VIENTIDOS Pagbaba niya ng taxi ay nakababa na sa motorboke niya si Caiden, agad itong lumapit sa kanila at pinagbuksan siya ng pinto. Minabuti kasi niyang mag-txi kasama si Mystic dahil sa suot nito at isa pa, hindi rin sila kasya sa motorbike nito. “Bakit biglang huminto?” tanong ni Mystic. “Hindi ba puwedeng paandatin muli itong—” “Mystic, nandito na tayo,” putol niya sa sinasabi nito at saka siya naunang bumaba, sumunod naman agad si Mystic sa kanya. Pagkatapos bayaran ni Caiden ang Taxi Driver ay saka sila pumasok sa loob ng bahay ni Selena, eksakto namang papalabas ang dalaga at nagulat nang makita sila. “Ang bilis niyo naman!” sabi nito na huminto sa paglalakad at inabangan ang paglapit nila. Tiningnan nito si Mystic mula ulo hanggang paa saka salitan silang tiningnan ni Caiden

