Nakarating ako sa lugar na napag-usapan namin. Abandonadang factory ang lugar na ito na may signage pa ng kompanya nina Bellamy. Bumigat ang aking paghinga, kinakabahan na baka napapahamak na ang aking kaibigan. Isinara ko ang pinto ng sasakyan nang makalabas ako mula roon at naglakad na papalapit sa sirang gate ng naturang factory. Walang tao sa paligid at hindi rin ganoon kaganda ang amoy na nagmumula sa factory. Kinailangan ko pang takpan ang aking ilong para lamang makadaan sa pinagmumulan ng masangsang na amoy. Kumapara sa may labas ay hindi ganoon kapangit ang amoy sa loob. Katahimikan ang bumati sa akin. Iginala ko ang aking paningin, to scan the area but no one was there. “Naandito na ako!” pagsigaw ko upang malaman nila na naririto na ako. Hanggang ngayon ay wala akong ideya sa

