Birthday wish? Birthday s3x... (Part 2)

1539 Words
Marahas na bumuntong hininga ang dalaga. Padarag itong bumangon saka isinuot ang noo'y nude color din niyang cashmere robe. Nang maisuot ito ay bumalik siya ulit sa pagkakadapa sa sofa. Sandaling ipinikit niya ang mga mata at kagaya kaninang madaling araw muling nakatulog ang dalaga. ***************************************** 3 years ago... | The Blvck Friday Makikita ang dalawang dalaga na mabilis ang kumpas ang katawan at sumasabay sa malakas na tugtog. Inaya si Lorisse ng kaibigang si Elleana para lumabas, nagpagkasunduan nilang magpunta sa The Blvck Friday. Isa itong exclusive membership club para sa mga kagaya niyang young executives ng isang kompanya. Mapa-malaki o maliit man ito basta kabilang ka sa board of executives at at hindi ka pa lagpas ng trenta ay automatikong magiging club member ka. Currently, she is the Director for Marketing Innovations. Ang nasabing membership club ay utak ng walang iba kundi ng kanyang half-brother. Napangiti ng mapait ang dalaga nang maalala ang bagay na iyon. Yung akala ni JL na only child lang siya ay mali pala at hindi lang iisa ang kapatid niya sa labas kundi tatlo. Ang malala hindi pa niya ito malalaman kung hindi niya sinunod ang sinabi ng mommy na umuwi siya ng Pilipinas. Iwinaksi ng dalaga ang kalungkutang pumasok sa isip niya. Nandoon sila upang magsaya, bawal mag-isip ng nakaka-stress. Kahit naiingayan ay tuloy parin ang pagsayaw nila ng kaibigan. Nang mapagod ang dalawa ay bumaba ang mga ito mula sa stage at naglakad papunta sa lounge na eksklusibo para lamang sa kanya at sa mga kapatid. Nagpaalam ang kaibigan na kukuha ito ng maiinom nila sa bar. Pinigilan niya ito dahil pwede naman silang magpahatid sa mga waiters. Ngunit nang ipinilit nito ang gusto ay wala na siyang nagawa. Pansin din niyang panay ang sulyap nito sa gawi ng bar kanina pa habang nagsasayaw sila. Mukhang may nakita itong hunk na type nito kaya hindi ito mapakali. Hinayaan nalang niya si Elleana, kaya mag-isa nalang siyang tumuloy at pumasok sa lounge. Mabuti nalang at walang nakaisip sa mga kapatid niya na magpunta sa club ngayong gabi. Solo nila ni Elleana ang private lounge. Maihahalintulad ito sa isang private karaoke bar. Sa loob nito ay mayroong malaking kulay itim na club leather U shaped sofa. Bagay na bagay ito sa white interior ng nasabing silid. Sa gitna naman ay maroong mini table tempered glass na kahugis din ng sofa. Sa bandang harap ay mayroong napakalaking monitor. Actually, siya ang nagpalagay niyon dahil mahilig silang kumanta ng kaibigan. Naisipan niyang bakit hindi nalang sila magpa-install ng sound system at monitor para hindi na nila kailangang maghanap pa ng ktv bar kapag wala sila sa mood magsayaw ng kaibigan. Nang bumukas ang pinto ay iniluwa nito si Elleana na may kasunod na waiter. May tangan itong tray na may nakapatong na apat na cocktail glasses. Nagtatakang tiningnan niya ang kaibigan Matamis na ngiti ang iginanti nito. "Because we're not able to celebrate your birthday last month, ngayon tayo magpapakalasing!" pilyang pahayag nito. They both had to go abroad last month. She went to the US to attend an investors meeting while Elleana had to attend a seminar. Isa na itong ganap na abogada. Hindi na siya nagtaka nang malaman niyang kumuha ito ng law. Mga bata palang sila ay alam na niyang papasa ito bilang abogado. Maliban sa mahilig itong makipag-argumento ay magaling pa itong magpalusot. Naalala niya noong nasa Junior high sila, hindi niya akalaing malulusutan nila ang tila FBI na pagtatanong ng mommy niya nang minsang malate siya ng uwi. Tuwing araw ng Sabado ay nakaugalian nilang magpunta sa bahay ng bawat isa upang mag 'weekend study' pero ang katotohanan ay wala naman silang ginagawa. Puro kwentuhan at harutan lang. Anyway, si Elleana ang nakaisip sa scheme na iyon. Noong ipinaalam nito sa kanya ang naisip ay natuwa siya. Ngunit hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa mommy niya upang payagan siya nito. Hanggang ngayon walang ideya ang dalaga kung anu ang sinabi nito sa mommy niya para mapa-oo ito. Maliban sa pagiging 'abogada' nito noon ay magaling din itong mangumbinsi. "Shessh, so, balak mong maglasing ganun?" Kanina medyo tipsy na siya subalit nang magsayaw sila at pagpawisan ay naglaho ang nararamdamang hilo ng dalaga. "Nope! Not me! You!" anito sabay abot sa kanya ng isa sa mga cocktail drink. Si Elleana ang tanging naging kakilala niya noong lumipat sila sa Rochester at kalaunan nga ay naging matalik na magkaibigan na sila. Dangan lamang ay kinailangang umuwi ito nang makatapos sila sa senior high. Biglaan kasi ang pagkamatay ng Daddy nito. Bilang nag-iisang anak din kagaya niya, nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas dahil wala nang kasama ang mommy nito. Gayun pa man, hindi naputol ang komunikasyon nila ng kaibigan. Patuloy parin silang nagpalitan ng mga sulat at kung minsan ay naglo-long distance call din sila sa isa't-isa. Kaya naman kahit magkalayo ay updated sila sa bawat isa. Nais sana nila noong mag-aral sa NYU. Ngunit, dahil mag-isa nalang siya, pinili niyang sundin ang kanyang ina. Pinagpasa siya nito ng application letter sa USC. Luckily, she got in and she went to USC Marshall School of Business. She finished a master's degree in Entrepreneurship and Innovations. Nagalak din siya para sa kaibigan nang makapasa ito bilang abogado. Proud na proud ang mommy niya noong makapagtapos siya. Sadly, just a year after she got her masters her mom passed away. It was cervical cancer. Wala sa hinagap ng dalaga na may tinatago palang sakit ang ina. Ni minsan ay hindi niya nakitang nagpunta ito sa ospital. Kung nagchemo man ito hindi niya alam. Since childhood there has been an invisible wall between her and her mom. They never show certain emotion for each other, unless galit ang mommy niya sa kanya. Though their bond as mother and daughter was not like how a typical relationship supposed to be, she still loved her mother regardless. Kahit pa ilang beses siya nitong pinaluhod sa monggo at asin nanatiling mataas ang respeto niya dito. She missed her dearly. She should've been a better daughter. Magsisi man siya ngayon ay huli na ang. ***************************************** Walang kamalay malay si JL na umiiyak na pala siya sa kanyang pagtulog. Patuloy ang pagdalaoy ng luha sa pinsgi ng dalaga. Nang matapos si Marco sa paghahanda ng agahan nila ay tinawag nito ang pangalan ni JL ngunit hindi sumagot ang huli. Kaya, minabuti niyang lapitan nalang ito. Nakadapa ito sa sofa, nakaharap ang mukha nito sa may center table. Napuno ng pag-aalala ang binata nang makita niyang basa ng luha ang pisngi nito. Agad niya itong dinaluhan, idinampi ni Marco ang likod ng palad nito sa pisngi ni JL. Alam niya kung bakit nagkakaganun ang dalaga at iyon ang dahilan kung bakit siya nandodoon ngayon. It's always been like this everytime her birthday arrives. Sa halos mag-aapat na taong secretary siya ng dalaga ay hindi pa niya ito nakitang magcelebrate ng birthday nito ni minsan. Gusto lang lagi nitong mapag-isa. Naka-off lang ang cellphone nito sa buong araw. Pagdating nito sa opisina kinaumagahan ay nakasuot ito ng malaking shades dahil mugto pa ang mga mata nito. Cancelled din ang mga meeting nito hanggang sa susunod na araw. Bumabalik lang ito sa normal pagkatapos ng limang araw mula sa petsa ng kaarawan nito. Hindi alam ng binata kung anung mabigat na dahilan at bakit ganun nalang ito taun-taon. But this year he decided to find out about it. Nadudurog ang puso niya kapag nakikita niyang ganito ang itsura ng dalaga. Mas gugustuhin pa niyang palagi itong nakikipagbangayan sa kanya. Panay parin ang haplos niya sa pisngi nito nang walang anu-ano ay nagmulat ito ng mata. Napabalikwas ito at pasalampak na umupo sa sofa na tila wala sa sarili. Maari ay hindi nito inaasahang mamumulatan siya nito. Naulinigan niya ang pagsinghap ng dalaga. Bahagyang umawang ang mga labi nito at ilang beses na kumurap kurap ang mga mata. “She looked like a startled cat.” Lihim na napangiti ang binata sa isiping iyon. Laking pagsisisi niya nang bumaba ang tingin niya katawan nito. Her cashmere robe got undone. Mula sa pagkakabukas nito ay lumitaw ang maumbok na dibdib ng dalaga. Bigla ang pagsalakay ng kung anung init sa katawan niya. Oh, man mukhang hindi siya makakapag pigil ngayon. Malakas ang kabog ng puso niya. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago pa mahuli ang lahat. Ngunit tila may magnet ang katawan nito at hindi na niya maalis ang tingin dito. "Get a grip man! D*mn!" he gritted his teeth. Nag-isip siya ng ibang bagay upang mawala ang atensyon niya sa nakabalandrang katawan ng dalaga. Tila may bikig sa lalamunang pinilit niyang lumunok. Wala sa loob na napahugot siya ng malalim na hininga. Pagkaraan ng ilang sandali ay bahagyang kumalma ang nag-aalab na damdamin ng binata. But he regretted looking back at her, because there she is gazing at him intently with her foxy eyes filled with eagerness. She looks like a gazelle in savanna who saw a beast, but instead of running away she's waiting for it to pounce at her. "Now youre really in trouble!" Sinalubong niya ang mga mata nito at tila robot ang katawan niyang kusang lumapit sa noo'y tila nag-aanyayang biyaya sa harap niya. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD