Childhood (Part 1)

1190 Words
12:00AM July 25, 20** Biglang nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si JL. Umupo siya saka sumandal sa headboard ng kanyang kama. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Mabigat ang katawang bumaba ang dalaga mula sa higaan. Hindi na ito nag-abalang magsuot pa ng roba. Nagtungo ito sa opisina na kanunog ng kwarto nito. Pagdating doon ay dumiretso ito sa shelf na lalagyanan ng wine, kumuha siya ng kopita at isang bote ng paborito niyang vintage cabernet. Mabagal ang mga hakbang na nilapitan nito ang kanyang desk, inilapag niya ang mga bitbit sa ibabaw niyon at pagbagsak na umupo sa swivel chair. Pinindot niya ang remote sa ibabaw ng mesa, kasunod nun ay umangat ang blinds na tumatakip sa glass window na nasa harap niya. Tumambad sa mga mata niya ang madilim na paligid. May kahungkagang naramdaman ang dalaga sa kanyang dibdib. It's her 30th birthday but she feels like crap. Limang taon na ang nakalipas mula noong nagdesisyon siyang sundin ang huling habilin ng ina. Sumimsim siya ng wine mula sa hawak na kopita. It tasted bitter and sweet like her life. She chuckled inside with the thought. "I miss you Mom. I wish I could celebrate this day with you," may luhang naglandas sa mga pisngi ng dalaga. Kasabay niyon ang pagdaloy ng nakaraan. ************************************************* Rochester, Minnesota. | 19** "Juliana Lorisse, how many times do I have to tell you that you should act properly!" umaalingawngaw na boses ni Clarissa Pedralvez ang maririnig sa drawing room. Tatlong tao lang ang nasa loob ng nasabing silid sa mga sandaling iyon, ang ginang, ang noo'y siyam na taong gulang na si Lorisse at si Nana Loring na mangiyak-ngiyak malapit sa pinto. Palihim na sinulyapan ni Lorrise ang yaya, puno ng awa ang mga mata nito na nakatingin sa dalagita. Kakauwi lang niya mula sa eskwela. Lorrise is a fifth grader at Washington Elementary School, isang linggo palang siyang pumapasok sa naturang paaralan. Dati, sa Minneapolis sila nakatira at doon din siya nag-aaral, hanggang noong isang buwan ay lumipat sila sa Rochester. She got promoted for one year kaya mas bata siya kumpara sa mga kaklase. Tagaktak na ng pawis ang noo niya. Kanina pa namamanhid ang kanyang mga kamay dahil may halos kalahating oras nang nakataas ang mga braso ng dalagita. Ramdam na din niya ang paghapdi sa kanyang mga tuhod gawa ng pagkakaluhod sa monggo at asin. Yes! She is being punished. Napapikit si Lorisse dahil ramdam na ramdam niya ang galit sa boses ng ina. "I was so stupid to let my emotions get a head of me!" aniya sa isip. Ngunit bakit kailangan siyang maparusahan? Is it wrong for her to defend herself? Isa pa hindi naman siya ang nauna. Kung hindi sana siya pinepeste ng mga kaklase ay hindi sana niya gagamitin ang natutunan sa Judo laban sa mga ito. Isang beses lang naman niyang ibinaldak ang isa niyan kaklase na kung tutuusin ay mas matangkad pa kumpara sa kanya. Pinigilan niyang mapangisi nang maalala ang itsura nito. "Buti nga sa kanya!" sa isip ng dalagita. "Are you even listening? Hindi porque marunong ka sa martial arts ay pwede mo nang gamitin ito kahit kanino!" boses uli iyon ng ginang. Nakatuon ang mga mata ni Lorisse sa sahig. Bagama't hindi siya nakatingin sa ina, alam niyang mataman siyang pinagmamasdan nito. She has to keep a straight face dahil kung hindi ay tatagal pa siya sa ganoong sitwasyon. "Yes, Ma'am!" sagot niya sa ina. Halata ang pigil niya sa panginginig ng boses. Manhid na manhid na ang upper body ng dalagita. Hinigpitan pa nito ang pagkakakuyom ng mga palad. As long as she can remember, this has been her mom's way to discipline her. She never got spanked, hit or shouted at. Subalit, once na nakatingin na ito ng masama sa kanya, she should behave right away or else, alam na ang kasunod. "Ma'am, nakita ko po. Hindi po si Lorisse ang nauna," buong tapang na nagsalita si Nana Loring. "Kung hindi po siya lumaban baka siya po ang pinagkai-sa -," Bigla napatingin si Lorisse sa gawi ng matanda. Pinanlakihan niya ito ng mata. "NO!" she mouthed. Ngutnit huli na ang lahat. Nanlilisik ang mga mata ng ginang na bumaling sa matanda. "Nana Loring, are you saying na mali ang pagdidisiplina ko sa anak ko?" madiing sabi ni Clarissa. Halos manliit sa kinatatayuan niya si Nana Loring. Napayuko ito. Nangingilid ang mga luha sa mata nito. "Mommy, I'm really sorry! It will not happen again. I promise!" agaw ni Lorisse sa atensiyon ng ina. Mariin siyang pumikit. Sa sobrang bilis ng t***k ng puso niya ay tila sasabog na ito sa dibdib niya. Ayaw ng dalagitang madamay si Nana Loring sa galit ng ina. Baka magbanta na naman itong pababalikin na niya ito sa Pilipinas. And she won't allow that to happen! "Juliana Lorisse, you do understand why am I doing this, right?" kalmado na ang ginang ngunit hindi parin mapagkaka-ila ang matigas na tono nito. Mabilis na sumagot ang dalagita, "Yes Mom! I know! I shouldn't fight with my classmates. I'm sorry. Please..." Dumaloy ang luha sa pisngi niya dala ng takot at pagod. She doesn't want to be left alone. Minsan nang muntik pauuwiin si Nana Loring ng kanyang mommy. She was five-year old then nang pinilit niyang lumabas sila ng matanda at magtungo sa park. Kabilinbilinan ng kanyang mommy na huwag silang lalabas kung wala ito sa bahay. Nataon noon na may pinuntahang mahalagang okasyon ang ginang. Laking galit nito noon nang madatnang wala sila. Agad-agad silang ipinahanap nito. At nang makauwi sila ay handa ang mga maleta at plane ticket ng yaya pauwi ng Pilipinas. Todo iyak noon si Lorisse, nangakong susunod sa utos ng ina at hindi na uulit pa. Sa huli ay hindi din itinuloy ng ginang ang pagpapa-uwi sa matanda. At mula noon ay hindi na niya sinuway ang anumang utos ng ginang. Strikto ang mommy niya. Kailangan bawat kilos niya ay naayon sa kagustuhan nito. There was a time when she had a tantrum because she doesn't want to attend her ballet class any more, mas gusto kasi niya sa Judo class. Ayaw niya noong bumaba sa sasakyan ng ihatid siya ng driver nila. Wala itong nagawa kundi tawagan ang mommy niya, nang matapos ang pag-uusap ng dalawa ay hindi na siya pinilit bumaba nito. Bagkus, ay iniuwi na siya nito. Buong akala ni Lorisse ay ok na ang lahat. Ngunit pagdating nila sa bahay ay galit ng ina ang sumalubong sa kanya. That was the first time she was made to kneel down on mung beans and salt until she repented. Bilang dagdag kaparusahan hindi din siya pinayagang mag-attend ng Judo class niya sa loob ng isang buwan. After what happened, she learned to never throw a fit about anything. "Get up now and go to your room!" utos ng ina. Dali-dali siyang inalalayan ni Nana Loring. Inakay siya nito patungo sa kanyang kwarto. Nang makapasok sila ay saka siya yumakap ng mahigpit sa matanda at pumalahaw. Hinayaan naman siya matanda, hinagod hagod nito ang likod niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD