa paraan na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapagtanto. Ang natural at tila walang kapintasan niya kasing mga galaw pagdating sa pambababae ay kwestiyonable sa kanya ngayon. Ayaw niyang sundan ang kanyang instinct dahil tila magdudulot lang ito ng kapahamakan. Siya tuloy ay tila isang gutom na leon sa hindi pamilyar at madilim na gubat. At sa kanyang harapan ay isang sobrang nakatatakam na hapunan. Kanya ba agad itong susunggaban, o maigi munang makikiramdam sa kung ano mang bagay sa paligid na maaaring magbigay ng kapahamakan? At dahil ang natural na kemikal sa kanyang katawan ay nagbibigay ng matinding kaba. Kaya ang kanyang pipiliin kung sakali ay ang huli. Si Asha naman ay ganoon din. Matindi rin ang kaba sa kanyang dibdib. Ngunit hindi naman ito dahil nag-iisip siya na may masamang balak si Seb, sa kanya. Ni-hindi nga sumagi sa kanyang isipan ang kung ano mang malisyosong nasa isip ngayon ng binata. Simple lang ang dahilan ng matinding kaba niyang nadarama. Silang dalawa ay, makukulong... ...sa isang maliit na silid. Ganoon lang kasimple ang dahilan kung bakit malubha ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ganito ka inosente si Asha. Kaya kahit na ano mang sabihin at pagpapanggap niya ay talagang malayo ang karanasan niya sa binata. Ilang minuto rin silang nakangiti at sumusulyap lang sa isa't isa. Ngunit, ang matinding kaba ni Asha ay itinulak ang kanyang bibig para magsalita. "Kamusta pala mga songs mo?" "Gusto mo ba marinig, dapat pala nagdala ako ng gitara." "Okay lang naman kahit acapella." "O sige, mamaya iparinig ko sa'yo." "Really? Okay!" Bigla naman silang tinawag ng babae sa counter. "Sir, Maam, may vacant na po." Agad namang tumayo ang dalawa, at muling nag-unahan sa pagbunot ng kani-kanilang mga pitaka. "Ako naman." Nakangiting alok ni Sebastian. "Okay, sige. Treat na lang kita ng dinner mamaya." Sa kanilang paglalakad papunta sa booth ay muli na namang kumabog ang kanilang mga dibdib. Pagpasok nga ay ilang minuto rin silang nagtitigan muna. Parehas na inaalok ang isa't-isa na mauna sa pagpili ng kanta. At dahil mas malapit si Seb sa lamesa ay kinuha niya na ang songbook at agad na inabot 'to kay Asha. Tinanggihan naman 'to ni Asha at nang-aasar na nagsalita. "Ikaw muna, gusto kita makita magheadbang sa favorite song mo.” Napangiti na lang si Seb at sinimulan nang maghanap ng kanyang kakantahin. "Ah, eto, 9..2..6..292" (Playing: Heaven Knows by Orange and Lemons) Ang pagbagsak ng intro ay agad na naghatid ng ngiti sa kanilang mga labi. Ngunit tila mas kinakabahan pa si Seb kumanta ngayon kaysa sa harap ng maraming tao. Bahagya kasing nanginig ang kanyang tinig sa pagsambit pa lamang ng unang linya. Habang si Asha naman ay lubusan nang kinilig. At kahit malamig ang silid ay bahagyang umiinit ang kanyang pakiramdam dahil sa napaka-preskong boses ni Sebastian. Ito ay tila kumikiliti na bumubulong sa kanyang mga tenga, at dahan-dahang humahaplos sa kanyang mga kamay. Ni-hindi na nga nya napigilan na titigan ang bahagyang gumagalaw na adams apple nito habang sinasambit ang bawat liriko ng kanta. At ang mga mata nito na lumiliwanag dahil sa repleksyon ng screen. Ang bawat paghinga naman ni Seb na sumasabay sa pagsulyap niya kay Asha ay mas lumalalim sa paglipas ng mga segundo. Hinahabol niya ang kanyang hininga hindi dahil sa mataas o mabilis ang kanta ngunit dahil sa walang tigil na pagkabog ng kanyang dibdib. Kahit anong pilit niya ngang pakalmahin ito ay 'di niya magawa. Kita niya kasi mula sa gilid ng kanyang mga mata ang lubos na pagtitig sa kanya ni Asha. —mga pagtitig na kailanman ay hindi niya tuluyang mahuli dahil sa mabilis na pagbaling nito ng tingin kapag siya naman ang susulyap. Sa pagtatapos ng kanta ay ang matinding pagkabitin ni Asha. Gusto niya pa marinig si Sebastian, ngunit ngayon ay kailangan niya na muna pumili ng kanta. Halata na siya'y nataranta nang iabot na sa kanya ni Seb ang song book at nagsabing. "Oh, hindi ako nagheadbang, ikaw kaya?" Ang lalim tuloy ng kanyang ngiti habang binubuklat ang bawat pahina para maghanap ng kanyang kakantahin. Bawat pagpihit niya ay may kasabay na katanungan sa kanyang isip. Kakanta ba ako ng mataas? Love song ba? Teka, wala 'yong.. I think eto na lang.. I’m sure lalo akong magiging crush nito.. (Playing: Close to you by The Carpenters) Kung si Asha ay hindi mahuli ni Seb na tumititig sa kanya. Si Seb naman ay walang pakundangan, ...dahil si Asha ay tila napakagandang buwan na hindi niya mapigilang hindi tingnan. Habang ang liwanag na nagmumula sa screen ay sumasalamin sa kanyang mukha. Ang mga labi naman niya ay napakahinhin gumalaw kaya kahit hindi niya pa ito nadadampian ng halik ay natitiyak niya nang napakalambot ng mga ito. Ang dimpol ni Asha na bahagyang lilitaw sa tuwing siya ay saglit na susulyap para ngumiti ang pinakabumighani sa binata. Mga pang-aasar na pagtitig niya kay Seb na nagbigay ng ibang kahulugan. Ang binata ay naaakit. Lubhang naaakit. Ang mga pagtitig tuloy niya kay Asha ay nabahiran na ng pang-gigigil Siya ay lubos na nasasabik; ngunit kapares nito ay ang pagkadismaya. "Kung pu-pwede lang sana.. Kung pu-pwede lang sana.." Nakangiting panghihinayang niya sa isip. 'Di naman siya naiinip, talagang malubha lang ang kanyang pagkasabik. Pero alam niyang darating din sila sa ganoong pagkakataon. Kaya mas pinili niya na lang na masayang titigan ang nakatutuksong dalaga. Mga pagtitig na nagbigay na makahulugan at katangi-tanging ligaya sa kanya. Sa pagtatapos ng kanta ay nakangiting nagsalita si Asha. "Oh, ikaw na ulit!" "Himala.. Hindi ka na pa-headbang ngayon." Bumubungisngis na sagot ni Sebastian. Mapanukso naman siyang nginitian ni Asha. "Chill ka lang, we’re just starting.” . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD