Lumabas ako ng condo ni Avi at agad kong nakita si Kenzo. Nagulat na naman siyang makita ako. Tiningnan ko siya at agad akong nalinawan sa kung anong dahilan ng mag reaksyon niya sa akin kanina. Alam ko na ngayon. “Saan naka-park ang kotse ko?” tanong ko rito at agad na inilahad ang aking kamay para sa susi. Agad niya naman iyong ibinigay sa akin at sinabi kung nasaan ang aking kotse. Hindi ko na sana balak na magsalita pa at kausapin siya, ngunit habang naghihintay ng elevator ay nilingon kong muli si Kenzo. “Sa susunod, kung pagtatakpan mo ang gagawin ng amo mo, galingan niyo.” Matapos kong sabihin iyon ay sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang parking. Alam ko naman na walang kasalanan si Kenzo, o meron dahil pinagtatakpan niya ang ginagawa ng amo niya. I c

