Kath's POV
inaalalayan kong mag lakad si Dylan dahil hindi siya makalakad ng maayos. ang sabi ko sa kanya ay dadalhan ko nalang siya ng pagkain sa clinic dahil walang wheelchair sa clinic pero dahil matigas ang ulo niya ay pinilit pa din niyang mag lakad.
"sabi ko kasi sayo dadalan nalang kita ng pagkain eh! nahihirapan ka tuloy mag lakad ngayon." sabi ko. it's like i'm scolding a child right now.
"eh okay na yung ako yung mahirapan kaysa ikaw." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. he's so sweet.
nang makarating kami sa cafeteria ay hinanap kaagad ng mata ko ang mga kaibigan namin. nang ilibot ko ang mga mata ko ay nakita ko na sila dun sa may medyo sentro ng cafeteria.
pinuntahan namin sila at nararamdaman ko na nakatingin sa amin ang mga tao dito. sino ba namang hindi titingin kapag nakakita ng babaeng tinutulungan ang lalaking mag lakad diba?
"yo! how was your "talk"?" tanong ni Tyler na may nakakalokong ngiti. tinignan ko naman ang iba at may mga nakakalokong tingin naman sila. onti nalang talaga iisipin kong plinano nila yon. alam kaya nila yung nangyari?
umusog sila Francine para maka upo kami. nang maka upo na kami ay binigay na sa akin ni kuya yung pagkain ko at ni Dylan.
"it was great! I am courting her now." sagot ni Dylan sa tanong ni Tyler kanina na may nakasuot na ngiti sa kanyang mga labi.
"oh my god! really? good for you guys!" Angela said with a sincere voice.
"yun oh! hindi na sad boy si master!" parang nanalo sa lotong sabi ni Ethan.
sunod sunod ang sabi nila na sana maging kami ulit achu chu chu. halata naman na masaya sila para sa amin. tumingin ako kay Dylan at nagulat ako nang makita kong naka tingin siya sa akin.
"why are you looking at me?" tanong ko at pinag singkitan ko ng mata.
"nothing, I'm just happy that you gave me a second chance and that I can be with you again. I am finally done with the sadboy sh*ts." bahagya siyang napatawa sa huling sinabi niya.
"I'm glad that you explained everything to me. sana maging okay na ang lahat." makahulugan kong sabi. sana nga maging okay at masaya na kaming lahat.
"may chika pala ko sa inyo!" sabi ni Liam. chika amp.
"alam niyo bang may nilalandi ngayon si boss Shawn?" big news yun ah! madalang kong marinig na may pinopormahan may babae si Shawn, actually ngayon ko palang narinig na may pinopormahan siyang babae.
"g*go! anong nilalandi? nililigawan ko na kaya!" sabay batok ni Shawn kay Liam, napa-aray naman si Liam dahil sa lakas ng pag batok sa kanya ni Shawn.
"teka, teka. sino?" kuryosong tanong ni Ethan.
"yung volleyball player ng Amber Ora Academy. yung captain nila." sagot ni Liam. I don't know her. I haven't watch volleyball dahil puro game lang ng boys ang pinapanood namin.
"panoodin natin mamaya! may laro sila bago yung game natin!" masiglang sabi ni Liam. nag liwanag naman ang mukha ni Shawn na kanina ay naiinis dahil sa mga pinag sasasabi ni Liam.
"sige sige, pa reserve ako ng upuan natin para malapit sa court!" aba nag presinta pa nga.
"pwede ba mag pa reserve?" tanong ni Shai. oo nga, pwede ba yon? hindi ba unahan lang sa upuan kapag nanonood.
"ano ba kayo, ako bahala. ako pa! laro ng bebe ko yon eh!" pag mamayabang na sagot ni Shawn.
"hindi ka pwede mag laro mamaya ha" paalala ko kay Dylan at tumango naman siya. baka kasi mag pumilit siyang mag laro mamaya eh hindi pa magaling ang paa niya.
"wag kang mag alala pare, pag ako ang nag laro siguradong panalo na tayo! ako kaya pinaka magaling saten" pag mamayabang ni Tyler.
"utot mo!" pang loloko ni Ethan kay Tyler. malapit na ngang mabatukan ni Kuya si Tyler dahil sa sobrang kayabangan nito.
"yabang mo naman, hindi ka nga pinapasok ni coach eh!" sumbat pa ni Liam.
"tse!" yun lang ang sinagot ni Tyler kaya naman napatawa kaming lahat. it's nice being like this again.
naging maayos naman ang lunch namin. walang Addison na nanggugulo. piling ko ay may gagawin nanaman siyang hindi maganda sa amin ni Dylan.
papunta na kami ngayon sa volleyball court para panoorin ang nililigawan ni Shawn. nang makapunta kami don ay may naka reserba ngang upuan para sa amin, at malapit pa ito sa court.
tinulungan kong makaupo si Dylan dahil hindi pa nga magaling ang paa niya. yung mga kaibigan ko naman hindi man lang ako tinulungan! kala mo naman hindi ko sila kaibigan psshh
"ang lapit naman natin. baka matamaan tayo ng bola" nag aalala kong sabi. pag basketball kasi ay medyo malayo kami sa court kumpara dito sa inuupuan namin.
"wag kang mag alala, haharangin ko yung bola para sayo" sabi ni Dylan, kaya naman napatingin ang mga kaibigan namin sa amin at nakita ko ang mga nakakalokong mukha nila.
"sanaol may taga harang ng bola" kinikilig na sabi Shai.
nasa court na ang mga players at nag wawarm up na sila. ang jersey ng Amber Ora ay kulay Amber na may white habang ang Silver Blam naman ay silver na may onting black and white.
oo nga pala, ang kulay pala ng jersey ng Golden dawn ay gold na may onting black. at ang sa Dark Slive naman ay Black na may onting blue and white.
"asan diyan yung nililigawan mo Shawn?" tanong ni Angela.
"yun oh! yung naka french braid na babae, ganda niya noh" halos nag nining ning ang mga maya ni Shawn habang naka tingin sa babae.
"ano name siya?" kuryosong tanong ni Ella. oo nga, wala pa silang nababanggit na pangalan.
"Daisy. Daisy Emily Wilson." nakangiting sagot ni Shawn. he's looking at her like she's the most beautiful person in the world.
"confirm. lumalove life si pwareng Dabid!" pabulong na sabi sa amin ni Tyler.
nag simula na ang laro. they already flipped the coin at nag shake hands na ang captain ng dalawang team.
ang galing ng both team. how can they throw themselves like that? they are playing as if their life depends on it. I think that's how every athletes play.
nanalo sa first set ang Amber Ora. at nang magsimula ang second set ay sila agad ang naka lamang. ang galing nila, especially that girl Daisy, she's so good. sa received and spike, she's killing it.
dahil siguro ang laki ng lamang ng Amber Ora kaya hindi na naka habol ang Silver Blam. kaya ang nanalo ay ang Amber Ora. at ngayon habang nag lalakad kami papunta sa basketball gym dahil mag sisimula na ang game nila ay pinapakinggan namin ngayon ang pag yayabang ni Shawn dahil nanalo ang nililigawan niya.
"kita niyo yon? galing niya noh? that girl is soon to be mine" naku kanina pa paulit ulit ang sinasabi nito, malapit nang dumugo ang tenga ko.
binilisan namin ang pag lalakad para matapos na kaagad ang kadaldalan niya.
nang makarating kami sa gym ay nag hiyawan kaagad ang mga tao. masyado silang peymus.
nang makita nilang mag kasama kami ni Dylan ay madami ding nag bubulungan. hindi ko alam kung taga GDA ba yon o hindi.
"hala, sila na ba ulit?"
"sabi sa inyo eh team KathLan ang panalo."
"masyado naman kasing ambisyosa si ate girl mong Addison. hindi din naman pala sila"
how could they know things like that? and team KathLan? that's a weird name.
"KathLan amp*ta baduy!" pang loloko ni Tyler habang tumatawa. sarap niya batukan. si Tyler talaga ang number 1 basher ko.
"Ella, sure ka na ba na ito yung boyfriend mo? pwede pa mag bago isip mo ha" pabiro kong sabi kay Ella para inisin si Tyler. sasagot pa sana si Tyler pero pinigilan na siya ni Kuya.
"hep hep hep! tama na yan. warm up na tayo" pag pigil ni Kuya at nag punta na sa court. nandito pala kami sa likod ng bench nila. naramdaman kong tumayo din si Dylan.
"hoy, san ka pupunta? bawal ka mag laro" paalala ko ulit sa kanya.
"don't worry. sa bench lang ako. baka pagilatan mo ko kapag sinuway kita eh" sagot niya habang naka yuko para tignan ako.
"talaga lang" sagot ko sa kanya. ngumiti naman siya at nag lakad na papunta sa bench nila. gusto ko siyang tulungan dahil paika-ika pa siyang mag lakad. pero nakita ko na tinulungan na siya ng ibang teammates nila kaya okay na.
nang makaupo siya ay lumingon siya sa akin at nag thumbs up habang naka ngiti saying that he's okay. ngumiti naman ako sa kanya pabalik at nag thumbs up din.
"hey" bati sakin ni Sofia na katabi ko.
"hey" bati ko pabalik.
"I'm happy for you" mahina niyang sabi.
"thank you" sincere kong sabi.
"I'm glad na bumalik na kayo sa dati. pero remember na dapat ang away ay dinadaan sa maayos na usapan, wag kang mag dedesisyon agad agad. anyways sana hindi na maulit ang nangyari sa inyo. pati kami nasasali sa ka-awkwardan niyong dalawa eh" sabi niya at tumingin sa akin at biglang ngumiti.
"I'll keep that in mind! thank you!" masaya kong sabi sa kanya at at niyakap siya ng patagilid habang tinutulak niya ko paalis, pero kahit anong tulak niya hindi niya ko mapapaalis dito hehe.
sa wakas ay kumalas na ako sa yakap dahil mag sisimula na ang laro. oo nga pala si Kuya Klai pala ang captain ng basketball team.
nag papakilala na ang both team. nang si Tyler na ang tinawag ay kala mo nangangampanya siya. may pa kaway kaway pa siya, in short para siyang tanga. ang mga babae naman ay kilig na kilig dahil don, nag si hiyawan pa sila dahil sa kilig nang kumindat sa kanila si Ethan at Liam. habang kami namang mga kaibigan nila ay napayuko lang habang umiiling.
"bakit ba kilig na kilig sila don?" sabi ni Shai.
"oo nga, they don't look handsome at all" sabi ni Angela. napatawa kami dahil first time niyang mag sabi ng hindi maganda tungkol sa boys.
but don't get us wrong, they are handsome. it's just that they went too far with their handsomeness HAHAHA, we're just joking by the way.
hindi tinawag si Dylan dahil hindi naman siya mag lalaro. nang hinayang ang mga tao ng makitang hindi siya mag lalaro.
nag start na ang game at unang naka lamang ang Amber Ora. magaling sila pero kaagad namang nabawi ng Golden Dawn ang score na nawala sa kanila.
shoot dito shoot doon. yun ang nangyari. hindi ko na explain ang laro dahil wala naman akong masyadong alam tungkol sa basketball pero ang lamang na ngayon ay ang Golden Dawn.
ang laki ng lamang nila kuya kaya sila ang nanalo sa first quarter. kapag nanalo dito Golden Dawn ay makakalaban nila bukas ang Silver Blam para sa championship. kapag natalo naman sila ay ang Amber Ora ang makakalaban ng Silver Blam.
wala nang chance ang Dark Slive dahil isa lang ang napanalo nila. natalo na sila ng Silver Blam kanina at natalo sila ng GDA kahapon kaya tapos na ang laro nila.
I can only say one thing. ANG GALING NILA! okay I exaggerated on that one, pero ang galing talaga nila. the rest of the game ay hindi nahirapan sila kuya at natalo nila ang Amber Ora.
nag sigawan ang lahat nang manalo ang Golden Dawn. kita naman ang pag kadismaya ng Amber Ora, but still they congratulated Golden Dawn. that's what you call a great sportsmanship.
nakita ko naman na may kasamang lalaki si Francine. Teka, familiar siya ah. tinignan ko ang jersey niya ay nakita kong taga Dark Slive siya. naka laro siguro ng Golden Dawn kahapon kaya familiar.
nag punta muna ang boys sa locker nila para maligo at maging fresh ulit haha. kaya naman hinihintay namin sila dito sa labas ng locker room.
"hoy sino yung lalaking kasama mo kanina? ikaw ah lumalandi ka na den" pang aasar ni Shai kay Chin.
"oh that's Wesley taga Silver Blam Academy. bestfriend ang mommy namin kaya mag kakilala kami." sagot ni Chin sa tanong ni Shai.
"gusto mo introduce kita sa friend niya? ikaw nalang ang mukhang walang nilalandi dito eh" sabi ni Chin na may halong pang aasar sa boses niya.
"no thank you. meron din ako" sabi ni Shai. pati siya meron? hanapan ba ng jowa ang isa sa program ng Sports Fest na toh?
"who?" sabay na tanong ni Ella at Angela. kami ni Sofia ay nakikinig lang sa kanila.
"si Nathan. yung gwapong table tennis player ng Dark Slive Academy, kakilala siya nung isa kong guy friend kaya syempre kinapalan ko na ang mukha ko nag pareto ako" sagot niya at kinikilig pa ang babae.
"oo nga eh, your face is so makapal" pang loloko ni Angela kay Shai napatawa naman ako sa sinabi niya. nag-pout naman si Shai at hindi na pinansin ang sinabi ni Angela.
"bad influence kasi kayo eh, yan tuloy pati si ms. kindness napapasama ang ugali" sabi ni ko habang tumatawa. tinignan nila ako ng masama kaya naman napa tikom ako ng bibig.
"we're not that bad naman. we're actually kind" sabi ni Chin at tumango tango naman ang iba.
"tara na" halos mapatalon kami ng may biglang nag salita. tumingin kami sa likod namin at nakitang sila Tyler na pala yon. inaalalayan nila Liam at Ethan si Dylan.
"bro sabay ka na samin umuwi, siguradong hindi ka makakapag drive sa sitwasyon mo ngayon" presinta ni Kuya kay Dylan.
"oo nga ako nalang mag hahatid ng sasakyan mo pauwi tutal kila Klai naman ang uwi ko ngayon" sabi naman ni Tyler na nag aayos pa nang buhok. hindi sila sinagot ni Dylan at tinanguan nalang sila.
"I guess we're going home together" malambing na sabi ni Dylan. tinawanan ko siya, it's not like we live in the same house.
"going home together, oy mag kaiba tayo ng tirahan noh. ako pa ang nag hatid sayo pauwi, parang ako tuloy yung nang liligaw" sarkistiko kong sabi. tinawanan nalang niya ko at sabay sabay kaming nag punta sa parking lot.
pwede na kaming umuwi dahil tapos na ang laro nila. we can go home anytime as long as wala na kaming ginagawa.
nang makarating kami sa parking lot ay hinanap kaagad namin ang mga sasakyan na sasakyan namin. nang makita namin ang sasakyan ay pinuntahan na namin ito at sumakay.
"oh eto yung susi ng kotse ko. ayusin mo pag drive mo ha!" sabi ni Dylan kay Tyler sabay hagis ng susi.
"wag kang mag-alala bro, pag dating nito sa condo mo ay makinis pa din toh mas makinis pa sa makinis" ayan nanaman po ang mayabang na si Tyler. kahit kailan talaga kapag nag sasalita siya ay may halong kayabangan ang boses niya.
pinuntahan na ni Tyler ang sasakyan ni Dylan at sumakay na kami sa sasakyan. unang sumakay si Dylan sa sasakyan dahil inalalayan ko siya at sumunod naman ako.
"sandali lang, naka limutan ko yung jersey ko sa locker babalikan ko lang" sabi ni kuya at dali-daling tumakbo papasok ng school.
tahimik sa sasakyan at walang nag sasalita sa aming dalawa. lumabas muna ang driver para hintaying bumalik si kuya kaya kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa sasakyan.
"hey" tawag niya sakin kaya lumingon ako sa kanya. nagulat nalang ako nang may naramdaman akong malambot sa labi ko. humiwalay siya sa halik at tinignan ako habang naka ngiti. tsansing toh ah! hindi pa kami nag nanakaw na ng halik!
_____________________________________________________
^_^