And he started singing.. ang lahat ay sumasabay sa saliw na kanyang inaawit. Dalang dala sa kanyang pagkanta.
Hanggang sa matapos ay hindi siya tumingin sa iba. Sa akin lang..
Sa akin inaalay ng buong-buo at pagpikit lamang ang naging hadlang sa aming titigan.
Buong pag-awit niya sa kanta ay parang mga bulateng binudburan ng asin ang mga taong nanonood. Hindi maipagkailang magaling talaga kumanta si Ruther na minsan lang humawak ng mikropono. Kaya din siguro sila ganyan maka-react..
Ala una na, nang mapagpasyahan namin na umuwi na. Sigurado tulog na si Mama.
Tiningnan ko ang kasama na inip na inip, naghihintay sagutin ang kanyang tawag.
"Tulog na siguro si Papa" kalaunan sambit niya.
"Lakad na lang tayo?" sagot ko patanong.
"Okay lang sa'yo?" Nag-aalinlangan niyang tanong pabalik.
"Oo naman! Para na din sulit na sulit talaga ang 3k no.."
Sagot ko habang natatawa sa kanyang reaction.
Ngumiti siya at umiling. At hindi ko muling naiwasang pagmasdan ang kanyang mukha.
Parang ngayon lang talaga nagsisink in sa akin na ang gwapo pala talaga ng boyfriend ko..
Shuta! Ilang taon akong nagkaroon ng sakit na hindi ko man lamang nalalaman na meron pala ako.
Pogi blindness..
Tahimik na ang buong kalsada at iilang ilaw na lang ang nakabukas sa mga kabahayan.
Tumingin ako kaliwa't kanan nang daanan at wala talagang sasakyan na dumadaan at tahimik na tahimik, walang senyales na may paparating na sasakyan.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Ruther na buhat ang gown ko sa likuran..
"Ano? Masakit na paa mo?"
Tanong niya habang nakangiwi dahil nakaheels pa ako at medyo bako ang daanan at may mga batong maliliit na nagkalat.
"Hindi" sagot ko habang nakangiti..
"Evil plan" malakas niyang sambit habang naiiling.
Natawa ako sa sinabi niya. Basang basa niya talaga mga kalokohan ko
"Hoy grabe ka sa akin Renz Ruther!"
"E ano pala? Mga ngiti mong ganyan may masamang plano e.." aniya pa.
"Let's dance.. Ruther." mahina kong bulong na siguradong narinig niya.
Hindi ko maiwasan ang aking malapad na ngiti habang pinagmamasdan ang kaharap.
Kumunot naman ang kanyang noo.
"Ano? lakasan mo hindi ko marinig?"
Inirapan ko siya bago sinabi ulit ang gusto, pakunwari pang hindi narinig!
"Sayaw tayo.."
"Muret! Tigilan mo ako, hindi ko gagawin." He said before he continued walking, leaving me behind.
"Bakit?" tanong ko.
"Edi sana bumalik nalang tayo sa school kung gusto mo palang sumayaw.'' Sagot niya, mas lumalim ang gitla ng kanyang noo.
Kuha ko naman ang punto niya pero dito ko gusto e, at sisiguraduhin kong masusunod..
"Ayaw mo talaga?" kunwaring paninigurado ko, binura ko ang malapad na ngiti sa aking mukha.
"Ayoko Yen, mamaya may dumaan pang sasakyan e."
Tumingin pa siya sa kalsada.. parang naghahanap ng dadaan na sasakyan.
"Okay.." malungkot kong sagot bago naglakad ng nakayuko habang hawak hawak ang gown.
I know he can't resist me..
Narinig ko ang kanyang malakas buntong hininga bago nagsalita.
"Tara na, isa lang Yen.."
Sumilip ang ngiti ko pagkarinig at mabilis din winala. Nilingon ko siya "huwag na" sagot ko bago talikuran ulit.
I can't believe it! Ang bilis niyang bumigay! Gusto ko ng pakawalan ang nagwawalang halakhak ko na pilit pinipigilan.
"Sige na Yen tara na.." aniya sa malambing na tinig, tiningnan ko siya na wala na ang kunot sa kanyang noo habang ang kanyang mga kamay ay niluluwagan ang kanyang necktie.
Tumigil ako sa paglalakad at malaking ngiti ang pinakawalan, hindi ko na napigilan pa nang lingunin ang lalaking nasa aking harapan..
Parang siya pa ngayon ang nakikiusap sa akin, ako ang hinihintay pumayag at siya ang nakikiusap.
Of course Ruther if that's what you want.
"Sure ka?"
"Yeah.. please dance with me My Queen!" He said while slightly bowing down, while his hands are trying to reach me.. Like I'm a real queen, trying his best to pleased me..
Mabilis kong ipinatong ang mga kamay sa kanyang kamay na naghihintay, hindi ko napigilan ang paghagikgik habang palapit sa gitna ng kalsada.
Tumigil kami sa pinakagitna ng kalsada. Pinagmasdan niya ako na parang tinitingnan kung talagang gusto ko ito. Kaya naman mas lalo kong inilapad ang aking ngiti. Habang siya ay hindi ko mabasa ang nasa isip, one thing is for sure..
Hindi na masama ang kanyang loob.
Kalaunan ay inilabas niya ang kanyang cellphone at pinlay ang paborito naming kanta..
"Kiss me under the light of thousands stars" he sang with the song.
And we did.. until our lips are swollen.
I am the happiest..
Habang pinagmamasdan ang kanyang matang sa akin lang tumitingin.
Sa paraan ng kanyang pagtingin ay parang ako lang ang nag iisang babaeng nakikita niya, na walang ibang hihigit sa akin.. Na ako lang hanggang sa huli. Mata lang ang tinitingnan pero pakiramdam ko ay tumatagos hanggang sa aking kaluluwa ang nakikita.
Kinabukasan ay late na akong nagising dahil 2 am na kami nakauwi dahil sa mga kalokohan kong pinapagawa.
Chineck ko ang cellphone at pagbukas ng data ko ay ang sunod sunod na notification ang lumabas sa aking f*******: at instagram..
Sa post ni Ruther ay ang litrato naming dalawa sa entablado at ang caption ay ang sinabi niya sa akin kagabi..
"My Queen since 2015 ❤️"
May 490 likes and heart reaction at may iilan ding sad. At ang mga comments na hindi ko kilala, pinagmemention ang mga babaeng siguro ay may gusto kay Ruther o baka gusto lang ng chismis.
"Famous" bulong ko.
Hindi ako papakabog sa post niya at naghanap ng mga pwedeng ipost na nilagyan ko rin ng picture niya noong bata pa siya, nang makuntento na ay pinost ko na at ang nilagay na caption
"My neighbor since 2015 ?" atsaka ko tinag..
Naligo na ako at lumabas na ng kwarto, at tulad ng dati ay wala si Mama sa bahay..
Magtatanghalian na at tirik na tirik ang araw. Kakaligo ko lang at heto nag-uumpisa ng magpawis, pati electric fan parang may apoy ang buga nito. Hayy!
Narinig ko ang katok sa labas at alam ko na kung sino 'yon.. Sa tagal na naming laging magkasama, alam ko na pati ang kaibahan ng kanyang katok, kumpara sa iba.
"Pasok" sigaw ko.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang mukhang bagong ligo din na si Ruther na may dalang pagkain.
"Kumain ka na? aniya habang pinagmamasdan akong mukhang binalot sa pawis.
"'Di pa, ikaw?"
"Hindi pa, kain na tayo" aniya sabay diretsyo sa kusina upang kumuha ng plato at baso. Iniwan niya ang pintuan na malaki ang bukas..
Tamad na tamad akong naglalakad upang sumunod sa kanya sa aming kusina. Nanlaki ang mata ko sa nakikita sa aming hapag.
"Wow may leche flan! 'Di mo agad sinabi." ani ko at masiglang umupo..
"Hindi ka nagtatanong."
Inirapan ko siya dahilan naman ng kanyang pag ngiti.
"Ayus-ayusin mo nga mga sagot mo Ruther at lalong nag-iinit ulo ko sa'yo e."
"Halo-halo tayo pagkatapos kumain."
sagot niya habang patuloy sa pagkain.
Ayy galing talaga manuhol! Kaya akin 'to e..
Papalabas na kami ng bahay nang makita ang kapatid ni mama na nakatambay at malaking ngiti ang ipinukol ng makita kami ng kasama.
"Oh baka bukas bukas lang niyan ay mababalitaan kong buntis kana!" ani tita habang tumatawa ng malakas...
"Maghintay ka lang po at baka bukas mangyari na.. kaso sa anak mo." sagot ko.
Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi at napalitan ito ng galit na expression.
Masakit ba ang katotohanan?
Ang dami ko kayang nababalitaan sa school na paiba-iba ng boyfriend ang kanyang anak!
"Huwag mo nalang pansinin Yen" pag papaalala ng katabi ko.
Inirapan ko nalang sa inis at nagpatuloy sa tindahan ng halo-halo. Nang makarating ay umorder na si Ruther habang ako ay umupo na sa bakanteng lamesa.
"Sa tingin mo mabubuntis ako ng maaga?"
Tanong ko nang maupo ang kasama sa aking tabi..
Kumunot ang kanyang noo bago ako harapin at nagsalita.
"Bakit may ginagawa ba tayo para mangyari iyon? Tsaka alam ko ang pangarap mo kaya bakit ko sisirain?"
Kulang nalang ay marinig ko na ang linya ng kantang
"Baby I'm amazed by you.."
Tama nga naman!
Bakit parang habang tumatagal kinakalawang ang kamote ko ah..
Hindi nga naman namin ginagawa at lalong hindi ko pa maimagine. Yikes..
Inihapag na sa aming lamesa ang aming order at otomatikong bumukas ang aking bibig sa ginawa ni Ruther. Inilipat niya sa baso ko ang toppings na leche flan ng kanya sa akin..
Hindi ko muna hinalo ang akin at inumpisahan kong namnamin ang leche flan habang nakatitig sa kasama..
"Yen please stop it. Ang laswa mo tingnan." reklamo ng katabi.
"Hoy anong masama sa ginagawa ko?"
"Bakit kasi dinidilaan mo tapos titig na titig sa akin?" asik niya.
"Bakit wala naman masama ah! Ano bang naiimagine mo? Balls mo? Kadiri ka naman Ruther." biro ko na mabilis din binawi ng makitang seryoso na ang kasama.
Joke lang naman e. Panget kabonding!
Ang conservative!
Pumasok ang pangatlong grupo ng mga estudyante galing sa ibat-ibang universities, nagliparan na ang ibat-ibang university upang mai-offer ang kanila.
Abala ako sa pakikinig dahil graduating na kami kaya kailangan kong malaman ano ang mga magaganda nitong offers
May napupusuan na ako dahil mas affordable kumpara sa iba, nandoon din naman ang gusto kong course at maganda ang feedback nito..
Accounting be good to me..
Mabilis lamang lumipas ang mga linggo at heto kami sa bahay nina Ruther, pinagsama na ang aming graduation celebration sa bahay nila. May pa taurpoline pa nga! Nakuha ko ang titulong valedictorian at si Ruther ay nakahabol pa sa top 10.
Sa itsura pa lamang ng aming barrio ngayon ay hindi mo na kailangan manghula kung ano ang magiging kaganapan.
Nakalatag sa matataas na poste ang mga makukulay na bandaritas, mga maliliit na cart na may laman na mga makukulay na sisiw at mga isda.
Naalala ko nang nakaraang taon namin, binigyan ako ng sisiw na pula na napanalunan ni Ruther.
Inalagaan namin hanggang sa lumaki ito.
At kinain din..
Umiiyak kami habang kinakain ang kawawang manok.
Ganoon talaga ang buhay..
Habang papalapit ang pista ay mas dumadami ang dayo sa aming baryo.
May mga naiimbitahang artista at mga PBA players na gustong gusto ni Ruther. May mga paliga din na hindi maaring hindi kasama ang boyfriend ko at ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang perya na gabi gabi naming pinupuntahan ni Ruther. Malapit lang ito, sa likod ng aming school.
Hindi ko na naiwasang hampasin ang kasama ko sa irita..
"Bakit?" tanong niya na mas nagpainis sa akin..
"Anong bakit Ruther? Kita mo ng sinumpa yata yang monthsary natin, taya ka pa ng taya d'yan!"
"Maghintay ka lang.." sagot niya pa.
Ang laki talaga ng paniniwala nito sa monthsary namin. E paubos na ang binaon naming pera at hindi pa kami nakakasakay ng rides.
Sasakalin ko talaga ang kasama kapag hindi ako nakasakay sa caterpillar!!
Tinalikuran ko na lamang siya at sumandal sa kanyang likod habang nakasandal, maya maya ay naramdaman ko ang pag gapang ng isa niyang kamay sa aking tiyan.
I love it when he's clingy, dati ay kinaiinisan ko lalo na kung nasa public place kami. But today I love it..
Pinagmamasdan ko ang maingay na lugar ngunit may dalang kasiyahan at kapayapaan sa akin.. Mga masasayang mukha kahit saan tumingin.
Naputol ang aking pagmamasid nang marinig ang masayang sigaw ni Ruther. Napabaling ako sa kanya na kasalukuyang kinikuha ang maraming pera sa lamesa habang ang mata ay nakatingin sa akin. Malaki ang ngiti.
"I told you! Swerte ang monthsary natin!"
Nandito kami ngayon sa napiling university, natanggap kaming dalawa ni Ruther at nandito ngayon upang makuha ang aming mga schedule, nauna kami sa building department ng accounting. Nauunang maglakad si Ruther na pinagtitinginan mapa lalaki o babae man..
Ngayon ko lang natanto na medyo sikat o head turner lang talaga ang boyfriend ko.
Nang makarating ay nagtanong na siya sa babaeng nasa harapan kasama ang iilang lalaki sa loob ng cubicle.
"Hello po! Hihingin ko lang po sana ang schedule ng First year section 1" aniya.
"Ow bat nandito ka Ar? Akala ko engineering ka?" Tanong ng bagong pasok na lalaki sa cubicle.
"Oo sa engineering nga, kinukuha ko ang schedule ng girlfriend ko" aniya sabay lingon sa akin at senyas na lumapit ako. Kaya ginawa ko.
Pagkalapit ay ramdam na ramdam ko ang lamig na buga ng air-con at ang mga titig ng mga nasa loob.
"Girlfriend ko nga pala si Adrienne" aniya sabay hawak sa aking kamay.
Ngumiti ako sa bawat nadadaan ko ng tingin at kahit kinakabahan ay napansin ko pa din ang biglang pagdaan ng disappoinment sa mukha ng babaeng nasa harap.
"Wow mas maganda pala niya sa personal pre." aniya "Jayson nga pala, president ng accounting department" sabay lahad niya ng kamay.
Nahihiya ko itong abutin ngunit bago pa nagawa ay tinampal na ni Ruther ang kamay ni Jason dahilan ng malakas na tawanan galing sa grupo.
"Putcha seloso mo pre" aniya habang natatawa. Pero si Ruther ay nanatiling walang reaksyon.
Nakuha na namin ang schedule ko at papunta naman kami sa engineering building dahil magkahiwalay ito. Habang naglalakad ay marami siyang nakakatanguan at minsan ay tumitigil pa dahil kinakausap siya. Kung tatakbo man siguro ito bilang representative sa school ay tiyak na mananalo ito sa dami niyang kakilala sa school.
Nang matapos na namin nakuha ang mga kailangan sa school at nag-aabang na ng masasakyan nang biglang magyaya ang kasama para mag Sm, pumayag na ako dahil bihira lang naman ako makapunta.
Ala-una na kaya siguro kami lamang ang sakay ng jeep. Busy ako sa pagtingin sa mga nadaraanang establishmento nang ituro ni Ruther ang isang malaking pulang building.
"Balang araw dadalhin kita diyan" aniya habang nakayakap sa aking bewang..
"Talaga?" Excited kong tanong.
Tumango lamang siya. Habang ang mga labi'y nagtatago ng ngiti.
Baka niloloko lang ako nito ah!
"Promise?" tanong ko upang masigurado..
"Oo naman Yen.."
"Siguraduhin mo a. Ano nga pala ang meron diyan?" Kuryoso kong tanong.
"Sogo"
Mabilis niyang sagot bago humalakhak ng malakas at lumayo sa akin at lumipat sa kabila ng jeep..
"Gago ka!" Mabilis ko siyang sinundan at pinaghahampas sa braso ang siraulo.
Tagaktak ang pawis pagbaba ng jeep dahil sa init. Nilabas ang panyo sa bag at dahan-dahan pinunasan ang pawis sa mukha at leeg, pagpasok ay inaya ako ni Ruther na pumunta muna sa cr na sinangayunan ko..
Papasok na sa loob nang tawagin niya ako at iabot ang isang puting towel at isang blue school uniform na naglalaman ng kanyang apelyido..
"Cruz 08"
January eight ang birthday ko, ang parati niyang paghihintay sa akin t'wing papasok sa school, mga chocolates na ako lang ang meron, leche flan na parati niyang ino-order kahit hindi siya mahilig sa sweets at marami pang iba na bigla nalang bumuhos sa akin..
Anong anesthesia ang nagamit sa'yo Adrienne?
Tiningnan ko ang repleksyon sa salamin at napangiti, nag ponytail upang makita ang apelyido..
Susunod sa pangalan ko na naman ilalagay.
"Adrienne Gonzalez Cruz" bulong ko sa kawalan.
Bagay na bagay..
Paglabas ay nakita kong nakasandal si Ruther habang naghihintay, palapit na ako nang lumapit ang babaeng nasa accountancy department na nakita ko kanina, malaki ang ngiti kahit naman parang walang nakakatawa sa pinag-uusapan.
Tumigil ako upang pagmasdan ang dalawa, alam ko ang tinging ipinupukol ng babae kay Ruther.
Babae din ako alam at ramdam ko 'yon.
"Ruther" tawag ko sa kanya, nilingon niya ako at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Inayos ang pagkakatayo at lumapit sa akin at hinuli ang kamay ko..
"Una na kami ng girlfriend ako" paalam ni Ruther..
Tumango lamang ang babae at hindi ko na nakita ang reaksyon dahil hinila na ako nang kasama.
"Sino iyon?" tanong ko kalaunan..
"Ah si Carizza" aniya habang pinagmamasdann ang reaksyon ko..
"San mo nakilala?"
Tanong ko dahil hindi naman namin schoolmate.
"Nagseselos ka?" Tanong niya habang nakangisi.
"Bakit naman?" balik tanong ko.
"Bakit hindi?"
"Patay na patay ka sa akin e, tsaka mamatay ka kapag niloko mo ako." sagot ko habang tumatawa.
Pinanood ko ang reaksyon niya isang iling at nagpakawala ng malakas na tawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hawak kamay kaming tumitingin sa mga shops at parating naiiwan ang mata ko sa mga mamahalin na bagay..
Sa aking paglaki ay lumaki din ang aking mga pangarap.. I want to have a luxury and extravagant life na hindi ko naranasan sa paglaki.
Kaya mas gagalingan ko pa sa pag-aaral, gagawin kong donya ang nanay ko. Bibilhan ko ng mga mamahaling bag at sapatos, mga appliances na kailangan at mga hindi kailangan at syempre ipapagawa ng malaking malaki na bahay..
Pinagpapawisan na ang palad ko at kahit ganoon ay hindi niya pa rin binitiwan ang aking kamay.
"Ar alam mo bang pinaghugas ko ang kamay na hawak mo ngayon?" biro ko sa kanya.
Nakaupo kami ngayon sa bakanteng pwesto dito sa food court habang hinihintay ang aming order na sizzling sisig.
Tumigil siya pagtingin tingin sa paligid at finocus ang sarili sa akin. "Really?" aniya.
"Yes" sagot ko habang natatawa. At mabilis niyang inangat ang kamay ko bago ito inamoy..
"Ganito pala ang amoy nito" aniya habang tumatawa.
"Siraulo" binatukan ko na at inirapan habang pinipigilan ang pagtawa.
Ako ang nagbiro pero bakit parang ako ang talo? Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha at ang mainit na pakiramdam.
Inubos namin ang natitira naming bakasyon sa pag gising ng maaga at nagbibisikleta sa sikat na puntahan ngayon sa Florida. Naaya na din ako ni Ruther sa pag ja-jogging.
Pag tapos na kami sa aming routine ay mag aalmusal sa sikat din na gotohan dito, dumadayo din kami sa Basa Air base dito na isa din tourist attraction. Gustong gusto ni Ruther dito dahil pangarap niyang maging piloto na hindi niya pinursue dahil malalayo kami at isa pa sa dahilan niya ay..
"Nakuha ko na ang pinaka pangarap ko, kaya ayos na hindi na ako piloto. Para na din akong nililipad at nasa himpapawid t'wing naiisip na ako ang gusto mo, na boyfriend mo ako.."