Itinabi niya ang kanyang gitara sa kanyang gilid bago inabot ang aking kamay na nakapatong sa aking kandungan, inilapit niya sa kanyang labi at matagal na hinalikan ang likod ng palad ko..
He's staring at me and my heart started beating so fast.. I gulped, trying to put some moist on my dry throat..
"Did you like it?" He asked.
"Of course! I love it!! I answered.. My universe.." sambit ko sa kantang inawit niya..
"Great! I love that song.. just like you my universe.." aniya habang nakangiti at diretsang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay makakaprito ako sa sobrang init ng pisngi ko kaya naman binaling ko sa harapan ang aking paningin at bumunot ng mga damong maaring mabunot..
Today is our third month as a couple, nandito kami ngayon sa likod na bukirin. Dito ko napili i-celebrate.
Sa tagal ko na rito ay natutunan kong mahalin ang lugar na ito. I love the combination of heat made by the sun and the cold wind that always collide in my skin.. it brings me warmth.
Just like the person beside me.. My warmth that I'm longing inside my heart. My "pusong bato" turns into liquid na..
Habang dinadama ang hanging humahaplos sa aking balat ay nagsalita siya.
"What's your dream Yen?"
Napabaling ako sa kanya at ngumiti. He always asked that, and I only answered the same. Alam kong alam niya naman na ang sagot pero parati niya itong tinatanong. Hindi naman magbabago ang pangarap ko.
"Gusto kong malunod... Sa maraming maraming pera." Sagot ko habang tumatawa, pero siya ay nanatili lamang nakatingin sa akin. Ilang sandali lang ay bumaling siya sa harapan, inaayos ang mga takip ng pagkain na nagulo ng hangin.
"My dream is simple." Kalaunan sagot niya
"What is it?" kuryoso kong tanong habang nakatitig sa kanya. Ang ganda ng sideview niya, kitang kita ang matangos na ilong niya.
"I just want to ride a jeep with you-"
Natawa ako sa sinabi niya! Napaka simple nga!
"Hayy nako Ruther! Malapit na pasukan, parati na tayong sasakay ng jeep ano ka ba?" sagot ko habang natatawa pa din.
"I just want to ride a jeep with you and pay for our seats and tell the driver we are seniors to have our discount Yen."
Natahimik ako bigla.. We are completely opposite. He just want a simple life with me, while my dream is to have a fabulous and extravagant life with him. And I truly believe that to have a fine relationship, the other half will have to sacrificed for the relationship to keep going and growing.
And he's willing to sacrificed for our love and relationship. To last..
Inayos ko ang kaunting lukot sa aking school uniform, blue polo at pencil cut skirt with matching stocking pa at necktie. Ang lakas makamarangal na estudyante.
Naglagay na ng perfume na regalo ni tita Liza, Cathy doll nawhitening cream, sunscreen at liptint na pula lang ay tapos na ako. Halos pareho lang kami ng schedule ni Ruther, sa pasukan ay advance ako ng isang oras sa kanya at sa uwian naman ay siya naman maunang matatapos ang klase.
"Wow kinesa, parang foreigner!" ani Mama. Malaki ang ngiti sa sinambit ni Mama na agad din nawala ng magsalita ulit si Mama.
"Sana pinantay mo 'yang puti ng mukha sa leeg ano." aniya bago kumuha nang polbo sa tukador at pahiran ang leeg ko.
"Mama naman kasi, pano ako puputi sa safeguard mo?" anas ko.
"Gaga ayaw mo nun? Safe ka na may guard kapa!"
"Ewan ko sa'yo ma. Aalis nako." paaalam ko.
"Ingat sila sa'yo anak!" pahabol na sigaw ni Mama.
Madalas talaga parang ka-age ko lang si Mama sa mga ginagamit niyang words. Minsan nga at naiisip ko kung ganito ba talaga si Mama o umaasta lang siya na parang kapatid ko upang hindi ako maisip na nag-iisa lang ako. Never ko naman pinangarap at pinaramdam na gusto ko ng kapatid no! Ayoko nga ng may kahati at mas gugustuhin ko pang magkaroon siya ng lovelife kesa sa kapatid.
Kapatid? Smack down ko pa 'yan!
Paglabas ay naroon na si Ruther nakatayo na poste na masarap mag pole dancing, habang kay Ruther masarap sayawan. Hihi
Natatawa akong tumakbo papalapit sa kanya "Ang gwapo ng boyfriend ko" bati ko.
Ngumuso siya at halatang nagpipigil ng ngiti.
"Tara na nga" aniya.
Pumara na kami ng tricycle upang makarating sa sakayan na jeep papunta sa unibersidad. Sa loob ng jeep ay naagaw ang pansin ng ibang sumasakay na pasahero kaya naman ipinatong ko ang kamay sa mahabang niyang hiya. Nilingon niya lamang ako at umusog pa sa aking pwesto.
Bagay na bagay sa kanya ang uniporme niya, mas lalong na-highlight ang mahaba niyang binti at polo niyang green na kulay ng mga estudyanteng ECE ang course..
"College of Business Studies" mahina kong basa sa nakasulat sa taas ng building sa aming harapan.
I gulped as I felt the excitement inside my body. Huminga ako ng malalim at nilingon ang lalaking kasama ko sa pag-abot ng aking pangarap, magka-hawak ang mga kamay magka-sabay sa lakad ng buhay.
"Are you nervous Adrienne?" malambing niyang tanong.
Umiling lamang ako kasabay non ay ang pagngiti niya, hinaplos niya ang aking ulo ng paulit ulit.
"That's my girl, my very brave queen.."
Naramdaman ko ang mga paru-paro sa aking tiyan at pag-iinit ng pisngi lalo na at naaagaw ang pansin ng mga estudyante na dumaraan, hindi na ako makatiis pa at mabilis na hinawi ang kanyang kamay sa aking ulo.
"Parang tanga 'to" asik ko bago tinampal ang kamay niya sa akin..
"Bakit?" nagtataka niyang tanong, mukhang nabigla sa ginawa ko.
"Tigilan mo nga ako at pakiramdam ko aso mo akong pinepet!" sagot ko habang tinitingnan ang mga taong pinapanood kami.
Isang malakas na halakhak ang kanyang pinakawalan dahilan ng pagtingin lalo sa amin ng mga dumadaan na estudyante.
"Adrienne manood ka nga ng K-drama" aniya habang patuloy na tumatawa.
Peste to! kalalaking tao ang hilig sa mga drama drama kung ano-ano tuloy ang napupulot..
"Papasok na nga ako!" sambit ko bago nag martsa papunta sa aming assigned classroom, nakasunod lamang siya sa akin habang papunta.
"O sige na, alis ka na" sambit ko nang nasa harapan na kami ng classroom ko, wala pang masyadong tao sa room dahil medyo maaga kami.
Magkahiwalay kami ngayon dahil sa College of Engineering and Architecture building ang kanila, hindi naman kalayuan at clinic lang ang pagitan ng aming building.
"Oh wag ka iiyak ha?" pambibwisit ko sa kanya dahil naalala ko noong bago pa ako rito sa Pampanga grade four na ako at hindi ako sanay at hilong-hilo pa ako sa kanilang pagsasalita kaya naman pinatigil ako ni Mama upang makapag- adjust pa.
Ang ending dalawa kami ni Ruther ang tumigil dahil ayaw niya akong mahiwalay sa kanya, nagwawala sa klase e..
"Tsk! Sige na, hmm kiss ko pala?" aniya habang nakatingin sa aking labi.
"Bobo ka ba? Nasa school tayo duh!"
"Wala naman makakakita sa atin Yen" sagot niya habang tumitingin sa paligid.
"Sige na umalis kana mamaya na ang kiss mo saken." Sagot ko nalang upang umalis na.
Lumapad ang ngiting kanina pa niya pinipigilan. Tinampal pa ang pader bago umalis. Kinikilig!
"Adik" bulong ko habang pinapanood siyang palayo..
Papasok na sana ako nang mapako ang tingin ko sa babaeng malaki ang ngiti sa lalaking kasalubong.
Si Carizza na naman..
Bakit kaya kahit alam ng may girlfriend ang tao lapit pa rin ng lapit? Nagkakaubusan na ba?
Tuluyan na akong lumabas upang makita ang reaksyon ni Ruther, matagumpay akong ngumiti nang makitang halatang wala siyang paki sa sinasabi ng kausap.
"Sorry ka Carizza patay na patay sa akin ang boyfriend ko" bulong ko bago tuluyan ng pumasok sa classroom.
"Sigurado wala ngayon ang prof naten at kalahating oras na siyang late kaya pwede na tayong lumabas." ani Aleah kaklase ko, at nagyayaya sa canteen.
Tahimik lamang ang ibang kaklase at ito ay parang nakalunok ng microphone at may energy ng mga kitikiti sa likot.
Second subject na namin pero wala pa din, tama nga ang usapan na walang pumapasok na prof sa unang araw at kung meron man ay bihira lamang.
"Sandali lang" paaalam ko sa kanya.
Naalala ko si Pepay, hahanapin ko dahil sa pagkaka-alam ko business ang kinuha niyang course. Si Potpot ay wala akong balita.. Habang tumatagal ay nabawasan ang aming mga pagsasama kasama siya.
Nagbago siya.
Ilang room palang ang nadaraanan ay nakita ko na ang pakay ko.
Sumilip ako at tinawag ang babaeng nag-iisa sa upuan, natatawa ako sa itsura. Pota mukhang mahinhin..
"Pepay!" mahina kong tawag.
Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase niyang nasa harapan nginitian ko lang sila at nagpatuloy.
"Pepay!" Tawag ko ulit na mas malakas at doon ay humarap na siya, nginitian niya ako.
Pota talaga napaka plastic.
Paglapit niya sa akin ay hinila niya ako sa labas sabay kurot sa aking tagiliran. "Aray!" sigaw ko.
"Pota ka Adrienne! Hazel! Hazel ang itawag mo sa akin" nanggigigil niyang sambit.
Napalakas na ang halakhak ko.
"Ayy sorry Hazel at hindi ako na-orient. Canteen tayo? Sama ko classmate ko."
"Sige tara at buryong-buryo ako na ako sa pagpapanggap ko dun."
"Bobo mo naman kasi, wala ka naman maloloko dun!"
"Chararat ka ang daming gwapo sa mga kaklase ko. Wala ka bang mata?"
"Tanga! Si Ruther lang gwapo sa mata ko no."
"Iww! Jowang taga barrio! Magbe-break din kayo!"
Tinawanan ko lamang ang kasama at sinundo na si Aleah. Mabilis na nag-click ang dalawa dahil sa pasmado nilang bibig.
"Ang dami palang mga nagtitinda dito" sambit ko, namamangha pa sa mga nakikita.
"Doon tayo kay My friend, masarap daw tusok tusok diyan." ani Aleah.
"Talagang masarap ang tusok tusok!" segunda ni Pepay.
Nakakahiya ang ingrata! Ang lakas ng boses!
Course orientation lang ang nangyari sa sumunod na klase at maaga din lumabas ang prof.
Lunch break na namin nang marinig ang bulungan ng mga kaklase sa harapan, halatang mga kinikilig at malakas ang pakiramdam na kilala ko kung sino lalo na ng narinig na ECE student.
"Hoy may gwapo daw!" Balita ni Aleah sa akin habang sumisilip sa bintana.
"Jowa ko 'yan!" Mayabang kong sagot habang inaayos ang mga gamit ko.
Tinaasan niya ako ng kilay bago nagsalita.
"Ang gwapo paanong jowa mo?"
Ako naman ang umarko ang kilay. Nainsulto ng slight.
"Why don't you just ask him kung sino ang hinahanap?" hamon ko sa kanya.
"Sure!" sagot niya at mukhang hindi magpapatalo, lumapit kaming sabay sa pinto. Lumabas si Aleah samantalang ako ay sinandal ang tainga sa pader upang makinig.
Pinapanood na ako ng ibang natitirang kaklase na parang ang tanga ko, true naman..
"Hello! Sino pong hanap niyo?" makapal na mukhang tanong ni Aleah.
Naghintay pa ako ng isang minuto bago narinig ang kanyang sagot.
"Ahh hinahanap ko ang babaeng kaklase niyo na maganda pero kinulang sa kojic acid soap." sagot niya.
Gago talaga!
Humalakhak si Aleah. Landi! Sinabi ng jowa ko e..
"Sino nga Kuya?" aniya gamit ang boses na iniipit.
"Si Adrienne." seryoso niyang sagot..
Dahilan ng paglabas ko habang malaki ang ngising nakatingin kay Aleah.
"I told you Aleah, I told you." mayabang kong sambit.
"Pork cutlet nalang" sagot ko upang maka-order na si Ruther, kasama namin sa table si Aleah, Pepay at Resty.
Medyo agaw pansin ang aming grupo dahil kay Ruther at Resty na parehong matatangkad at gwapo. Isama pa si Aleah na hindi ko matanggap na may ibubuga naman sa ganda. Bigla din naging prim and proper ang kilos ng magaling kong kaklase.
Ang rupok talaga sa mga gwapo!
Habang naghihintay sa mga kumukuha ng order ay naagaw ang atensyon ko sa harapan ng pila.
Grupo ng mga babae at may tinutulak sila sa harapan si Carizza, kay Ruther..
Pinanood ko si Carizza na pulang pula na ang mukha at ang mga kasamang tawa ng tawa, nilingon ko si Ruther na sa akin nakatingin. Nag-aabang sa reaksyon ko tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na muling bumaling sa kanilang direksyon..
"Hoy nilalandi jowa mo!" si Pepay na ngayon lang siguro napansin.
"Wala akong pake!" iritado kong sagot.
"Kung ako susupalpalin ko iyan!" si Aleah na pinapanood ang nasa harapan.
"Kay Ruther pa rin kung magpapalandi siya." sagot ko sa dalawa upang manahimik na.
Pagkarating ni Ruther dala ang mga pagkain ay kinwestyon na siya ng dalawang babae.
"Ganda ni Carizza ah Ruther" ani Pepay.
"Oo nga ang tangkad at tisay pa.. Hindi tulad ng iba d'yan." sagot naman ni Aleah habang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko lang ng kilay ang dalawa bago hinarap si Ruther na sa akin nakatingin.
"Si Adrienne lang ang gusto ko. Sa'yo lang ako titingin Yen." seryoso niyang sagot habang nakatitig sa akin. Tila may sumabog na dinamita sa aking mukha sa sobrang pag-iinit.
Dahilan din ng hiyawan ng dalawang babae. Napaka ingay at parang kinurot sa pisngi ang kanilang oyster!
Panatag ang kalooban ko na hindi ako lolokohin, I know him. He will never hurt me.. He will never cheat like my father.
Nakasakay na kami sa jeep at pauwi na, nakahiga ang ulo ko sa balikat ni Ruther habang ang kanyang braso ay nakayakap sa aking bewang..
Pinapanood ko ang babaeng kanina pa tumitirik ang mata habang pinapanood kami.
"Bakit kaya hindi na lang kayo ni Resty? At hindi yang malapit ka ng maduling kakairap?"
"Yuck!" sigaw ni Pepay.
"Hoy Pepay makasigaw ka ng yuck diyan! Baka pag pinatulan kita ibang sigaw na ang isigaw mo!" ani Resty.
Sinabunutan ni Pepay si Resty habang sumisigaw.
"Nyeta ka kadiri!"
Dahilan ng aming tawanan sa jeep.. Natawa nalang din ang mga kasama pasahero sa dalawa.
In fairness bagay sila..
Nakasakay na kami sa isang tricycle at ang dalawa ay nasa labas. Pinapanood ko lang ang mga nadadaanan sa labas nang maramdaman ko ang kamay ni Ruther sa aking hita, tiningnan ko ito at hinayaan nalang.
Binalik ko ang mata sa labas at muli na namang natigil dahil hindi na basta nakapatong lang ang kanyang kamay. Humahaplos na ito at mapupungay na ang mata habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako ng wala sa oras..
"Sabi mo kanina..."
Naipikit ko ang mata sa narinig..
"O-okay sa bahay niyo muna tayo." kinakabahan kong sagot.
Tahimik ang kanilang kabahayan at walang senyales na taong nasa loob ng bahay.
"Nasaan ang mga tao dito?" tanong ko dahil walang kahit anong ingay..
He just shrugged his shoulder.
Pumasok kami sa kanyang kwarto at hindi ko maiwasang maglibot sa kanyang kwarto, matagal na akong hindi ako nakapasok sa kanyang kwarto simula nang mag binata at dalaga kami..
Maraming pagbabago sa kanyang kwarto. Black, gray at puti ang theme ng kanyang kwarto.
Umupo ako sa gilid ng kanyang kama. Ang lambot! Hindi tulad sa akin na wala ng lambot ang kama dahil sa katagalan.
Hindi na ako nakatiis at humiga na at ipinikit ang mata.
Naramdaman kong lumubog ang sa tabi ko pero hindi ko pa rin iminulat ang mata.
I felt his lips on mine. Kinabahan ako at tulad kanina ay ipinagpatuloy kong sarado ang mata.
Sumunod ay naramdaman ko ang magkakasunod na patak na halik sa aking labi, nakangiti na ako.
His kisses are so addicting!
"Yen.." tawag niya..
"Oh?" sagot ko habang nakapikit pa rin..
"Look at me.." sa malambing niyang sambit pero ang ginamit na salita ay parang nag uutos ito na kailangan sundin.
Iminulat ko ang aking mata at una kong napansin ang kanyang mga matang nakatingin sa akin, there's something in his eyes and I know it's not a lust.. It is so deep that I cannot identify what is it or it's a mixture of many emotions that I cannot enumerate one by one.
Nanatili kaming nasa ganoon na posisyon, nasa taas na siya ng aking katawan at nakatukod ang kanyang dalawang braso sa gilid ng aking bewang.
Hinaplos ko ang kanyang mukha pababa sa panga, leeg at dibdib.
Damang dama ko ang bilis ng t***k ng kanyang puso.
"Are you nervous Ar?" tanong ko dahil pakiramdam ko ay oo ang sagot sa tanong ko..
"Always.. when I'm with you.. that's the effect of your name and presence to me... my heart and my system.."
Natahimik ako.. alam ko na ito pero iba pa rin tuwing naririnig ko sa kanya..
This time I was the one who initiate the kiss.. a passionate kiss upang maiparamdam ko ang salitang hindi ko kayang bigkasin sa kanya, I know he will feel it..
Dinala ko ang kanyang kamay sa itaas nang aking dibdib, natigilan siya. I smiled at his reaction.. Katulad ng kanya our heartbeat are dancing with the same rhythm...
Namimili na ako ng maari naming panoorin at napukaw ang atensyon ko sa pangalan nang isang sikat na best selling novel na si Nicholas Sparks, "the best of me" ang pamagat nito at pinindot na ang play button.
Lumabas sandali ang kasama upang kumuha ng aming makakain, nag-uumpisa na ang palabas nang pumasok siya na may dalang nachos at juice..
Tahimik kaming nanonood habang kumakain nang paunti-unti nang magkaroon ng kissing scene ang pinapanood. Otomatikong bumaling ang aking mukha sa kasama at parang nabasa niya ang iniisip kaya mabilis akong hinalikan.
Nang tumigil ang aming pinapanood ay ganoon din ang ginawa..
Napukaw na nang tuluyan ang aking atensyon sa pinapanood at hindi na nagagalaw ang pagkain kaya naman si Ruther na mismo ang nagsusubo sa akin.
Lumunok ako kahit na wala ng pagkain sa akin, kinakabahan ako at pinipigilan ko ang lumingon sa kasama..
"May bed scene" sigaw ng utak ko, at muli ay napalunok ako ng wala sa oras at hindi na napigilan pa at lumingon na sa kasama.
Nakita ko ang pag-aabang niya sa aking paglingon, hinawakan niya na ang aking mukha at hinalikan muli.
Kinakabahan na ako sa naiisip, gagayahin ba namin?
Hindi ko alam kung bakit para akong nalungkot nang tumigil siya at pinatakan ng halik ang aking noo.
Tiningnan ko siya at binalik niya na ang kanyang atensyon sa panonood na parang walang epekto sa kanya.