Muli akong nagtago at tahimik na humikbi. Bakit naman ganito Avi? Pinapahirapan mo ako lalo. Akala ko kagabi buo na ang desisyon ko na hindi mapapawi ng kahit anong salita ang galit ko sa ‘yo pero heto ako ngayon, parang bibigay na naman sa ‘yo. Bakit sobrang unfair mong mahalin? Dahan-dahan na akong napaupo sa sahig at tinakapan ng dalawang palad ang mukha. “Just tell me if she’s fine. Kapag nalaman ko na maayos ang kalagayan ni Maui, aalis na ako. Gusto ko lang malaman na ligtas ang asawa ko at walang masamang nangyari sa kanya. Please, Bellamy. Kahit iyon lang sabihin mo sa akin,” pagod na sabi ni Avion kay Bella. Natahimik si Bellamy at hindi agad nakasagot. Ako naman ay pinipilit na humagulgol nang tahimik upang hindi nila iyon marinig. Alam kong pagod si Avion at base rin sa itsu

