May panghahamon pa rin ang mga mata ni Avi na nakatingin sa akin. Na mas pinili ko na lang umiwas kaysa makipaglaban ng titigan sa kanyang alam kong matatalo ako. “Come on, baby, tell me. Why do people feel jealous? They are jealous because…” may panghahamon niya pa ring saad sa akin. Naramdaman ko ang paghakbang niya papalapit sa akin kaya ang ginawa ko naman ay ang umatras papalayo sa kanya. Napapalagok ako sa sariling laway dahil sa intense ng kapaligiran naming dalawa. Nahihirapan na rin akong huminga. Dumikit ang likod ko sa pader kaya marahas kong ipinikit ang aking mga mata. I’m dead. Wala na akong ibang pupuntahan pa. Hindi naman pwedeng tumagos ako sa pader ng kwarto. Napaigtad ako nang marahas ding iharang ni Avion ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. And now, I’m

