VEINTICUATRO Pagmulat ng mga mata ni Caiden ay nagulat siya nang tumambad sa kanya ang sarili niyang kuwarto. Unti-unti ring bumalik sa alaala niya ang mga nangyari saka tiningnan niya ang palad niyang tinamaan ng punyal kanina. “You finally awake.” Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Selena na galing sa banyo. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito habang palapit sa kanya. “Where’s Zevyl?” tanong niya at bumangon. “Nasa pool pa rin,” sagot nito at hinampas siya nito sa balikat. “You scared the shot out of me. Alam mong may lason ang punyal ngunit hinayaan mo lang iyon na tamaan ka.” Huminga siya ng malalim at tumingin dito, nakita niya itong naluluha at masama ang tingin sa kanya. “I need to do it, Selena. Kapatid ko ang pumatay kay Prinsesa Editha . . .” sabi niya rito

