"Nana Loring, bakit ganun si Mommy, hindi man lang niya tinanong kung bakit ko ginawa yon," sisigok-sigok siyang tila nagsusumbong sa matanda. Natigil na siya sa pagpapalahaw ngunit patuloy parin ang pagtulo ng luha niya.
Iginaya ng matanda si Lorisse sa kama nito. Nang makarating ay kaagad namang dumapa doon ang dalagita. Naaawang hinaplos ni Nana Loring ang ulo ng alaga. Mula nang isilang ang dalagita ay siya na ang nag-alaga dito.
Pagkaraan ng ilang sandali ay tumayo ito at lumapit sa drawer kung saan may nakapatong na pitsel ng tubig at baso. Nagsasalin ito ng tubig nang muling magsalita ang alaga.
"Tell me Nana, is she really my mom? Why is it that sometimes she doesn't treat me like her daughter?"
Natutop ng matanda ang bibig dala ng labis na pagkabigla sa mga sinabi niya. Hindi iyon nakita ni Lorisse dahil nakalubog ang mukha nito sa unan.
Dali-daling nilapitan siya ng nito, "Hija! Huwag kang mag-isip ng ganyan. Kilala mo naman ang Mommy mo sa pagiging strikta."
"Pero bakit ganon siya! Hindi ba niya ako mahal?"
"Hija, mahal ka ng mommy mo, normal lang sa ina na maging strikta sa anak. At huwag na huwag mong ipaparinig sa kanya yung sinabi mo," bilin nito sa kanya.
With the way her mom treats her, she can't help but think otherwise. Naiingit siya sa mga kaklase na sinusundo ng kanilang mga mommy. Samantalang siya, ni minsan ay hindi nagpunta sa school ang mommy niya. Tuwina ay si Nana Loring ang nag-aattend sa mga PTA meeting sa eskwela.
Kung hindi lang talaga sila mukhang pinagbiyak na bunga, at kung wala lang ang daddy niya, iisipin niyang ampon lang siya nito.
Gumaan ang loob niya nang maalala ang ama. Nasa Pilipinas ito at inaasikaso ang kanilang negosyo. Sa US siya ipinanganak, base sa kwento ni Nana Loring ay maselan daw siyang ipinagbuntis ng mommy niya noon, kaya naman lumipad sila papuntang Amerika dahil mas mataas umano ang magiging survival rate niya.
Ni minsan ay hindi pa sila umuwi ng Pilipinas ng mommy niya. Ang daddy lang niya ang dumadalaw sa kanila taun-taon, tuwing birthday niya at pasko. Tanging tawag lang ang paraan upang makausap niya ito. Minsan naman ay pinapadalhan niya din ito ng sulat o greeting cards.
Umupo ang dalagita sa kanyang kama saka inabot ang telepono sa ibabaw ng side table. Mabilis itong nagdial ng numero pagkatapos ay dinala ang aparato sa kanyang tenga.
Inantay niyang magring hanggang sa may sumagot sa kabilang linya.
"Hello princess? How's my beautiful daughter?" anang magiliw na boses sa kabilang linya.
Napangiti ng matamis ang dalagita, "Hi daddy! How did you know it was me?"
"Of course, sino pa ba ang prinsesang tatawag sa akin ng ganitong oras?"
Napahagikgik siya. Nakalimutan niyang magkaiba pala ang timezone nila. "I miss you so much daddy," naglambing siya sa ama.
"I missed you too baby. Did something happen? Inaway ka na naman ba ng mommy mo?" may pagdududang tanong nito sa kanya.
Napasimangot siya nang maalala ang kanyang ina, "Nope, but I got scolded because I got into fight at school."
"Why baby? What did they do to you?"
Mabuti pa ang daddy niya nagtatanong kung anu ang nangyari. Samantalang ang mommy niya kaagad na iniisip nito na siya ang may kasalanan at pinarurusahan siya kaagad.
"Some girls at school kept bothering me and calling me names. I did what you told me na pagsabihan sila. But they never stopped, so I did what I had to do." pagsusumbong niya sa ama.
"And that is?"
She hesitated to answer her dad's question for a bit, "Hmmmm, she was bigger than me so I did Osoto Gari."
Hindi napigilan ni Mr. Pedralvez ang mapahagalpak ng tawa sa kabilang linya dahil sa sinabi ng anak. Napatawa na din ang dalaga sa tinuran ng ama.
"That's my girl!" pagkuway puri nito sa anak nang makabawi sa pagtawa. "What happened after that?"
"Well, the other girls ran away," sagot niya dito na muling ikinatawa ng ama.
"Dad! Stop laughing!" kunway napipikong saway niya sa kanyang daddy.
"Ok, ok, I'm sorry baby. I just wish I was there to witness what happened," tatawa tawa padin nitong sinabi. "But, princess remember, pumayag akong magmartial arts ka just for self-defense, ok. Of course, you're on the right to defend yourself.
"However, using Judo was not the right decision princess, paano nalang kung nabalian mo ng buto yung kaklase mo, that's why your mom wasn't happy about it." mahabang paliwanag nito sa seryosong boses.
Napanguso ang dalagita sa pangaral ng ama, pero sa kabila niyon ay naintindihan niya ang ibig sabihin nito. Parang bulang naglaho ang tampong naramdaman niya para sa ina.
"I understand dad. I'm sorry, I disappointed you," malungkot ang tinig na wika niya.
"Oh, no princess, daddy is not disappointed, not a bit. If any, I'm more than proud. I'm glad I got you into martial arts."
"Really!"
"Yes, of course baby! Basta huwag mo lang gagamitin sa hindi maganda and syempre sa akin!"
Muli siyang napahagikgik sa sinabi ng ama. It's always fun talking with her dad. Minsan umaabot ng isang oras mahigit ang kwentuhan nila. Wala siyang pakialam kahit umabot pa sa libo ang bill nila sa telepono dahil may basbas naman ito daddy niya.
Nang makwento na niya ang lahat ng activities na ginawa niya sa eskwela ay nagtanong ang dalagita sa ama tungkol sa napipintong kaarawan niya.
"Dad, when are you coming? Can we go on vacation on my birthday? Can we go to the beach?"
Sandaling hindj nakakibo si Mr. Pedralvez sa kabilang linya. Hindi nito malaman kung paano ipapaliwanag sa anak ang dahilan ng biglang pagkatahimik niya.
Subalit, kahit hindi pa man ito nagsasalita ay tila bumagsak na ang puso ni Lorisse sa sahig.
Naulinigan niyang tumikhim muna ang dad niya bago ito nagsimulang magsalita. "Actually baby, daddy needs to tell you something. You know you're the most precious to me, right. And your birthday is the most special day for me as well. On the other hand, daddy got into a liiittle bit of trouble that needs fixing right away.
“So, won't you let it slide just for this once. I promise babawi ako. I will take you somewhere to see the Aurora Borealis on your winter break. You understand daddy, right?"
"Of course, Dad! I'm no longer a baby. I totally understand."
Napawi ng bahagya ang lungkot na nararamdaman ng dalagita sa pangako ng ama. Bumalik ang ngiti sa mga labi nito.
"That's my baby girl!" tila nabunutan ng tinik si Mr. Pedralvez sa kabilang linya.
Tumagal pa ng trenta minutos ang pag-uusap ng mag-ama. Napilitan lang siyang magpaalam dahil alam niyang kailangan na nitong magpahinga.
Bagsak ang mga balikat niyang ibinalik ang telepono sa receiver. Mabigat ang loob niyang hindi makakasama ang daddy niya sa birthday niya ngayon taon.
But at least, there is something to look forward to. She's also dying to see the infamous northern lights. Di bale, ilang buwan nalang naman winter break na ulit. Mabilis lang lumipas ang araw. Napangiti ang dalaga sa isiping iyon.
Sadly, her dad's promise was never fullfilled.
To be continued...