Birthday wish? Birthday s3x... (Part 1)

1124 Words
Nakakasilaw na liwanag mula sa araw na tumatama sa glass window ang gumising kay JL. Hindi namalayan ng dalaga kung anong oras siya iginaya ng antok. Dapat sana ay bubuksan niya ang kinuhang wine mula sa wine cabinet. Subalit, hindi na niya nagawa iyon. Naalimpungatan siyang nagising kaninang madaling araw. Mabuti nalang at maayos ang pagkakaupo niya kaya hindi sumakit ang batok at likod niya gawa ng pag-kakaupo ng halos limang oras habang tulog.    Sinipat niya ang relo sa ibabaw ng kanyang desk. Alas singko palang ng umaga. Nag-inat ang dalaga. Nabigla siya nang makita ang itsura. Wala nang anumang saplot ang dalaga maliban sa suot nitong nude color na soft cup bra na may katernong kaparehong kulay ding boy-leg undies.     Sa kabila niyon ay walang anuman siyang tumayo para lumabas. Kailangan niyang kunin ang kanyang roba na nakasabit sa likod ng upuan sa harap ng kanyang vanity mirror. Papasok na sana si Jl sa kanyang kwarto nang maulinigan niyang tila may tao sa kanyang kusina.    Today is Saturday kaya imposibleng ang secretary niya ito. Kumabog ang dibdib ng dalaga. Mag-isa siyang nakatira sa penthouse ng isa sa mga pag-aari nilang hotel. Dito na siya tumuloy mula noong nagdesisyon siyang umuwi ng bansa. May bahay ang Daddy niya pero ayaw niyang tumira doon. Maliban sa kanyang ama ay may mga taong ayaw niyang makita at makasama na nakatira doon.    Binalikan niya ang bote ng wine sa loob ng kanyang opisina. Tangan iyon, marahan siyang naglakad sa hallway upang tignan kung sino ang nangahas na pumasok sa kanyang bahay. Kahit birthday niya ngayon ay wala naman siyang inaasahang bisita dahil hindi niya ito ipinagdiriwang mula nang mamatay ang mommy niya. Maliban nalang kung may usapan sila ng best friend niyang si Elleana. Napansin niyang nakasindi nga ang ilaw sa may counter at tila may nagluluto.      "May multo! Mommy ikaw ba yan?"     Kinilabutan ang dalaga sa naisip. She shook her head to dismiss her silly thought. She's too old to believe in ghosts. Today she's officially 30 years old! At para maniwala pa siya na may multo baka nababaliw na siya. Ingat na ingat ang mga hakbang niyang lumapit sa shelf na nagsisilbing divider ng counter at ng kanyang solid glass dining table.    "A guy? Who the hell are you?" Isang matipunong estranghero ang walang pakundangan nagluluto ng kung ano sa kanyang kusina. Hindi maaninag ni JL ang mukha nito dahil maliban sa nakatalikod ito mula sa kanya ay nakasuot pa ito ng kulay itim na baseball cap. Nasa harap ito ng lababo at tila may hinuhugasan.    Matangkad ito, nakadamit ng navy blue na collar shirt at may pang-ibabang jeans. Kahit nakatalikod ang estrangherong lalaki ay sigurado si JL na gwapo ito. Malapad ang likod nito, kahit hindi kalakihan ang mga biceps nito ay papasa na sa kanya. Pupusta siya, masarap itong kayakap.      "Wow! Juliana Lorisse, hayok ka ba sa laman! Pinasok ka na nga ng kung sinong Poncio Pilato!"    Natawa siya sa sarili. Agad siyang nagtago sa shelf nang mapansin niyang tila tapos na ito sa paghuhugas sa lababo. What does she needs to? Napayakap si JL sa hawak niyang bote ng wine na dapat ay iinumin niya kaninang alas dose ng madaling araw.    Abot-abot parin ang kaba niya. Balak sana niyang ipukpok iyon sa intruder pero nang makita niyang ubod ito ng tangkad ay nagbago ang isip niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi din naman siya pwedeng sumigaw. Malamang bago siya masaklolohan ay baka nagawan na siya nito ng masama. Isa pa, sound proof ang penthouse na tinutuluyan niya.     Maliban nalang kung idikit mo ang tenga mo sa pinto at may matalas kang pandinig, ay hindi mo mauulinigan ang kahit anong ingay na nanggagaling mula sa loob. Sandaling napaisip ang dalaga. Bakit ito nagluluto?    Abala ang dalaga sa pagtatanong sa sarili nang may malakas na tumikhim sa bandang likuran niya. Sa labis na pagkabigla ay muntik na niyang mabitawan ang bote ng wine na hawak.      "Ay p*ke!" patiling sambit niya. Yung puso niyang kanina pa sobrang lakas ng kabog ay parang nahulog na sa sahig.      "Sh*t! I'm dead!" Napapikit ang dalaga. Katapusan na niya.      "Don't you have any decency left!?" nagngangalit na tanong ng lalaki. Napaayos ng tayo ang dalaga, kilala niya ang may-ari ng boses na iyon!      Kaagad niyang nilingon ito nang magrehistro sa utak niya kung sino ang intruder na nagluluto sa kanyang kusina. "Mr. Lopez!?"      Ito ay walang iba kundi ang kanyang secretary. The infamous Marco Jacinto Lopez, her absolute drop-dead-gorgeous boy-next-door type male secretary for 3 years. Bakit ba hindi sumagi sa isip niya na dalawang tao lang ang allowed na pumasok sa bahay niya maliban sa kanya - yung house cleaner at ang binata.    Naalala niya ang tanong nito. Oo nga pala, wala siyang suot na roba, nakabalandra sa mukha nito ang katawan niya.    Teka! Anung decency ang pinagsasabi nito?    Samantalang ito nga ang nag trespass sa bahay niya. Hindi pinansin ng dalaga ang matamang pagkakatitig sa kanya ni Marco. Nakahalukipkip ito at kita sa mga mata nito na hindi nito nagugustuhan ang nakikita.    The nerve of this guy! Bakit hindi ba siya seksi sa paningin nito at kung makatingin akala mo malaking kasalanan ang hindi niya pagsusuot ng damit!    Sinalubong niya ang mga tingin nito. Bahagya niyang iniangat ang baba at pinaningkitan ito ng mata. Isipin nalang niya kunwari nasa beach siya.      "Pardon? Ikaw ang nag trespass sa pamamahay ko tapos ikaw pa tong may ganang magtanong ng decency! Paano nalang pala kung may kasama ako! How will I explain kung bakit ka nandito!"      "Tch! Meron ba?" tila nang-iinsultong ngumisi ito. Na ikinainit naman ng ulo ng dalaga.      "What do you think, bakit ganito ang suot ko! Of course, I had a blast!" Napipikong singhal niya dito.      Hindi pinansin ng binata ang pagpapalatak niya. Kumilos si Marco at nilampasan siya nito, tumungo ito sa hallway kung nasaan ang pinto ng kwarto niya.She saw him smirked. Lalong nagpuyos ang kalooban ng dalaga.    Padabog na lumapit si JL sa dining table at inilapag doon ang hawak niyang wine. Pagkatapos ay tuluyan siyang naglakad patungo sa receiving area kung nasaan ang kanyang eleganteng Kennedee sofa na kulay abo.    Pabagsak siyang dumapa dito. Hindi nakahumang ang dalaga nang maramdaman nitong may malambot na bagay na bumagsak sa likod nito. Kahit di niya ito sipatin tiyak niyang ang roba niya ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit nagtungo si Marco sa kwarto niya.      "Wear that and come to the table in 10 minutes." utos nito sa kanya.    Hindi niya mawari kung sino ba talaga ang boss sa kanilang dalawa.    Kelan pa ito nagkaroon ng karapatan at lakas ng loob na manduhan siya?    At isa pa, anu talaga nag dahilan kung bakit ito nasa bahay niya nang umagang umaga.      To be continued ...   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD