So, It's You!

1183 Words
"Sige ganito nalang, I will look for someone over the weekend. Email me the things that needs to be done and please babaan mo muna ang standards mo," pahayag ni Elleana. Agad namang umaliwalas ang mukha ng kaibigan.       "Really! OMG! You really are my superman!" napayakap si JL sa kaibigan. Alam niyang maasahan niya ito kahit sa anumang panahon.       Pinaikutan lang siya nito ng mata.       "Let's have dinner! My treat!" excited na sabi niya. Napawi lahat ng negative energy sa katawan niya dahil masusulusyonan na ang kanyang numero unong problema.       "Dapat lang! I deserve some beer!" nakangusong sabi nito. Tinawanan lang ng dalaga ang kabigan.       "Sure!"         At dahil Biyernes, sa private lounge nilang magkakapatid sa The Blvck Friday ang bagsak nila. Walang sawang nagkantahan ang dalawa.     **********************************************     Next Monday …       "Director, someone is here for you at the lobby saying he was sent by Atty. Elleana Lopez," anang receptionist sa intercom.       "He?" She's wondering kung bakit bigla lalake ang pinapunta nito.       Walang nabanggit ang kaibigan na male secretary ang papupuntahin nito. Kabilin-bilinan niya na hanggat maari ay babae sana ang gusto niya. Ngunit wala nang oras pa para mamili ang dalaga. Tambak na ang trabaho sa desk niya.        "Tell him to come over," aniya saka inayos ang mga nagkalat na papeles sa ibabaw ng mesa niya.        "What was she thinking!" sinubukan niyang tawagan si Elleana sa cellphone nito ngunit hindi ito sumasagot.       Naalala niyang umalis pala ito patungong The Netherlands, hindi niya gaanong mare-call pero parang nabanggit nito na ilang lingoo itong mawawala. She mentioned something about The Hague.     Abala sa pag-so-sort ng files ang dalaga sa ibabaw ng desk nito nang may kumatok sa pinto.     Pagkatapos nuon ay bumukas ito. Iniluwa nito ang isang lalaking tantiya niya ay may taas na anim na talampakan. He's not bulky but he looks lean. The man is wearing a dark tailored suit. Napataas ang kilay ng dalaga nang mapansin niyang hindi lang ito basta bastang suit. It is a Boglioli suit.       "Fine taste," she thought.       Napigil niya ang hininga nang dumako ang mata niya sa mukha nito.       "It's you!" naibulalas ng dalaga.       Marco gave her his most charming smile ngunit tila walang epekto ito sa dalaga. Bagkus ay napatayo ito at galit na lumapit sa kanya. Ang impertenenteng lalake! Anong ginagawa niya sa opisina ko!     "What are you doing here!"       "Err, I'm applying to be your secretary," anito.       Nagdududang tiningnan siya ng dalaga. Pinasadahan siya nito mula ulo hanggang paa.     Kababalik lang ni Marco galing ng America. He just finished a degree in business as per his parents wish. They own one of the biggest telco companies in the country. Aside from that, they also partnered with one of the best innovators in phone manufacturing company from abroad to produce their own mobile brand.     So far, their company is doing great. Mayroon siyang ate na kasalukuyang CEO ng kanilang kompanya. Idagdag pa ang kuya niya na Senior VP at ang bunso niyang kapatid na soon ay magiging director na din.      Ang totoo niyan ay walang ambisyon ang binata sa pamamahala ng kanilang family business.     Kuntento na siya sa pagiging bumbero. Nagtapos naman siya ng 2-year course bilang requirement para makapagtrain siya, maliban doon wala na sana siyang balak kumuha pa ng panibagong kurso. Ngunit dahil sa pamimilit ng dad niya at pagkaka-ospital ng ina, napilitan ang binatang lumipad papuntang US para mag-aral.     Sa tulong ng impluwensya ng ama ay nakapasok siya sa University of Oregon, kumuha siya ng kursong Business Admin Specializing in Operations and Business. Ayaw niyang maging training ground ang kompanya nila sapagkat tiyak na ma-i-stress lang siya dahil sa kanyang pamilya. Kaya sinubukan niyang magtanong sa pinsang si Elleana kung mayroon itong alam na ibang kompanya na pwede niyang applyan.     At eto na nga, sinabi nito na naghahanap daw ang kabigan nito ng secretary. Hinanap niya sa internet ang kompanya at pangalang binanggit nito. Tila nanalo sa lotto ang binata nang makita sa kanyang cellphone screen na ang magiging boss niya ay ang mataray at magandang dalaga na nakita niya sa pub. This is destiny! Agad niyang kinumpirma sa pinsan na pupuntahan niya ang kumpanya para mag-apply.       "And who told you I needed a secretary?" naniningkit na tanong ni JL sa binata.       "Atty. Lopez did. Actually, she's, my cousin." sagot nito.       Pinipilit kalmahin ni JL ang sarili. Kung hindi lang niya kailangang kailangan ng secretary kanina pa niya pinabitbit sa guard ang antipatikong lalaking ito. Biglang uminit ang ulo niya nang maalalang pinagbintangan siya nitong stalker.       "Give me your CV then you can start now. The desk you saw outside, that's yours. Bring those papers with you and sort them out depending on the urgency," sunod sunod na utos niya dito.       Agad namang tumalima ang binata sa lahat ng sinabi niya. Nang makalabas ito ay idinayal niya muli ang numero ng kaibigan ngunit hindi na ito nag-riring.     She bit her tongue.     Ok, sige, palalampasin niya ito ngayon. Aantayin nalang niyang makauwi ito at saka sila magtutuos. Nagawi ang mata niya sa CV ng binata sa ibabaw ng kanyang desk. Dinampot niya iyon at nagsimulang usisain.       "A fireman with a business degree?" bulong ng dalaga.        Nahihiwagahan siya kung bakit nito naisip na kumuha ng business course. Maliban doon sa US pa ito nag-aral, at hindi lang basta basta ang alma matter nito.        "What's his deal?"        Sa itsura at suot nito mukha naman itong mayaman. At, kung pinsan ito ng kaibigan niya malamang may negosyo nga ang pamilya nito. Pero bakit gusto nitong maging secretary niya, kung tutuusin pwede naman itong magtrain sa kumpanya nila.        She stopped stressing herself with those questions. Wala na siyang pakialam kung anu man ang dahilan nito. Ang mahalaga maayos itong magtrabaho.        Napukaw ang pagmumuni-muni ng dalaga nang tumunog ang intercom. Galing ito sa desk ng secretary niya.        "Ms. Pedralvez, I'm done sorting the documents. What do you want me to do next?" tanong nito.        Lihim na natuwa si JL, as expected, wala pang kinse minutos nagawa nitong tapusin ang dati inaabot ng oras para gawin ng mga nagdaang secretary niya.       "Great! Bring me the most urgent files," she felt satisfied.       Sa wakas makakapagtrabaho na siya ng maayos. Wala nang dahilan ang kuya niya para pestehin siya tuwing board meeting.     There are still a lot of things to do.     Sumunod na ipinagawa naman niya ay ang i-pa-sort ang calendar niya dito. Madaming meeting ang naantala dahil may mga kailangan siyang tapusin.     Sa isang linggong bakante ang posisyon ng secretary niya ay siya ang gumagawa lahat ng trabaho na dapat ay para dito. Ayaw na niyang ipagkatiwala pa ito sa iba dahil baka mamaya ay espiya na naman ito ng magaling niyang kuya.     Natapos ang buong araw na tila nabutnutan ng tinik ang dalaga. Back to normal na ang takbo ng kanyang opisina. Sa lahat ng director siya lang ang bukod tanging nagtatagal sa kanyang opisina beyod working hours. Ilang araw na din siyang puyat. Sa wakas ay makakauwi na din siya ng maaga.     Nagbago ang balak niyang kastiguhin sana ang matalik na kaibigan pagkauwi nito. Imbes, magdamag nalang silang magkakantahan sa lounge nila sa TBF.                  To be continued ...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD