VIENTITRES Nadatnan ni Zevyl sina Caiden at Selena na tila seryosong nag-uusap sa sala. Halata sa mukha ng mga ito na may malaking problemang kinakaharap ang dalawa, nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito ay nakita niya ang punyal na ginamit sa pagpatay sa Lola niya. “Saan galing iyan?” tanong ni Mystic at mabilis na dinampot ang punyal. “Iyan ang ginamit sa pagpatay sa Lola ko,” malamig niyang sagot dito. Nakita niyang masama ang tinging ipinukol nito kay Caiden. “May kinalaman ang angkan ng Lamia sa pagpaslang kay Prinsesa Editha, tama ako?” “Angkan ng Lamia?” kunot-noong tanong niya habang salit-salitang nakatingin kina Selena at Caiden. “Isang paglabag ang ginawa nila at maari silang patayin sa kalapastanganang ginawa nila!” galit na wika ni Mystic. Tahimik pa rin ang dalawa h

