Maging ang pagtulog ay hindi ko magawa. Sinilip ko si Avi na mahimbing nang natutulog sa tabi ko. Yakap niya iyong isang unan at doon din nakapatong ang kanyang ulo. Ibinaling ko ang katawan ko paharap sa kanya upang mas mapagmasdan ko siyang mabuti. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok at natutuwa ako sa ginagawa ko. How I wish, totoo iyong sinabi ni Gio. Na ako talaga ang gustong pakasalan ni Avi. Kahit mukhang imposible at baka nagkakamali lamang ito dahil lasing ay gusto kong panghawakan. “Hmm, what are you doing?” Napatigil ako sa ginagawa kong paghaplos sa kanyang buhok nang marinig ko ang kanyang boses. What the hell? Gising siya o nagising ko lang? “Hala! Nagising ba kita? Sorry.” Babawiin ko na sana ang kamay ko at ilalayo sa kanya nang hawakan niya ito at pigilan ako. Nat

